Chapter 7

1.2K 31 1
                                    

Chapter 7

Pinanuod ko si Bradley habang naglalakad siya palayo, nagkagat ako ng labi upang pigilan ang isip na makipagtalo sa akin.

Natanaw ko sila Claire at Shaney, papalapit na sila ngayon. “Sundan mo na siya, kami na ang bahala rdito.” Claire said, habang tinitignan ang papalayong si Brandon.

Matagal bago ako nakapagdesisyon na sundan siya. Nagawa ko pang lingunin ang lalaki bago ako naglakad upang sundan si Brandon. I am still guilty, for an unknown reason. Ano ba kasi ang dapat kong ikakonsensya?

Mas bumilis ang lakad ko nang malapit ko na siyang naabutan. I half-ran just to reach for him, and so I did.

“Bradley..” Mahina ngunit sapat na upang marinig niya iyong tawag ko.

Huminto siya ngunit nakatalikod pa rin siya.

Humugot ako ng malalim na hininga. Humigpit ang hawak ko sa sling ng aking shoulder bag, dito ibinubuhos ang kabang nararamdaman ko.

Humarap siya sa akin, pinanuod niya ako, naninimbang ang tingin.

Ang malalim na parte sa ibaba ng kanyang labi ay mas lumalaim dahil maging ang kanyang labi ay walang bahid ng kahit anong reaksyon.

“He apologized, and admitted his fault.” I explained, maging ang sarili kong boses ay hindi ko mailarawan.

“Tapos nanlambot ka na agad?” Nanunuya niyang tanong.

Agad akong nagsalita pagkatapos niya, “Hindi ako nanlambot, Bradley…” I started. Nakipagtitigan ako sa kanya, “napagtanto ko kasi na, iyong kagaya niya na mas maliit ang kasalanan, nakuhang humingi ng tawad sa akin..samantalang iyong taong nagkasala sa akin ng malaki ay hindi iyon ginawa.” Paliwanag ko sa kanya ng buong tapang.

“I forced that asshole to say sorry to you.” He said as a matter of fact. “Ano ang gusto mong palabasin? Na nagsorry siya sa’yo kasi inaamin niya iyong mali niya?” Mahina ang kanyang boses ngunit para sa akin ay isang sigaw iyon.

Nakakasakit.

“Still. He apologized, regardless sa ginawa mong pagpilit o pagkukumbinsi, nagsorry pa rin siya.” Paliwanag ko sa kanya.

I saw his eyes became sharp as he look away for a bit, mukha siyang nahihirapang intindihin ang mga sinasabi ko.

“And what made him different from my brother, then?” He asked, naghahamon.

“He mended the wound he created, right after. That boy, he did something that your brother never did.” I explained slowly.

Nakita kong umigting ang kanyang panga, isang palatandaan na hindi ko pa nababawasan ang kanyang pagkainis sa akin. Bagkus ay mas ininis ko pa siya lalo.

“I longed for an apology, Bradley. I was happy when he said sorry. To think that ginawa niya iyon sa harap ng maraming tao, at hindi niya inisip ang kanyang sariling dignidad, humingi pa rin siya ng tawad.”

Nagtaas siya ng kilay sa akin. “That’s bullshit.” He muttered at tumingin muli sa akin, “is that really all you’ve been caring about?” Huminga siya ng bigo at nag-iwas ng tingin.

Hindi ako nakasagot sa kanya, naubusan na ng sasabihin. I guess hindi niya na ako maiintindihan, dahil mukhang magkasalungat ang punto naming dalawa.

Baka mas paguluhin lang namin ang usapan kung patuloy lang kaming magsasalita pa.

“Neterini!”

Napalingon ako sa aking likuran, nakita ko rito si Leona. Mukhang kagagaling niya lang sa kanyang klase, lumapit siya agad sa akin.

Not A Fairytale✔Where stories live. Discover now