PROLOGUE

362 15 0
                                    

PROLOGUE

HINDI KO ALAM kung dapat ko bang pagsisihan ang araw na nagkita kami ng babaeng 'yon at tinulungan pa siya. Dahil simula noong araw na 'yon, ang dating tahimik kong buhay, naging magulo at maingay. Naka-focus lamang ako sa pag-aaral at sa pagiging student leader, at wala akong kahit na anong balak na pumasok muli sa isang relasyon. Hanggang sa dumating nga siya.

"Ano, Symon..." Tila nahihiya nitong tawag sa akin. "Bakla ka raw?"

Tumingin ako sa kanya at nakitang naghihintay lamang ito ng sagot mula sa akin. Hindi ko maiwasang hindi masaktan noong tanungin niya kung bakla ba ako. Pakiramdam ko kasi, kapag sinabi ko sa kanya ang totoo ay bigla na lang siyang mawala dahil hindi niya ako matatanggap. Ayoko. Ayokong maranasan ulit na hindi tanggapin ng taong importante para sa akin.

"I'm a bisexual, Miss Fontanilla. I get attracted to men and women. If it ever bothers you, you're free to go." I told her although it feels like my throat was burning upon telling her the last statement. Sino bang niloko ko?

Iniiwas ko na kaagad ang tingin ko mula sa kanya. Ayokong makita ang itsura nito at kung paanong mapuno ng pagka-disgusto ang mukha niya. Baka hindi ko kayanin.

"Then that's great!" I was surprised when she happily shouted. When I looked at her, her face was beaming with joy. "Ibig-sabihin ay may pag-asa pa rin ako sa'yo."

Malaki ang ngiti sa mukha nito, akala mo ay nanalo sa lotto. Habang ako naman ay hindi makapaniwala. Ayokong maniwala dahil ayokong umasa. Katulad lamang din niya siya. Maghahanap ng iba dahil hindi niya ako matatanggap. At ayokong saktan niya ako. Hindi ko na hahayaang mangyari pa 'yon.

"Gusto kitang maging boyfriend kaya liligawan pa rin kita!"

Chasing Mr. RightWhere stories live. Discover now