Chapter 55

25.5K 1.2K 49
                                    

Davide Castillejo ebook on sale now: preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/5063/GOH-Book-1-Davide-Castillejo---LIBB0624

FOR ANY QUESTIONS OR REQUEST FOR ASSISTANCE WHEN BUYING, PLEASE MESSAGE FACEBOOK.COM/PRECIOUSHOPONLINE

Kung ayaw mo naman, no problem basta't wait ka lang at 'wag demanding ng update.

___

'Wag kalimutan mag-follow, lagyan ng bituin, at mag-comment. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

___


Nagtaka si Aguida nang makarinig ng katok sa pinto. Wala siyang inaasahang bisita. Sem break na at nag-eempake siya para makauwi sa probinsiya. Mag-iisang oras na siyang nag-eempake pero hindi pa rin tapos dahil napapatigil sa tuwing maalala ang ginawa ni Davide nitong nakaraang ilang araw. Sinusundo siya nito sa school at ihinahatid din. Wala itong sinasabing kahit na anong dahilan, bukod sa gusto lang daw siyang makasama.

Iniisip niya kung baka paraan lang iyon ng lalaki para bumalik siya rito para magkaanak sila. Pagdating kay Davide, hindi niya alam kung ano ang iisipin. Wala naman itong ginagawang masama kaya pinabayaan na lang niya, bukod sa katotohanang gusto rin niya itong makasama. Miss na miss na niya ito at siyempre, bilang isang tangang in love, gusto niyang makasama ang lalaki.

"Be careful," ang paalala sa kanya ni Danielle. Tumango lang siya kahit sa totoo lang, kapag si Davide ang involved sa usapan, matagal na yata niyang itinapon ang babala ng isip. Kaya nga siya heto siya ngayon sa sitwasyong ito. Para siyang adik, hindi na natuto at bumabalik at bumabalik sa lalaking iyon.

Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Davide. "O, ano'ng ginagawa mo rito?" Sinabi niya sa lalaki na pauwi siya ng probinsiya kaya huwag nang dumaan ngayon.

"I think I need a vacation so here I am."

Ikinabigla niya iyon. "Ha? Sa farm ang punta ko."

"So? I can stay there."

"Wala akong aircon."

Tumawa ang lalaki. He took her breath away. "Walang problema sa akin."

"Sure ka?"

Tumango ang lalaki. Hindi alam ni Agwee kung tama ba ito. Kapag nagkasama sila farm, malamang na lalo na siyang mahulog dito. At pagkatapos ay ano? Manlalamig na naman ang lalaki? Bahala na. At least, this time wala na silang pinanghahawakang kasunduan. Ito naman ang kusang sumasama sa kanya.

"Ikaw, kung trip mo."

Pinatuloy na niya ito at nang makapag-empake ay lumakad na sila. Hindi nagsama ng driver ang lalaki. Dalawa lang sila sa sasakyan. Mahaba-haba ang biyahe at tumigil sila sa isang rest stop. Hindi iyon sosyal na gasolinahan na mayroong sosyal na convenience store, kundi isang ordinaryong kainan na sadyang malaki para ma-accommodate ang mga sakay ng bus.

Sinusubukan ni Agwee ang lalaki. Pero dapat siguro ay alam na niyang game ito sa mga ganoong kainan kung noong unang napunta sa farm ay naubos ang pinangat na ayungin. Tahimik lang siya habang kumakain sila. Ang lalaki ang nagbukas ng usapan.

"Kumusta ang grades mo?"

Bigla siyang napangiti. "Feeling ko magiging dean's lister ako."

"That's great! But never forget to have some fun."

"Masaya naman ako. Ang dami ko ngang ginagawa sa mga org. Mas masaya pala ang college kaysa high school. Para akong nagdadalaga ulit, pero kapag naman kausap ko ang mga kaklase kong bata, nari-realize ko palagi na hindi na ako sila. Hindi na ako maka-relate sa mga gusto nila. Minsan nga naitatanong ko sa sarili ko kung noong kaedad ko sila, ganoon din ba ako katanga?" Biglang natawa ang lalaki at natawa na rin si Agwee. "Totoo lang."

"I guess. What were you busy doing when you were their age?"

"Nasa farm lang ako. Pocketbooks lang ang bisyo ko. Hindi ako nahilig sa mga phone-phone na 'yan. Pero sila, lahat na lang kailangang kunan ng picture para ilagay sa Instagram. Kulang na lang pati panty ilagay—" Natigil siya sa pagsasalita dahil nasamid si Davide at halos naibuga ang nginunguyang pagkain. Agad niya itong inabutan ng tubig na agad nitong naubos.

"You're crazy!"

Natawa siya. "Totoo! 'Tas parang naghahanap sila ng mangyayari sa araw-araw para mai-post sa social media. Parang mas masaya sila kapag madaming likes o puso pero ang nila-like at pinupusuan lang naman nila, eh, 'yong mga nonsense. Hindi ko nga pusuan. Ano ako, utu-uto?"

Tawa nang tawa ang lalaki. Ganoon pa rin ang hatid na saya sa puso niya ang makitang masaya ang asawa. Asawa. Hayun na naman ang salitang iyon, mas naging malayo nga lang sa kanyang kamay. Mas mahirap abutin. It was funny how just one singular word can make a person sad. One word can mean the world and when that word lost all meaning, it can be heartbreaking. Ano-ano ba ang mga salitang ganoon? Asawa, kabiyak, love, commitment, loyalty...

___

'Wag kalimutan mag-follow, lagyan ng bituin, at mag-comment. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon