Chapter 3

195 5 2
                                    

CHAPTER 3

THIS IS THE third week of January and I have a handful of tasks to do since the enrolment has somehow started already. I seldom go to the library now, first, because of my duties in the student council, and second, because of Anya.

I don't want to see her for now, or at least cross paths with her, although it's impossible since we go to the same school. Masyado lang akong nape-pressure sa mga ginagawa niya at isa pa, ayoko siyang paasahin. Ayoko pang pumasok ulit sa isang relasyon at ayokong ma-distract sa pag-aaral. The moment Anya entered in my life, telling me that she wants to court me and make me her boyfriend, I swear she messed up my mind in many ways I couldn't imagine she can. Being near her doesn't help me.

Noong nakaraang linggo na patuloy pa rin ako sa pagpunta sa library para mag-aral, nandoon na kaagad si Anya at naghihintay sa pagdating ko. Mayroon na itong nakareserbang upuan para sa akin—'yung pinakamagandang pwesto para mag-aral—at nakahanda na rin lahat ng libro na madalas kong basahin at pag-aralan.

"PINAG-RESERVE NA kita tsaka kinuha ko na 'yung mga librong madalas mong pag-aralan para pagdating mo dito, mag-aaral ka na lang," masayang sagot nito sa akin nang tanungin ko siya kung anong ginagawa niya.

"You don't have to do this, Anya," I told her. "You don't need to spend so much time for me and do these things for me."

Kahit na gaano kaseryoso ang aking boses ay nakuha pa rin nitong ngumiti. "This is my way of chasing my Mr. Right," she said with a carefree smile. Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi niya. "Wala kasi akong makita sa internet na ways paano manligaw ng lalaki, eh. 'Di ko naman alam kung pareho lang ba ng panliligaw ng lalaki sa babae kaya ako na lang ang gumawa ng sarili kong tips."

Doon na ako nagsimulang maguluhan sa mga sinasabi niya. Anong tips at ways?

"Tapos plano ko i-po-post ko 'yung tips sa blog ko, ito oh!" tapos ay ipinakita pa sa akin ni Anya ang screen ng laptop niya. Nasa homepage 'yon ng kanyang blog.

I already knew about her blog one time when we were together here in the library. Tuwing sinasamahan niya ako habang nag-aaral ako ay may dala-dala na itong laptop. Akala ko noon ay para sa school ang ginagawa niya pero sabi niya sa akin ay may blog daw siya at doon daw niya pino-post ang mga essay, tula, mga litratong nakuhanan niya at iba pa nitong mga sinusulat.

That night I knew about her blog, I browsed through her blog and I found myself enjoying her write-ups. Sobrang enthusiastic and lively kasi ng paraan niya ng pagsusulat. Pakiramdam mo ay kasama ka niya habang sinusulat niya ang mga gawa niya o kaya naman ay nasa tabihan mo siya at siya mismo ang nagku-kwento sa'yo ng binabasa mo.

Chasing Mr. RightWhere stories live. Discover now