Chapter 40

29.1K 1K 17
                                    

HINDI lang bakas ng lipstick ang nakita ni Agwee sa polo ni Davide, kundi glitters din, bukod sa amoy-babae iyon. Pabango ng babae. Wala siyang madama kundi ngitngit. Hindi niya maintindihan kung paano nagagawa ni Davide ang ipakita sa kanya na parang may pagtingin ito pero agad-agad ding nakakakita ng babae pagkatapos. Mainit ang ulo niya at puyat pa.

Kagabi ay hinintay niyang umuwi ang magaling na lalaki. Alas-dos na ito ng madaling araw nakabalik. Pinilit niyang makatulog pero hindi magawa. Hindi siya mapakali. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nagbabad sa inis pero pagkagising niya ay wala na ang kamote. Agad-agad siyang pumunta sa kuwarto nito para tingnan ang damit. Mula kay Pipay ay narinig niya noon na ang ginagawa ng nanay nito kapag inuumaga ang asawa sa bayan ay ang tingnan ang damit ng lalaki. Sino ang mag-aakalang epektibo pala ang paraan na iyon para malaman kung may ginagawang masama ang isang lalaki.

Unless nagme-makeup at naglalagay ng glitters sa katawan si Davide, walang dahilan para magkaroon ng ganoon sa damit nito. Hindi niya alam kung saan galing ang glitters, kung hindi sa belyas ay sa artista siguro. Hindi na nakakapagtaka kung galing sa artista dahil artista si Pia. Aanhin naman ni Davide ang isang belyas? Sa dami ng babaeng gustong ma-involve dito, hindi na kailangan pang magpunta sa GRO.

Ano ang hinahanap ng sira-ulo niyang asawa na hindi makita sa kanya? Kulang ba siya sa kakayahan? Siguro nga. Pero sana ay naisip nitong kung tuturuan lang siya at mabilis naman siyang matuto.

Agad din niyang sinaway ang sarili sa ganoong isipin na naman. Bakit siya ang mag-a-adjust? Pinakatandaan niyang huwag nang magkakamaling muli. Malaking tanong lang kung paano sila magkakaanak. Wala na sigurong ibang pagpipilian kundi ang artificial insemination.

Imbes na wala na siyang iniisip ay heto siya ngayon, naiinis na naman sa sarili. Masyado siyang marupok kaya iyon ang kanyang napala. Kung sana pinanindigan na lang niya ang lahat, wala sanang problema.

Sa sobrang inis ay umuwi na lang siya sa farm. Nag-iwan lang siya ng note kay Davide na nagsasabing babalik siya kapag malapit na ang pasukan. Wala siyang balak magmukmok sa bahay habang ito ay nakikipaglandian sa kung sino-sinong babae.

Nang makauwi sa farm ay wala naman siyang natanggap na kakaibang tanong mula sa mga tauhan. Kahit si Pipay ay hindi nagduda sa pagbisita niya dahil matagal-tagal na rin naman siyang nasa Maynila. Ang tanong ng mga ito ay kung kailan daw kaya siya magbubuntis. Sinabi niya sa mga ito na hindi niya alam at papasok siya sa eskuwela kaya mas maigi sigurong hindi mula siya magbuntis.

Magulo ang isip niya, wala ring plano sa kung gaano kahaba tatakbo ang pagsasama nila ni Davide. Ayaw na muna niyang kausapin ang lalaki at baka kung ano pa ang masabi niya rito.

Plano niyang bumalik sa Maynila sa weekend bago ang pasukan pero nakatanggap siya ng tawag mula kay Davide bago sumapit ang araw na iyon.

"When are you coming back?"

___

Vote, comment, share. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon