Chapter 5

199 7 4
                                    

Song for this chapter is Tadhana by Up Dharma Down. Follow the official playlist of Chasing Mr. Right at #CMRPlaylist on Spotify. Thank you so much and enjoy reading!

CHAPTER 5

"KAMUSTA? NAGAGAMIT MO naman ba 'yung mga librong binigay ko sa'yo? Kung gusto mo, pwede naman kitang ihiram pa ng mga libro sa library para makapag-review ka. Hindi ko kasi alam kung ano bang mga libro 'yung kailangan mo. Ni-search ko lang sa internet 'yung mga librong binili ko. Tsaka na lang ulit kita ibibili kapag nakasahod na ako sa trabaho ko—"

Tsaka lamang huminto sa pagsasalita si Anya nang hawakan ko siya sa balikat para pagpalitin ang pwesto naming dalawa. Siya kasi ang nasa parte na nasa tabi mismo ng kalsada tapos hindi man lang nito alintana ang mga sasakyan na mabilis na dumadaan. Salita pa siya nang salita sa halip na ituon ang atensyon sa daan.

Dahil marami pa akong kailangang tapusin sa school, napagpasyahan naming na sa isang diner malapit sa school na lang kami kumain. Anya being as considerate as she is, pumayag na lamang ito sa kung saan ko gustong pumunta. Although Rosie's Diner is a few blocks away, we just decided to walk since none of us brought a car to use.

"Naglalakad tayo, oh. Sa daan ka tumingin, mamaya maaksidente ka pa dahil d'yan sa kadaldalan mo."

Anya giggled. Hindi rin nito alintana ang iritasyon sa boses ko. "Sorry," she mumbled. "Sinusulit ko lang 'yung oras na magkasama tayo. Hindi ko kasi alam kung kailan 'to mauulit, eh."

Hindi na ako nagsalita matapos ang sinabi ni Anya. Ganoon din naman ito. She just focused herself on the side of the road where we were walking with a smile plastered on her face. Kahit anong pagsusungit ko sa kanya, palagi pa rin siyang nakangiti na para bang walang-pakialam. O baka dinadaan na lang niya sa ngiti ang lahat? Hindi ko alam.

"OH, HI, HOW are you?"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nag-rolyo ng aking mga mata sa tuwing may lalapit sa amin ni Anya at babatiin ito. Parang nawalan na ako ng ganang kumain. Magkasama nga kaming dalawa pero ang dami namang istorbo. Not that I want us to have the time alone for ourselves, but she said she wants to get the best of our time together but she's letting other people consume her time? I know I sounded like a nagging boyfriend, but I can't help but be annoyed.

"I think I have to go now."

Doon lamang ako napaangat ng tingin nang sabihin ng lalaking kausap ni Anya na aalis na ito. Sabay pa silang napatingin sa aming dalawa at mukhang doon lamang napagtanto ni Anya na kasama niya nga pala ako. Parang lalo lang tuloy akong nainis.

"Yeah, sure, catch up na lang soon," nakangiting sagot ni Anya.

"Sure, good luck," the guy said and ruffled Anya's hair before leaving.

Umiwas na lamang ako ng tingin at itinuon ang atensyon sa pagkain.

"Sorry about that. I never thought I'd see some friends here kahit school break," she said then laughed awkwardly.

"Yeah, your friends are quite big shots, though," I told her. "Akala ko ba ayaw mo sa mga rich kid?"

"Well, they are nice," she replied.

I smirked humorlessly. "They are nice to you because you are the school president's daughter," I said.

Nang walang natanggap na sagot mula kay Anya ay tsaka ko lamang ulit ito tiningnan. Nang makita ang malungkot na ekspresyon sa mukha nito ay doon ko napagtanto ang aking huling sinabi sa kanya.

Chasing Mr. RightWhere stories live. Discover now