Chapter 11

1K 26 1
                                    

Chapter 11

“We are not sure about it yet.”

“I know. I’ll wait.”

Marahan akong dumilat at nasilaw agad ako sa maliwanag na ilaw at puting pintura. Maingay ang paghinga ko at agad na sinuri ang buong kwarto.

Nakahiga ako ngayon sa isang hospital bed, salamin ang nasa harapan ko, napatingin ako sa gilid at nakita ko na mayroong sofa doon, I moved my vision when I heard the door closed.

Nakita ko si Bradley na papalapit sa akin pagkatapos niyang maisara ang pintuan. May ihinatid siya palabas.

“Who’s that?” May halong pagtatakang tanong ko.

I heard them talking. Is she my visitor? A doctor?

“A friend. How are you feeling?” He immediately asked.

“I think I just fainted, it’s nothing big.” Paliwanag ko sa kanya.

“You should rest, huwag ka munang pumasok bukas.” Paalala niya sa akin.

Tumingin ako sa salaming bintana sa kabilang direksyon ng sofa. Gabi na. The city lights are intimidating.

“Ilang oras akong nakatulog?” Tanong ko habang nakatingin pa rin sa labas.

“Three hours.” Mabilis niyang sagot sa akin, nararamdaman kong nakatitig ito.

“You should go home, may pasok ka pa bukas. I bet you’re also tired, I’m sorry for the trouble.” Mahina kong sinabi at marahan siyang liningon.

Nakapamulsa siya habang nakadungaw sa akin.

I suddenly felt awkward as I remember how I cling myself onto him. I am so shameless when I am panicking!

Nanatili siyang nakatitig sa akin, tila ba sinusuri ang aking mukha. May hinahanap siyang kung ano, na hindi ko maintindihan.

“When you first met my brother, you had a crush on him, right?” He started.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay at nakipagtitigan sa kanya, are we starting this again?

“Why are you asking that? Do I look not well to answer that?” Iritado kong tanong sa kanya, pinipilot iwaksi ang sagot na dapat sabihin.

“You are well now.” Mabilis nitong sinabi.

“I am still not.” Pamimilit ko at nag-iwas ng tingin.

“You liked him.”

Napatingin ako sa kanya, naiinis. Matagal ko siyang tinitigan ng masama, ngunit nang tumagal ang titigan namin na wala siyang pinakitang pagsisisi sa kilos ay napabuntong hininga na lamang ako.

Nahiga akong muli at tinakpan ng comforter ang buong katawan. Nahiga ako patalikod sa gawi niya.

“Go home. I am fine here.” Mahina kong sinabi.

I never heard anything from him after that, ni halos dahil doon ay hindi ko na naisip kung alam na ba nila Mama at Papa ang nangyari, na nasa Hospital ako. But then, I am confined where Mama works. Kaya no wonder.

Nagulat na lamang ako nang nakarinig ako ng salita, “I’ll sleep here.” Aniya.

Napabangon ako at agad na bumaling sa kanya, na ngayon ay nakahiga na sa sofa.

“Hey. I said you should go home.” Iritado kong sinabi sa kanya.

Hindi niya ako sinagot, bagkus ay nagkabit siya ng earphones sa magkabilang tainga at agad na pumikit habang nakaekis ang dalawang braso sa harap ng kanyang dibdib.

Not A Fairytale✔Where stories live. Discover now