Chapter 20

986 23 0
                                    

Chapter 20

Huminto ang sasakyan sa isang basement, hindi ako pinansin ni Bradley at agad na lumabas. Binuksan nito ang pintuan ng back seat at kinuha ang aming mga pinamili’t binuhat habang ako naman ay palabas pa lang sa sasakyan - pinapanuod siya gamit ang mga matang nagtataka na sobrang bulis gumalaw.

Napangiti na lang ako nang pasikreto dahil mukha siyang batang wala sa mood. Wala sa sarili akong sumunod sa kanya hanggang sa naitapat na kami sa elevator.

“You okay?” I interrupted at bahagyang bumaling sa kanya habang hinihintay ang ang elevator na bumukas.

The basement’s lights are too bright, pero kahit ganoon ay may ibang parte pa rin ng kanyang mukha ang nagdidilim. Gaya na lamang ng kanyang mga mata, I cannot clearly see it, but I know it’s beautiful. Mas lalo tuloy siyang naging misteryoso sa paningin ko.

Hindi siya sumagot at agad na lamang pumasok nang bumukas elevator, may naabutan naman kaming dalawang babae roon na masayang nag-uusap, at napatigil na lamang sila at parang naestatwa nang pumasok kami ni Bradley.

“Damn, he looks nice.” Narinig kong bulong ng isang babae.

“He is that handsome man I am talking about, he lives next door.” Wika naman noong isang babae.

“Really? He’s hot!” Nalakasan pa ng babae ang pagkakasabi noon, dahilan upang mapalingon ako sa kanila nang bahagya.

Napansin ko naman ang pagtataas ng kilay noong isa. “Is that his girlfriend?”

“Don’t know, baka fling.” Sagot naman ng isa, ngumuso ako.

Do I look like a fling? Fling pa sa lagay na ito? Kahit nakajogging pants at t-shirt lang ako? They must be really kidding me.

Kinagat ko ang aking labi upang pigilang ngumiti na naman, tiningala ko si Bradley na mataman lang na nakatingin sa kawalan.

“Quit starring or I’ll kiss you.” Seryosong suway ni Bradley sa akin at agad akong dinungaw.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay at ‘saka nag-iwas ng tingin, ano bang problema ng isang ‘to? Is it because I made him take a photo with someone?

But I really love his aura now, kahit parang seryoso siya ay hindi na ako natatakot. Siguro, sa pamamalagi niya sa penthouse nila Mama ay nasanay na rin ako sa presensya niya.

About him and Mama, how they knew each other, ay hindi ko pa natatakong sa kanya. I might later, tuma-timing lang ako dahil mas gusto ko siyang pakisamahan kapag ganito siya kaseryoso - iyong sakto lang, hindi gaya noon na halos hindi na ako kumportable kapag ganoon kaseryoso.

He is now smiling a lot. Which is a good thing for me. Mas lalong gumanda ang imahe niya sa akin.

“Miss?” Tawag noong babaeng isa sa akin.

Agad akong lumingon sa kanila na may ngiti sa mukha.

“Your butt is pretty nice and toned, nag-gym ka?” Nagtaas ng kilay iyong isa naman habang tinatanong iyon.

Ngumiti ako. “No, I don’t go to gym. Malakas lang akong kumain.” I huskily explained, napangiwi naman iyong nagtanong sa akin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

“She’s damn blessed,” bulong nitong muli.

Huminto na ang elevator at agad naman kaming lumabas mula rito, nauna siyang maglakad habang ako ay nakasunod lamang sa kanya.

I watched the hallway, at maging dito ay nagagandahan ako, wala lang parang pati hallway ay kasama sa binabayaran dito sa condo dahil maganda ito. May mga paintings at lamps pa habang siya naman ay huminto sa tapat ng kanyang pintuan, he typed a password here and immediately entered as soon as it opened.

Not A Fairytale✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon