Chapter 15

987 27 1
                                    

Chapter 15

Agad kaming pumasok sa Clubhouse na pinakamalapit sa school, ngunit bago kami pumasok ay pinatay ko na ang aking cellphone. Thinking that, Mama might call me.

Iginaya ako ni Claire sa isang three seats sofa. “Wait here, I’ll get us a drink.” Aniya na agad ko namang tinanguhan.

Nang makaalis si Claire ay napalibot na lang ako sa paligid, not the club that I’ve imagined though, or a bar. Wild and full of perverts. This place is quite different. Mukhang kaswal lang ang mga tao rito at hindi rin ganoon kalakas ang musika, eksakto lamang upang mabigyan ng buhay ang buong lugar.

Mayroon pang second floor, so I wonder how does it feel to go up there. Open roof kaya? That’s more refreshing!

Nagplay ang kanta ni Liam Payne na Stack it Up kaya nama’y bahagya na lamang akong napangiti. I am sure Claire is only giving me time to adjust.

Natuwa ako sa disenyo ng Clubhouse dahil napakaelegante, hindi mo aakalaing may nalalasing dito, panigurado dahil ang mga disenyo ay napakagaan sa mata. There are several white retora tea light lanterns hanging in the ceiling, varvind glass vases for each tables here, pati ang bulaklak nito’y hindi ko alam kung anong tawag. Even the fancy ortofta chandelier didn’t escape my fantasy.

Nagising na lamang ako nang dumating si Claire dala-dala ang dalawang malaking pokal glass na may lamang kulay dilaw na maiinom, may lemon cut pa ito sa ibabaw.

“Try this, it is the best vodca mix of the bartender here.” Aniya at iniabot sa akin ang isang pokal glass.

I wonder if malalasing ako agad dito?

“Try it.” Ulit pa ni Claire sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at agad na sumimsim nang paunti-unti rito, at napagtanto kong kahit may kaunting pait ay masarap pala ito.

“The pineapple melts on my mouth so nicely.” Komento ko at ngumti sa kanya.

“Sabi na nga ba at magugustuhan mo iyan.” Aniya pa at sumimsim din sa kanyang inumin.

Muli kong inilibot ang aking tingin, tila ba hindi pa kuntento sa paglilibot kanina.

“Just be slow in drinking, 80% alcohol and 20% juice iyan. Nakakalasing” She remarked, kumikindat. “Most of the customers here are celebrities, and students of our school. This place is so casual and nice kasi elegante ang lugar, bagay sa mga di makabasag pinggan na personalidad, so I brought you here.” Paliwanag niya.

Muling napalitan ang kanta at tumugtog naman ang kanta ng LANY na ILYSB, at iyong stripped version pa. Ang ganda.

“Maganda ba sa taas?” Biglaan ko na lamang naitanong.

“Yeah, gusto mo puntahan natin?” Tanong niya na agad ko namang tinanguhan habang nakangiti.

Binuhat namin ang mga sarili naming mga pokal glass at sinundan ang isa-t-isa sa pag-akyat pataas sa hagdan.

Tama nga ako, malayong mas maganda rito sa taas, tanaw ang mga bituin at ang buwan na sobrang liwanag na naman dahil full moon ito. Kaunti lang ang tao rito, ngunit pati dito ay elegante rin.

Ang nagsisilbing bubong ng buong lugar ay isang malapad na transparent na salamin, leaving the sky to remain visible. Ganoon rin ang dingding nito, puro salamin. The owner of this Clubhouse is kinda creative huh?

Napangiti ako habang tinatanaw ang mga taong naroon, at napatigil na lang ako nang pag-iikot ng tingin nang mamataan ko si Bradley - may kasama siyang dalawa pang lalaki at kapwa may hawak-hawak na tig-iisang lata ng beer.

Not A Fairytale✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon