Chapter 19

38.8K 1.6K 73
                                    

To my new readers, please note that I don't like requests for updates. Kindly refrain from asking. I will update each story when I can. If a story is not getting updated, it's either I'm busy, sick, or annoyed that someone is always asking and asking and asking. May tinengga na akong kuwento dito dahil puro pa-update eh meron namang ebook na available sa PHR store. Good things come to those who wait. Salamat sa mababait kong readers. Sa mga hindi mabait, 'chura nyo. LOL.

___

Hinigit ni Agwee ang buhok ni Pipay. Luka-luka talaga ito. "Initin mo na lang ang kanin bago ka makatikim sa akin, sinasabi ko sa 'yong babae ka."

Tumalima ito, pero hindi tumigil sa panunukso. "Ate, noong dumating siya kanina sa istasyon, para bang nagulo ang mundo, ano? Ang tapang niya doon sa pulis. Kaloka. Tiklop 'yong gagong pulis, eh. Ganyan ang mga gusto kong lalaki, 'yong kaya akong ipagtanggol sa mga sanggano. Tipong boom-boom, yah!" Umakto itong parang nagbalagbag ng pintuan at sumuntok sa ere. "Ako ang pinaka-macho dito, at lagot sa akin lahat ng gumawa ng hindi kanais-nais sa jowa ko! Ahahay! Siyempre, after kang ipagtanggol, kiss sabay hug."

Natawa na tuloy si Aguida. Aminado naman siyang na-impress sa mapapang-asawa nang dumating ito sa istasyon kanina. Ang tapang-tapangang pulis ay talagang halatang na-intimidate. Nakakainis lang na kailangan pa ng isang Davide para maibigay sa kanya ng pulis ang nararapat sa kanya.

Kumuha siya ng tapang nakasabit sa kisame. Nakareserba ang tapa para sa espesyal na okasyon at heto na iyon dahil may bisita. Naghain siya matapos mainit ang kanin at isda at maiprito ang tapa. Kompleto sila sa atsara at buro.

"Puro kacheapan naman ang handa natin, Ate."

"Inubos mo ba naman ang lasagna, eh."

Umirap ang babae. "Minsan lang masayaran ng sosyal ang bibig ko, magtitipid pa ba? Hindi naman ako diet dahil buong buhay akong diet."

"'Wag kang OA."

"Ikaw ang OA. Kunwari ayaw pero gusto naman. If I know, excited ka sa honeymoon at kahit na ano ang gawin mong pagtanggi, teh, alam na alam ko. Kilatis na kilatis kita. Obvious na obvious ka naman."

"Aber, paano mo ako na-obvious diumano?"

"Ako pa ba, 'teh?"

Tumirik na lang ang kanyang mga mata, saka naglakad papunta sa sala, pero tumigil muna at pinadaan ang kamay sa buhok, saka nagpunas ng mukha.

"Hindi pa pala obvious ang lagay na 'yan, ah?" kantiyaw ni Pipay.

Hindi na lang siya umimik kahit bigla ay gustong matawa. Bigla siyang na-conscious, ano ang kanyang magagawa? Kanina pa siya mukhang basahan, hula niya. Bukod sa nagwelga siya kaya ang damit niya ay welga attire, tumambay din siya sa masikip na opisina sa police station na amoy pinaghalong pawis ng mga kriminal at sigarilyo. Ano pa ang aasahan sa kanya ngayon? Wala na. Ang kaakit-akit meter niya ay sagad na. Pero hindi naman masamang pinuhin ang pusod ng buhok at alisin ang mantika sa mukha.

"Kain na," aniya kay Davide.

Tumango ito at sumama sa kanya sa kusina. Magkatapat sila sa lamesa. Nagsimula na silang kumain. Pinagmamasdan niya ang lalaki at kahit paano ay nasiyahang makitang kumuha ito ng isda.

"Ayungin 'yan," aniya.

"It's good."

Patlang. May frustration na naramdaman si Agwee. Naitanong niya sa sarili kung hanggang kailan kaya sila ganoon?

Nagsalita ang lalaki. "I want to set some ground rules. I'm pretty sure you will say no but let me try anyway. First of all, I would like you to come to me if you need any legal assistance before doing what you did earlier."

"Pero—"

"Let me first explain why. I can help you. I will help you. But I don't want my wife to be arrested or be featured in any viral video on social media. Let's just hope no one posts a video of your... activity."

"Mas gusto ko ngang makunan kami para makuha ang atensiyon ng media," giit niya.

"I said I will help you."

"Hindi naman por que magpapakasal tayo, ikaw na lang ang masusunod."

Bumuga ang lalaki, astang pikon na. "If you can't understand my point here and insist in being stubborn, I guess I would have to impose some penalties."

"Penalty?!"

"Yeah. If you don't follow my rules, you won't get any allowance from me."

Halos mapanganga siya. "Hindi mo puwedeng bawiin ang nasabi mo na."

"I sure can. Watch me."

Nanggigil na naman si Agwee. Bakit ganito si Davide? Ano ang gusto nito, maging alipin siya? "Hindi ako papayag maging alipin."

"Like you can ever be one."

"Kung ganoon, may rule din ako."

"And what it is, oh, please, do tell."

"Bawal kang mambabae." Tingnan niya lang kung hindi umikot ang tumbong nito.

"If you can provide my needs, sure." Bigla itong ngumisi. "I am a flesh and blood man, my darling, I have needs. Physical needs. Sexual needs. If you can warm my bed, then there's no need to find another woman to do the deed."

"Kadiri ka talaga, alam mo ba 'yon? Ganyan ba ang tingin mo sa mga babae, pang-kama lang?"

"No. That's not what I'm saying at all. There are thousands of women who have needs as well. They'd be warming my bed, like I would warm theirs. It's a good deal. Why would I deny myself that basic human need?"

"Basic mo mukha mo." Gigil na gigil siya rito, kulang umusok ang kanyang ilong. "Ano 'yan, parang pagkain, tahanan, tubig? Basic need ang sex?!"

"Of course, it is. Let me know what you decide on."

"No way. Never. Itaga mo sa bato—nunca!" angil niya, taas-baba ang dibdib sa iritasyon.

"Fine by me."

__

Don't forget to click on the star below to vote and leave a comment.

Give these pages a like on Facebook: vanessachubby and theromancetribe

Thanks!

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon