Chapter 11

141 5 5
                                    

The song for this chapter is you! by LANYFollow the official playlist of Chasing Mr. Right at #CMRPlaylist on Spotify. Thank you so much and enjoy reading!

CHAPTER 11

HALOS ISANG LINGGO na noong huli kaming nag-usap ni Anya, at halos isang linggo na rin itong walang paramdam. Wala itong text o chat. Wala na rin ang mga sulat niya. Halos isang linggo na rin akong hindi matahimik. Ang daming pumapasok sa isip ko na dahilan kung bakit hindi na nagpaparamdam si Anya. Baka totoo na pinag-ti-trip-an niya lamang ako? Baka nakahanap na siya nang panibago niyang pag-ti-trip-an? Pero bakit hindi ako masaya?

I smirked bitterly when I thought that the other reason was that she might have known about my gender already. If she does, what should I expect? She might have realized that she doesn't like me anymore. Who would want a bisexual guy if you are a straight girl? Besides, I pushed her away, because that's where I'm good at.

Padabog kong isinarado ang aking locker at halos mapatalon ako sa gulat nang biglang bumungad sa akin ang mukha ni Anya. Nakangiti ito at halatang-halata sa mukha niya ang saya. Bumilis ang tibok ng puso ko at para bang biglang nawala ang inis sa puso ko nang makita ko siya. Finally, she's here. Parang sobrang tagal lumipas ng linggong 'to noong wala siya.

"Hi, Symon!" She greeted, beaming with joy. And fuck, I don't know how to reply. She giggled, maybe because of my reaction, and man, she looks so cute. "Nandito ako para ligawan ka."

Napanganga ako sa sinabi niya. Akala ko, matapos ang naging komprontasyon namin ay iniiwasan na niya ako kaya wala siya nitong mga nakaraang araw. Pero nandito na ulit siya, at ganoon pa rin ang sinasabi niya sa akin. Lalo yatang bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon.

"Pero gusto muna sana kitang makausap? 'Yung tayong dalawa lang sana. Pwede ba?"

Dala ng sobrang gulat, wala sa sarili akong napatango. Oh, God, did she really find her way back to me already? Because I'm not planning to let her go anymore. Please, let this be a sign.

"ANO, SYMON..." TILA nahihiyang tawag sa akin ni Anya. Kaagad naman akong tumingin sa kanya at hinintay kung ano man ang sasabihin niya. "Huwag kang magagalit sa tanong ko, ah?"

Biglang kumunot ang noo ko. "Ano ba 'yon?" Tanong ko sa kanya.

"Bakla ka raw?"

Parang huminto ang mundo ko dahil sa tanong niya. "That's your question?"

Dahan-dahang tumango si Anya bilang sagot. I scoffed and she was puzzled why I did. "So that explains why you were not texting or messaging me. At kung bakit wala ka nitong mga nakaraang araw."

Biglang nanlaki ang mga mata nito. "Hala! Hindi, ah!" depensa nito. "I swear!"

"So where were you?"

"I've been sick, actually. Kahapon lang ako nakapasok tapos may mga ginawa pa ako..."

"Why you didn't tell me you were sick?! Okay ka na ba ngayon?" Parang bigla akong kinain ng guilt. How can I accuse her already without even asking? And I'm even planning to be a lawyer, but I'm doing shit already.

Ngumiti na naman ito na para bang walang nang paglagyan ng saya niya. "I'm happy you're worried about me," she said.

Bigla akong nahiya kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Narinig ko naman ang mahina nitong tawa. "I'm okay now, Symon. Thank you. I'm happy that you care for me and I'm sorry if I didn't text you or anything. Ayoko kasing maistorbo ka, eh."

Chasing Mr. RightWhere stories live. Discover now