Chapter 28

919 20 3
                                    

Chapter 28

Humawak si Ellie sa kanyang panga at nagtaas ng kilay sa akin. Dahil sa ginawa ko ay mas lalo lamang nag-apoy ang mga mata niya. Mas lalong nagalit sa akin. Sumugod din siya at sinampal ako—mas malakas sa sampal ko sa kanya, hindi pa siya nakuntento ay sinampal niyang muli ako...same pain.

Muli siyang hinila ni Bradley ngunit itinulak niya ito.

Hinawakan ko ang panga ko at ang labi nang napansin kong may dugo roon, nakagat ko ang labi ko, at wala akong oras para indahin ang sakit noon.

Tinuro niya ako, "you are a fucking whore so don't you dare slap me with your filthy hand!" Nagngingitngit niyang sinabi, namumula ang mga mata.

"Ellie! Stop it!" Lumapit si Leona sa akin at inalayo ako kay Ellie.

"Wow! Just wow! Pati ba naman si senior Leona napapaikot mo na rin? Ibang klase talaga ang kalandian mo, walang katumbas! You deserve to be humiliated nang matauhan ka!" She almost screamed her lung out, at may mga luhang lumandas sa kanyang pisngi.

Marami pa siyang gustong sabihin, at nakikita ko iyon sa mga mata niya.

Go ahead, Ellie. Shower me with your hatred. I will not talk back, not because I am afraid. But one anger is enough, before worse things happen..

Hinila siya ni Bradley palayo, pinilit niyang kumawala ngunit hindi niya nagawa dahil mas malakas si Bradley sa kanya. Hindi ako nakagalaw at nanatiling nakatanaw sa kanila.

My breathing hitched, I am too angry and I am shaking big time. Ang dami kong gustong sabihin, ang dami kong gustong gawin upang maibsan ngunit lahat ng iyon ay nanatili lamang sa utak ko habang unti-unting nagdidilim ang paningin ko.

I am angry, very angry. But when I slapped Ellie, I realized one thing and I caught off guard. I shouldn't exaggerate that much at hindi na dapat ako umabot sa ganoon!

Sunod-sunod na palakpak ang narinig ko galing kay Jackson, at nakangisi pa ito sa akin. Lumipat ang tingin ko sa kanya, nagtataka at naiinis sa inaasal niya.

Lumapit siya sa akin habang nakapamulsa.

"Nice show out there, Neterini. Wow, that was a blast! How does it feels now, then? How does it feel to be broken hearted and humiliated, huh?" Naguguluhan akong tumanaw sa kanya.

What the hell is this man, saying?

He wasn't even humiliated! Na in-announce ni Ellie iyong ginawa niya sa akin although it was distorted! This man have strong guts! Hindi ko masikmura ang kasamaan ng ugali niya, he is even happy that Ellie announced it! Parang mas natuwa pa siya!

Umiling ako at nanlaki ang mata nang sugurin siya ni Leona at ginawaran ng isang malakas na suntok.

"You are not a man! You're all words! What an asshole, I pity you!"

Mabilis na dumalo si Leona sa akin at hinila ako paalis doon. Wala akong nagawa kun'di magpahila dahil napapalibutan na kami ng mga tao, ng maraming tao, at karamihan ay nagvivideo pa. Napapikit ako nang mariin upang pakalmahin ang sarili.

Iginaya ako ni Leona sa kanyang sasakyan at mabilis na isinara ang pintuan kahit maraming nakasunod sa amin—mga nagvi-video. Pinanuod ko sila habang unti-unting umaalis ang sasakyan ni Leona.

Halos hindi ako makapagsalita habang nasa loob ang ng sasakyan niya, he is now sending me home...and I cannot take this anymore.

I guess all those glitters aren't gold, huh?

Sari-saring kapraningan ang tumatakbo sa utak ko at hindi ko nagawang pigilan ang lahat ng 'yon, hinayaan ko, at ibinuhos ko na rin aa wakas ang mga luhang pinipilit kong pigilan.

Not A Fairytale✔Where stories live. Discover now