Chapter 3

1.7K 38 2
                                    

Chapter 3

“Why? It’s my usual outfit. Shorts? Sleeveless top? Sandals?” Aniya pa na parang pinapaalala sa akin iyon lahat.

“Right,” mahina kong sinabi at ibinagsak muli ang sarili sa kama. “I hate those clothes.” I murmured.

“I know right, how about you? What will you wear, then?” She asked again, naramdaman ko ang pag-uga ng kama at nakita kong naupo siya sa gilid nito.

I hate myself for asking her about her outfit. Kaya siguro’y nagtanong din siya sa aking kung anong susuotin ko.

“I don’t know? Jeans and a turtleneck long sleeves will do right?” I asked at tinanaw siya.

“Yuck!” Singhal niya at hinaplos niya ng bahagya ang kanyang baba. “How about skinny jeans and a stripes long sleeves?” She asked, making me think that it is the best suggestion.

Well, her facial expression is just very persuading.

Ngumuso ako sa kanya, “you do know na wala akong skinny jeans right? I do have jeans pero either boyfriend jeans or over-sized jeans.” I explained, muling bumangon nang napansin kong tumayo siya at dinaluhan ang mga maleta kong hindi ko pa ginagalaw.

Binuksan niya ito at agad bumulaga ang mga damit ko a kanya. I remained sitting in my bed as I watch her browse through my clothes.

“Here,” itinaas niya ang isang stripes na long sleeve, nagtaas ako ng kilay. “Anong ipapartner ko diyan, then?”

Ngumisi siya sa akin. “I’ll go get one of my skinny jeans.” Aniya at kumindat sa akin.

“As if kakasya sa akin iyan,” kampante kong sinabi.

Claire is slim, and I am a lot fatter than her. She’s lucky if a pair of her skinny jeans would fit me, though.

“Maliligo na ako, Claire! Bahala ka diyan!” Sigaw ko sa kanya at agad na dinampot ang twalya galing sa tumpok ng mga damit ko at agad na pumasok sa banyo.

“Iiwan ko na ito dito! Make sure to wear a pointed five inch heels!” Paalala niya galing sa labas.

Umiling-iling na lamang ako at naligo na, I brushed my teeth and when I went out, bumulaga sa akin si Claire, nakapagpalit na siya at naka-ekis ang kanyang braso habang hinihintay ang paglabas ko sa banyo.

“Let me change you.” Nakangisi niyang sinabi.

Nanalaki ang mga mata ko at agad na pumasok pabalik sa banyo. I closed the door immediately. “Come on, Netirini! It’s just for tonight!” Aniya galing sa labas.

“I can change for myself.” I said back.

“Fine, I’ll wait outside.” Aniya, I even heard the door closed.

Nagbuntong hininga ako at ibinukas na ang pintuan ng banyo, humakbang ako palabas at nakita kong nakahanda na ang mga susuotin kong mga damit sa ibabaw ng aking kama.

Claire just won’t cut it.

Inuna kong isuot ang aking pangtaas na kasuotan.

Nagbuntong hininga ako at dinampot ang jeans. “It will not fit,” I sternly stated as I look at the slim skinny jeans.

Ngunit sinubukan ko pa rin upang patunayan kay Claire na hindi talaga kasya, at tama ako, nang umabot ito sa aking balakang ay hindi na ito masyadong kasya, but I can still pull it up, though. But I think it’s an enough excuse? “It doesn’t fit!” I said to her aloud.

“Dumbass, pull it hard, don’t make excuses,” sagot naman niya galing sa labas.

Nakalimutan kong isa pala siyang clothing expert.

Not A Fairytale✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon