Chapter 8

1.1K 33 1
                                    

Chapter 8

Maraming estudyante sa gilid, at sa tingin ko’y may alam sila about sa tweet tungkol sa akin kaya kung makatingin na lamang sila ay halos mailang na ako. Humigpit ang hawak ko sa puting shoulder bag ko at pinipilit na itaga na lamang ang sarili gamit ang postura nila Claire at Shaney.

Agad naman kaming nakahanap ng table sa cafeteria pagkarating namin, hindi rin marami ang tao, mukhang hindi pa break time ng ibang departments.

Lumingon ako sa entrance ng cafeteria nang natahimik bigla doon, at nakita ko si Bradley na nakatayo doon habang nakapamulsa. Hindi niya na hawak iyong binder niya, and he looks cool with his outfit.

He is wearing a yellow long sleeves tee shirt na nakahila hanggang sa baba ng siko niya, he also matched it with a maong knee ripped jeans, na sa kaliwang parte lang ang parang punit nito, kaya mukhang kaswal pa rin tignan. Ang lakas din ng dating ng kanyang itim na relo at ng kanyang sneakers na nike na hindi ko alam ang kung alin doon, I don’t know the exact brand pero naririnig ko ito kay Claire.

“He is wearing the new Nike airmax 720, hyperspace pa, fuck I’m jealous.” Narinig kong sinabi ni Claire, nakatingin na rin pala kay Bradley, sa sapatos niya pala.

Nakita kong umupo siya sa table, di kalayuan sa ‘min. Kaya pumasok sa isip kong kausapin siya at humingi ng paumanhin dahil hindi maganda ang usapan namin kahapon.

“Huy, Neterini. Anong oorderin mo kako?” Paggising ni Claire sa akin sa reyalidad.

Napatingin naman ako sa menu na ibinigay niya, “lasagna and water.” Mabilis kong sinabi. I don’t even know kung gusto ko ba iyong lasagna, iyon kasi ang nasa unahan kaya iyon na lang ang pinili ko tutal mukhang nagmamadali na naman si Claire.

Napalingon ulit ako sa gawi ni Bradley at nakita kong nakabulsa pa rin ang dalawang kamay niya, hinugot niya ang isa at tinignan ang orasan sa kanyang relo.

Is he waiting for someone?

I sighed, siguro ay next time ko na lang siya lalapitan at magsosorry. Baka may mas importante siyang gagawin at maging panggulo lang ako.

“Nag-thank you ka ba?”

Ibinalik ko ang tingin ko sa kaharap ko, si Shaney na tinatanaw din si Bradley habang hawak-hawak nito ang kanyang cellphone. Mukhang napansin niyang nakatingin ako sa gawi nito.

“Hindi pa.” Sagot ko naman.

“You should thank him, I heard siya ang unang nakaalam na si Harry pala ang nagtweet noon.” Aniya, ppertaining to the man yesterday. Iyong sinuntok I Bradley.

Muli kong tinanaw siya Bradley, na ganoon pa rin ang posisyon. Nagbuntong hininga ako at tumayo sa kinauupuan ko. Saglit lang naman, I’ll just apologize and say thank you and we’re done. A proper closure.

Naglakad na ako patungo sa table niya.
“Brad-”

“Sorry, I’m late!” Napatigil ako nang nakita ko si Ellie na nakasuot ng volleyball attire, pawis na pawis at ibinagsak ang kanyang duffel bag sa upuang katapat ni Bradley.

Napatingin siya sa akin at nagtaas ng kilay, bumaling siya kay Bradley to ask him why am I here, obviously. Napatingin si Bradley sa akin.

“Why are you here?” He asked, which sounded very rude for me, or am I just overreacting because Ellie is here?

“May sasabihin sana ako, pero next time na lang.” May pag-aalinlangan kong sinabi sa kanya.

“Sabihin mo na ngayon.” Aniya, nakatingin pa rin sa akin.

Not A Fairytale✔Where stories live. Discover now