Chapter 9

126 5 2
                                    

The song for this chapter is Smile by Avril LavigneFollow the official playlist of Chasing Mr. Right at #CMRPlaylist on Spotify. Thank you so much and enjoy reading!

CHAPTER 9

THE SECOND SEMESTER had officially started. But since there are students who are still enrolling, most classes have not started yet, and because of that, Xavier and I are kind of busy with our tasks for the student council while the enrolment is still ongoing.

Sa mga nakalipas din na linggo, patuloy lamang sa pagpapadala sa akin ng bulaklak o kaya mga tsokolate si Anya kahit na iniiwasan ko pa rin siya. May pagkakataon pa na mayroon pang kasamang love letter kaya palagi akong tinutukso ng mga kasamahan ko. Mabuti na lamang at hindi nila alam kung sino ang nagpapadala ng mga 'yon sa akin, maliban na lamang kay Caleb. Hindi ko alam kung anong sasabihin nila kapag nalaman nilang nililigawan ako ni Anya. Isa pa, anak siya ng presidente ng school. Ano na lang ang sasabihin ng mga nila?

It's true that I appreciate all her efforts but since I found out that she and Xavier had a history together, I will always build a wall around myself to keep her away from me. Simula rin nang malaman ko ang tungkol sa kanilang dalawa, doon ko lamang napagtanto na baka totoo ang narinig ko noong huling linggo ng bakasyon na baka pinag-ti-trip-an lamang talaga ako ni Anya. Nililigawan naman pala siya ng kaibigan ko tapos sinasabi niyang gusto niya akong maging boyfriend? Huh! Humanap siya ng ibang pag-ti-trip-an dahil wala akong panahon para sa kanya.

Now speaking of Anya, I haven't heard from the little devil yet. I don't know if it's a good or a bad thing, though. It's good because no one's bugging me, and it's bad because I don't even know why I'm looking for her as if I am missing her. Nasanay lang siguro ako na palaging may nangungulit sa akin nitong mga nakaraang linggo kaya naninibago ako. Oo, gano'n nga 'yon.

"Wala ka pang klase, Sy?"

Kaagad akong nag-angat ng paningin nang marinig ang boses ni Luna. Nakita kong kasama nito si Scarlett at magkahawak pa sila ng kamay. Pabiro akong nag-rolyo ng aking mga mata sa kanila kaya pati silang dalawa ay natawa sa aking ginawa. Mahigit isang buwan na rin yata simula nang maging sila. We are all happy for the two of them but I can't help but think of Lance, our childhood friend. We haven't heard anything from him yet. Huling balita namin sa kanya ay lumipat na pala ito sa St. Louis College ayon sa mga magulang niya. Mukhang sobrang laki pa rin ng galit sa amin ng batang 'yon dahil akala niya ay pinagkaisahan namin siya at hindi kaibigan ang turing namin sa kanya. We can't blame him but we were all at fault with what happened with our friendship.

I was surprised when Luna suddenly cupped my face. "Naiinggit ka na naman!" Biro nito at patuloy na pinangigilan ang aking pisngi. "Huwag kang mag-alala, Sy, love pa rin naman kita."

I removed her hands from my face because she was being so annoying. Biglang naging makulit porket may love life, eh. At si Scarlett naman kinukunsinte lang.

Malapad ang ngiti nang umupo si Luna sa bench na katapat ko kaya napakunot-noo naman ako. Ano na naman kaya ang problema ng isang 'to?

"May nalaman ako." And there she goes again with her annoying teasing voice.

Tiningnan ko nang masama si Scarlett dahil siguradong ito lang naman ang source ni Luna. Imposibleng si Xavier dahil una sa lahat, busy siya at hindi makakausap sa mga oras na 'to panigurado. At pangalawa, walang alam si Xavier tungkol sa pangungulit sa akin ni Anya.

"Ano na naman? Wala ba kayong magawang dalawa para pag-chismis-an n'yo ako?"

Luna just giggled and it annoyed me more. "So, nililigawan pala ni Xavier si Anya? Tapos nililigawan ka ni Anya? Now that makes you superior to Xav. I'm not shading him, ha? But of all people, both of you know Xavier more, and Scarlett thinks he's not serious about Anya. She even thinks the same way."

Chasing Mr. Rightحيث تعيش القصص. اكتشف الآن