Chapter 12

138 7 3
                                    

CHAPTER 12

"SINO SI KENZO?"

Kunot-noo akong nilingon ni Anya habang subo-subo pa nito ang biniling sandwich kanina. Mukhang wala pa itong balak sagutin ang tanong ko sa kanya kaya ibinalik ko na lamang ang kanyang phone. Baka sa sobrang gigil ko madurog ko lang. Sino ba kasi ang Kenzo na 'yon?

Nagtatakang inabot naman ni Anya ang kanyang phone. Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanya kasi baka mamaya siya na naman ang mapagbuntunan ko ng inis. Ayoko nang umiyak ang isang 'to. Mamaya isumbong pa ako sa papa niya. Tsaka hindi ko siya matiis. Nakakainis!

"Binasa mo ang text ni Kenzo?" Tanong sa akin ni Anya.

Hindi ko siya tiningnan. Lalong hindi ko siya sinagot. Paano ko ba itatanggi na nabasa ko ang text sa kanya ni Kenzo? Paano ko ba itatanggi na nabasa ko ang sabi sa kanya ni Kenzo na hihintayin siya nito mamaya? Paano ko ba itatanggi na nabasa ko ang tungkol sa usapan nilang magkikita sila mamaya? Kahit anong palusot ko, sapat na na ebidensya na na-open na 'yung message sa kanya ng Kenzo na 'yon.

"Kaya pala hindi ka makakasama mamaya," bulong ko na lang.

She giggled. Ganoon siya kapag naku-cute-an daw siya sa akin. Pero hindi ngayon ang tamang oras para ma-cute-an siya sa akin. Nagseselos kaya ako!

"He is only a friend," sagot ni Anya. "Kaklase ko siya sa karamihan ng klase ko kaya naging magkaibigan kami. Mas gwapo ka sa kanya, 'wag kang mag-alala."

"Then why did you decline my invitation to hang out with us?" I asked without looking at her. Baka bumigay na naman ako. "Why did you choose him over me?"

Nagulat ako nang bumalandra sa harapan ko ang mukha ni Anya. Lumipat pa talaga ito nang pwesto para lang magkausap kami.

"Una, lakad n'yo 'yong magkakaibigan," she told me so I immediately cut her off.

"I'm inviting you and you are now basically part of the squad so why did you—"

"I feel so flattered," she said. "But I don't want you to have lesser time with your friends. 'Yun na nga lang 'yung time na meron kayo tapos makikisali pa ako? You can have your own time with your friends, and it's totally fine with me."

Napatingin na lamang ako kay Anya. She really values friendship and I love that she loves the people I love as well. She never lets me lose time for them and she makes sure that my friends and I could still stay the same, whatever happens.

"And I hope it is fine for you as well," she continued. "Tsaka paano kapag kasama rin ni Scarlett si Luna? Hindi na ba kayo naawa kay Xavier? Baka ma-OP 'yun kasi siya lang ang walang jowa."

I rolled my eyes at Anya. Nakuha pa talagang magbiro at pag-trip-an si Xavier. She also seems fine with Luna already compared to these past few weeks—noong mga panahong iniiwasan ko pa siya. Sobrang close raw kasi naming dalawa ni Luna at kahit alam pa niyang girlfriend na ito ni Scarlett, hindi pa rin daw niya maiwasang hindi magselos. Naiinggit daw siya kasi close kami ni Luna at nagagawa niya akong patawanin, habang si Anya naman ay pinagtutulakan kong palayo. I told her I was sorry that I made her feel unappreciated and jealous just because I was afraid and mad.

Simula rin nang magkaayos kami ni Anya ay tinigilan ko na rin ang paghahanap sa taong naka-text ko noon na akala ko ay si Anya. I am sure now that that person was not Anya and I don't give a fuck anymore. We are already happy, and that's what only matters for me now.

I sighed in response to what Anya said. I already felt defeated since she has never told me not to go with anyone, so who am I not to allow her to go and meet her friends? I should set aside this jealousy because, in the first place, we are not even official yet. "Just text me, okay?" I told her.

Chasing Mr. RightWhere stories live. Discover now