Chapter 27

890 23 1
                                    

Chapter 27

"Jackson, man!"

Jackson's attention immediately moved to Leona. Ngunit imbes na si Leona ang una niyang makita ay ako, na kasabay ni Leona sa paglalakad.

Tinapik niya sa balikat ang kausap niyang team mate at 'saka naglakad palapit sa amin.

Hindi natanggal ang mga mata nito sa akin, nagtaas siya ng kilay at bumaling kay Leona.

"Hey.."

Nagfist bump silang dalawa.

And...Leona is friends with him?

"Nice game out there! You improved a lot." Komento ni Leona.

Ngumisi si Jackson, "give me a break here MVP." Wika niya kay Leona.

"Give me a break too, prodigy." Leona chuckled.

"You got a nice girl, out here, mind introducing me to her?" Wika niya na siyang umubos sa dugo ko.

I am so sure namumutla na ako ngayon sa kaba. Nanlalamig ako at aligaga sa utak.

"She's a friend, too. I asked her out, and by the way, her name's—"

"Neterini." Putol niya kay Leona at bumalik ang tingin sa akin, muling nagtataas ang kilay.

"You know her?" Leona asked, sounding surprised.

"Yeah, who wouldn't." Tamad niyang wika.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin, dinungaw niya ako.

"Jackson.." Naglahad siya ng kamay sa akin.

Hindi ko alam kung anong balak niya at nagpapanggap siyang hindi ko siya kilala, ngunit nainis ako bigla sa inasal niya....nang-iinsulto ba siya?

He raised an eyebrow at me nang tinitigan ko lang ang kamay niya.

"Uhh, she actually hates physical contact with men." Sinabi ni Leona.

Thank you, Leona.

Dahil sa sinabi ni Leona ay natanggal ang pagtataka sa kanyang mukha at nag O ang kanyang bibig. Humalakhak siya na para bang nagtagumpay siya sa isang plano, nakakainsulto..nakakainis...nabubuhay ang nararamdaman kong galit sa kanya lalo.

If only we are alone here now, I will definitely slap him as hard as I could.

"Really? Wow, conservative." Wika niya at sumulyap sa likod nang may tumawag sa kanya, I think they'll celebrate.

"No thank, man. I'll have lunch with my friends!" Aniya na siyang nagpagulat sa akin.

Humarap siya sa min, "since we won the game, why don't we grab lunch together?"

Dinungaw ako ni Leona, "is that fine with you?"

Naagaw niya ang atensyon ko, nag-isip ako ng isasagot at bumaling kay Jackson.

He licked his lips as he raise a brow at me, naghahamon ang kanyang titig, at nanunuya.

Napalunok ako, "o-okay, Leona..."

Halos pagsisihan ko ang pagsama nang nakarating kami sa isang resto, umuurong ang sikmura ko at nawala iyong gutom ko. Gusto kong umatras.

Nauna kami ni Leona sa Miera at sumunod naman si Jackson lulan ng kanyang sasakyan. Sumunod siya sa amin sa loob, at dinaluhan kami sa table.

Binigyan kami ng waiter ng tig-isang menu, at halos itakip ko na sa buong mukha ko ang menu habang naghahanap ng makakakain.

Ni wala akong maintindihan sa listahan ng mga pagkain at parang mas lalo lang umuurong ang sikmura ko.

Not A Fairytale✔Where stories live. Discover now