Chapter 1

177K 2.4K 149
                                    

"Am I the only one who thinks that it looks a bit... strange?"

Nahulaan ni Davide na nahirapan si Zauro sabihin iyon. Bakit hindi kung agad itong pinagtawanan ng mga kaibigan nila? Anim sila sa grupo: siya, si Zauro, Tranquilino, Fergus, Colt, at Puma. Lahat sila ay nasa third year high school. Nakilala niya ang tatlo sa mga kaibigan sa eskuwelahan, ang Saint Francis International School, habang ang dalawa pa ay noon pa niya kakilala dahil sa kanilang mga magulang.

They were well-to-do kids, at least five of them were. Ang isa sa kanila, si Tranquilino, ay kasabayan niyang lumaki dahil ito ay sa kanila na halos nakatira bilang anak ng pinakamaaasahan nilang kasambahay. Tranquilino made it to that school because of Davide's parents. Pinag-aaral ng kanyang mga magulang ang lalaki.

"The hell?" ani Davide. "It's the most beautiful thing in the world!"

Para sa kanyang sinabi ay isang pabirong batok ang ibinigay sa kanya ni Fergus. "Are you seriously saying that you don't think that it looks a bit... weird?"

"No. It's a flower. A beautiful flower." It was what his grandmother told him. Him and his friends were talking about the female genitalia, the vagina. Ano ba ang pinagsasasabi ni Zauro? Weird pa pala rito iyon kahit maya't maya itong nanghihiram sa kanya ng Playboy at Hustler. Mas gusto pa nga nito ang Hustler dahil mas matindi ang pose ng mga babae doon.

Lola's boy si Davide. He didn't have the sex talk with his parents but with his grandmother. Some people might find that odd but he didn't at all. Naaalala pa niya ang sinabi ng kanyang lola, "One day you will meet a girl and you will find her very attractive. When you are much older, preferably when you are married, you will engage in sexual intercourse. Sex is how babies are made so you need to be very careful. How do I put this delicately? Let's see now... Well, a boy has a banana and a girl has a flower..."

Bata pa siya noong panahong iyon. He grew up thinking that sex was only for married couples. Of course, now he knew better.

"You find it weird?" patuloy ni Davide. "Is that the reason why the pages of my magazines are always stuck together when you return them?"

"Ah, shut up," ani Zauro, mukhang napipikon na. "I never do it."

Pinagtawanan ito ng lahat. Si Tranquilino ang unang nagsalita. "Sino'ng niloloko mo? Kahit pari siguro ginagawa 'yon."

"Not me." Mayabang si Zauro.

"You're full of shit," ani Davide.

Sumang-ayon ang iba pa nilang kaibigan. Lahat sila ay nasa science lab. Nauwi sa ganoon ang usapan dahil lang sa biology model sa isang tabi ng classroom na kanilang napagdiskitahan. Needless to say, Davide wanted to know more about sex. In fact, it was the only thing he can think about these days. Noon pa man ay naiisip na niya ang bagay na iyon pero nitong huli, parang wala nang ibang laman ang isip niya kundi iyon na lang. Lalo na nang marinig niya ang kapatid na nakikipag-usap sa phone sa girlfriend nito. He didn't intentionally listen to them. Pag-angat niya ng receiver, narinig niya itong kausap ang babaeng ungol nang ungol. He got curious and listened a bit more, only to find out that the two were having sex on the phone. Agad niyang ibinaba ang telepono, pero hindi bago nabuhay lalo ang curiosity niya.

He constantly imagined himself touching a woman's soft skin, massaging her breasts, sliding himself inside of her, like what he saw in porn flicks. Nakapanood na siya ng porn, natural. Noon pa. Madami. He had unlimited access to the internet at home. Natural na hindi niya sinasabi sa mga magulang dahil siguradong pagbabawalan siya. Not that they did anything to find out anyway. They were both too busy with their own businesses to care. Kung minsan nga ay doon pa sa kanilang bahay natutulog ang girlfriend ng kuya niya at hindi man lang nalalaman ng kanilang mga magulang. Kung minsan naman, nayayaya niya ang mga kaibigan na mag-inuman sa kanila, at hindi rin siya nabibisto.

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon