Chapter 14

915 22 0
                                    

Chapter 14

“Good afternoon, Miss Neterini.” Ngiti ng isang empleyado sa akin.

“Good day, Miss!” Another employee greeted.

“Hey, anak iyan ni Sir Mattew, bumati kayo.” I heard someone murmured and the next thing I heard are several greetings from my father’s employees.

Ngumiti ako nang bahagya sa kanila at tumango-tango pa habang patuloy sa paglalakad patungong opisina ni Papa. I opened the elevator and immediately entered when it opened. Pinindot ko ang ika-limang palapag kung nasaan ang opisina ni Papa at sumandal na lamang sa salaming sulok nito.

Muli akong binati ng mga emepleyado roon nang mamataan nila akong paparating, gaya ng ginawa ko kanina sa ibaba ay ngumiti ako sa kanila at tumango.

I just finished my first quarter exam para sa unang semester, and I wanted to visit Papa and Mama. Naisipan kong surpresahin sila, they haven’t called for a while now, they won’t answer my texts either. Siguro’y busy sila? Since, Papa didn’t answer most of my calls, siya ang uunahin ko.

It’s been a month and ang tanging nagbago lang sa akin ay ang hindi madalas na kausap ang mga magulang ko. They’ve been busy, and so as I, for the first quarter of the first semester.

Pipihitin ko na sana ang pintuan ng opisina ni Papa nang bigla na lamang itong bumukas. Bago ko mapansin ang babae ay nakarinig ako ng isang malakas na kalabog mula sa loobna para bang may naibatong babasaging bagay dito, ngunit hindi ko iyon inalintana.

Napalingon ako sa babae. By her looks, she must be the same age as Mama. She is pale, unlike Mama. She’s slim and she have this red..too red lips. Napakurap ako at pumagilid, she is wearing thick tinted sunglasses, dahilan upang hindi ko mawari kung nakatitig ba siya pabalik sa akin o hindi.

She looks serious and her aura is heavy. Siguro’y fierce lang ang kanyang mga mata, she looks stylish also. Her hair is rolled in a french twist style, she is wearing a high waist straight cut brown pants and a royalty polo blouse, tila nabingi ako dahil ang tanging naririnig ko lamang ay ang lagitik ng kanyang suot na cut out high heel na sobrang taas ng takong, maybe 7 inches?

Bahagya niyang ibinaba ang kanyang sunglasses nang tumapat siya sa akin, gamit ang kanyang hintuturo lamang at saglitan akong sinilip sa ibabaw ng nakababang sunglasses niya. There I saw the fierce eyes that I thought, tama ako. She’s fierce.

Napatigil siya sa paglalakad, at hinarap ako. Tuluyan na niyang tinanggal ang kanyang sunglasses at bumulaga sa akin ang kulay brown niyang mga mata. Mas nadedepina pa ito gayong sobrang puti niya, tila ba’y isang babaeng maraming sakit, ngunit iwinaksi ko na lamang ang iniisip.

“You must be the daughter of Alexandro?” She raised an eyebrow at me, but her eyes are smiling and sparkling. Nalilito tuloy ako kung nagsususngit ba siya o natutuwa.

Alexandro? Siguro’y nalilito siya dahil magkakambal sila ni Papa.

Wala sa sarili kong ngumiti sa kanya, “No you must be mistaken, Ma’am. I am Mattew’s daughter, Neterini po. It’s nice to meet you.” Nagawa ko pang buhatin ang sarili kong palad upang humingi ng hand shake.

Hindi natinag ang kanyang ekspresyon, at tila ba’y nabadtrip pa siya sa sinabi ko. “No, you must be the one who’s mistaken. Who’s daughter are you? The good one or the bad one?” Nanunuya ang kanyang boses.

Tinignan ko siya at napuno ng pagkalito ang aking isip. Nagsalubong ang mga kilay ko sa kanya at hinahanap kung alin ang mali sa sinabi niya.

“Pardon me, Ma’am?” Tumagilid ang ulo ko at bahagya pang naningkit ang aking mga mata.

Not A Fairytale✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin