Chapter 18

867 22 0
                                    

Chapter 18

It's been a week and hindi na regular classes ang nagaganap sa school, dahil na rin siguro sa papalapit na Sport's Fest. Sport's Fest is kinda big for our University, dahil nafifeature ito madalas sa mga TV Programs, and even on magazines. Bukod kasi sa maganda at sikat ito ay tanyag pa ang iba't-ibang varsities nito. Minsan ay umaabot pa sila ng ibang bansa upang makipagcompete.

Busy ang lahat, ako lang yata ang hindi dahil ni isang sport ay wala akong sinalihan. I don't play, and I am not sporty though. Kung may araw man na pupunta ako sa school, ay iyon kapag naglaro si Claire.

Claire will be joining the volleyball game, Shaney will be out because she have this new project and may fashion show yata siyang kailangang puntahan, she'll be a part of the runway though.

And talking about Claire, hindi niya pa rin sinasagot ang mga tawag at texts ko. Which is making me sad. She really is mad about what I did. Pero handa naman akong maghintay, kung kailan niya ako gustong kausapin, then I will tell her everything, tutal ay alam niya naman na. I think there is no reason to hide it anymore.

And since hindi naman na regular classes, hindi na rin ako pumasok. I stayed at home, giving Claire her space. Tutal ay wala namang gradong magiging apektado kung sasali man sa mga laro o hindi. The school will benefit with the Sport's Fest anyways. At baka may pumunta pang mga sikat na tao roon, para lang makinuod sa mga laro, that's why as well don't mind the students.

"Sila Mama po?" I asked to one of our house attendant nang mapansing hindi na naman yata sila umuwi kahapon galing sa trabaho.

"Hindi po sila umuwi ma'am." Sagot naman nito, tumango na lamang ako sa kanya at naupo sa sofa at napabuntong hininga.

I opened the television, ililipat ko na sana ang chanel nang mapansin ko ang building ng kompanya nila Papa. What is it again? Did he do something bad again because he lost his temper? Again?

His temper is becoming worse, para siyang babae na madalas nang maging moody, and sometimes he would hurt people just to excrete some realization or to lessen his temper. Hindi naman siya ganyan dati, hindi ko lang alam kung anong nagbago at bigla na lang siyang nagkaganoon.

Perhaps, because of the numerous problems of the company? I don't know. Mas pinipili ko na lang na huwag munang pansinin, dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako maharap na kausapin. Ganoon din si Mama. Work is kinda tight these days.

Ayaw ko nang alamin pa kaya nama'y pinatay ko na lang ang TV at bumalik na lamang sa aking kwarto. Eksakto naman noong ibinukas ko ang pintuan ng kwarto ko ay narinig ko agad ang maingay na ring ng aking cellphone, someone is calling kaya nama'y pinulot ko ito at agad na tinitigan ang screen.

Otomatikong tumakas ang isang ngiti mula sa aking labi nang makita ang pangalan ni Bradley rito. Sa hindi malamang dahilan, muli kong naramdaman ang aking pusong napakalakas ng pagpintig, at alam kong hindi ito ang unang beses na nakaramdaman ako ng ganito dahil sa kanya.

"Brad, why?" Bungad ko at agad naupo sa sofa, kinakagat ang aking labi upang pigilang ngumiti.

"Are you free today?" Seryoso ang kanyang boses at hindi na ako nagtaka pa dahil lagi naman siyang seryoso.

"Yup, why?" Muli kong tanong.

"We'll go somewhere, dress up. I'll pick you up." Aniya at agad ibinaba ang tawag.

Binabaan ako? Gaano ba siya kaseryoso doon?

Napasimangot ako dahil sa inis. Bakit niya ako binabaan? At bakit ganoon na lamang siya kaseryoso? Napabuntong hininga na lamang ako at agad na tumayo, I faced my walk-in closet at agad na namili ng pwedeng suotin dito. He sounded serious, bakit kaya?

Not A Fairytale✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon