Chapter 25

44.4K 1.4K 52
                                    

This will be my final update for the week as I am currently in Africa. Enjoy.

---

NABABALIW na si Agwee, iyon ang kanyang pakiramdam. Magkahalong sakit at ligaya. Hindi niya inasahan na ganito pala ang lahat. Ano bang malay niyang ganito pala ang pakiramdam? Sa totoo lang, kahit minsan ay natutukso siyang mag-explore ng sarili ay hindi niya ginawa nang husto kailanman dahil natatakot siyang mawalan ng virginity mula sa sariling kamay! Bukod pa roon, bihira siyang magkaroon ng oras sa sarili sa dami ng kailangang gawin sa araw-araw. Noon namang panahong buhay pa ang lola niya, magkatabi silang matulog kaya lahat ng tukso ay nagawa niyang iisang-tabi. Pa-touch-touch siya pero wala namang epekto kaya tinigilan na niya. Iyon pala, kailangan lang na matagal-tagal na touch.
Natural na curious siya sa ganoong bagay. Pero walang nakapaghanda sa kanya para sa actual na karanasan. Wala siyang ibang maisip na salita para ilarawan ang pakiramdam kundi "masarap." Sobrang sarap sa pakiramdam, hindi niya kayang ikompara sa kahit na anong naramdaman na niya noon. Para ba siyang mababaliw. Na-realize niya agad na iyon ang nababasa niyang "orgasm."
Literal na nakapatong siya ngayon sa ibabaw ng asawa. Nakahiga siya rito! Siyempre, hindi niya alam ang mga posisyon kaya noong una ay nag-aalala siya sa bigat. Pero ngayon, nababaliw na siya sa pakiramdam. Masakit talaga, pero may kung anong init na hatid sa puso niya na magkalapat ang kanilang mga balat ni Davide. Pumaikot ang braso nito sa kanyang baywang. Magkakonekta ang kanilang mga katawan. Mayroong hapdi nang mag-volt in sila at nanatili ang hapding iyon, kasabay ng masarap na pakiramdam. May mga bahagi ng katawan niyang noon lang niya natuklasan! Nasa loob niya, hindi niya maipaliwanag.
"Honey, are you all right?" bulong ni Davide sa kanyang tainga.
"Y-yes."
"It will feel better, I promise you. Just relax."
May tiwala siya sa lalaki. Bahala na ito, tutal hindi rin niya alam kung ano ang tama niyang gawin. Nakahiga lang siya sa lalaki, habang magkahugpong ang kanilang mga katawan. Bumaba ang kamay nito at napasinghap siya nang madama iyon sa pagitan ng kanyang mga hita. Nagsimula itong damhin siya sa bahaging iyon, bahagyang gumalaw at muli niyang nadama ang hapdi ng pag-angkin nito. Hadpi at sarap, hindi niya ma-explain kung ano ang nangingibabaw. Tulad kanina, biglang-bigla na lang ay nadama niya ang pagtaas ng pakiramdam at ang pagtatapos noon sa pagkalat sa himaymay ng kanyang katawan.
"Davide..."

NANG magising si Agwee ay wala na si Davide sa kanyang tabi. Hindi maganda sa kanyang pakiramdam na magising nang nag-iisa kung kagabi ay nagsalo silang mag-asawa ng isang bagay na hindi niya kailanman naisip na ganoon pala ka-intimate. Siguro nga, may pagkaeng-eng siya na hindi masyadong naisip na napaka-intimate ng sex, pero higit pa pala sa inakala niya. Kapag nababasa lang niya ang lahat ng iyon o kung minsan ay napapanood, parang isang normal na bagay na parang masarap gawin. Pero kapag nandoon na pala, masyadong personal, madaming maliliit na detalye at emosyon na hindi kadalasang nabibigyang-pansin o napag-uusapan. Siguro dahil mas nangingibabaw ang pisikal na pakiramdam noon.
Hindi siya makapaniwala na ang mga kakilala niyang malalandi ay kung sino-sino ang pinagpapatulan. Bakit din may mga lalaking kung kani-kanino na lang pumapatol at nagagawa pang isugal ang sariling pamilya para sa isang bagay na sa tingin ni Agwee ay hindi madaling i-share sa ibang tao. Kunsabagay, minsan pa lang niya nagagawa, sino siya para husgahan ang iba? Higit sa lahat, kung walang taong marupok, malamang na wala siya sa mundo.
Marupok din naman siya. Kagabi, naging marupok siya. Sa kabila ng pagmamayabang niya na walang mangyayaring sex, biglang siya ang nagsimula. Pero iyon nga, hindi niya inasahan ang lahat. Kumbaga, nag-shopping lang siya at hindi inasahang mananalo sa isang raffle. O baka overwhelmed pa siya sa pakiramdam, sa experience, sa lahat ng bagong naranasan.
At iyong magaling niyang asawa ay iniwan na siya!
Ang sagwa sa pakiramdam. Ano na lang kaya ang mga babaeng nagbebenta ng aliw? Paano nakakaya ng mga ito? Ah, saka na niya iisipin. Kailangan niyang malaman kung ano ang reaksiyon ng magaling na Davide. Isinuot niya ang robe at lumabas ng silid. Nanglumo siya nang matuklasang wala ang lalaki sa buong suite. Ni hindi ito nag-iwan ng message para sabihin kung saan ito nagpunta. Tinanghali man siya ng gising, dapat ay hinintay siya nito o kaya ay sinabi kung saan pupunta. Alas-diyes ng umaga at wala namang pasok sa opisina. Kahit meron pa, malamang naman na maiintindihan ng lahat kung bakit wala ito doon dahil honeymoon nila!
"Buwisit na lalaki," bulong niya.
Naligo na siya at matapos ay nagbihis. Wala ni text message ang kamoteng asawa niya. Sumasama na ang kanyang loob, sa totoo lang, pero pinaalala niya sa sarili na hindi siya dapat na magkaroon ng kahit na anong ilusyon. Kailangan niyang tandaan na bago may nangyari sa kanila ni Davide ay malinaw naman kung ano ang kanilang relasyon. Bakit bigla ay aasahan niyang nagbago na ang kanilang pagsasama?
Kasalanan mo, ginusto mo 'yan, eh. Ginusto mo ng honeymoon, eh. Hindi ka naman nilalapitan noong tao, nagburles ka sa harap niya. Eh hindi ba nga, kapag ang palay ang lumapit sa manok, tutukain? Hindi lang lumapit ang palay, gumiling pa, kumiskis, at nag-feeling Jasmine Denorado rice. Ano, nilayasan ka ng manok mo?
Ganoon na nga. Ano pa ba? Wala siyang dapat ikainis pero naiinis pa rin siya. Imbes na magmukmok ay naisip niyang bumaba na lang ng hotel para kumain. May ibinigay naman sa kanyang debit card ang ama. Doon daw nito ipapasok ang perang usapan nila. Siguro ay may laman na iyon.
Nang makababa ay naghanap siya ng ATM na agad namang nakita. May laman na nga ang ATM niya. Bilang pampalubag-loob ay hindi na siya nagdalawang-isip kumain sa restaurant ng hotel. Hindi naman pala siya sisingilin, kundi itatanong lang ang kanyang room number at doon na lang daw itsa-charge. Aba'y mas magaling, nang mas malaki ang bayaran ng talipandas niyang asawang biglang nawawala.
Tanghali pa lang, wala na siyang magawa. Mahapdi pa rin ang kanyang katawan pero kayang-kaya niyang gumala. Iyon lang, reminder sa kanya ang hapdi. Reminder ng kanyang karupukan. Nag-window shopping na lang siya dahil kahit may laman ang ATM ay wala siyang balak sayangin ang pera sa mga damit na kayang bumili ng magandang motorsiklo.
Panay ang tingin niya sa phone, umaasang magte-text ang kanyang asawa hanggang sa inilagay na lang niya sa bulsa ang phone. Mababaliw siya kung hawak iyon para maya't mayang tingnan kung naalala man lang siya ni Davide.
Nang sa wakas ay mag-ring ang phone ay na-disappoint siya nang makita ang pangalan ni Pipay sa screen. Sinagot niya iyon. Kailangan niya ng isang kausap na nagbibigay sa kanya ng halaga.
"Hello?"
"Kumusta naman ang hindi na virgin?" Tumawa ito. "Ano, Ate, masarap ba?"
"Kung anu-ano na namang kalandian ang lumalabas diyan sa bibig mo," saway niya sa babae, pero aminadong gumaan ang pakiramdam kahit paano nang marinig ang pamilyar na boses nito. Mabuti pa si Pipay, naalala siya. Pero hindi na nito kailangang malamang inabandona na agad siya ng asawa.
"Nasaan si Kuya? Nakahubad ba diyan sa tabi mo?"
"Naku, tumahimik ka. Nagsa-shopping kami." Nangliit siya sa sarili dahil pinagtakpan si Davide. Siguro ay nahihiya lang siyang sabihin na wala pang beinte-kuwatro oras siyang naikakasal ay hindi na niya mahagilap kung nasaan ang asawa. Malamang na wala ni isang tao sa farm ang mag-iisip na ganoon ang sasapitin niya. Muli niyang ipinaalala sa sarili na hindi tradisyonal ang kanyang naging kasal kaya hindi siya dapat na malungkot. Walang dahilan para malungkot.
"Aba, sosyal ka na talaga at may pa-shopping-shopping pa, ha?"
"Gano'n talaga ang mayaman."
Nagkatawanan sila. Saglit pa silang nagkuwentuhan hanggang sa magpaalam na rin ito. "Siya, hindi na ako mang-iistorbo, Ate. Pakaligaya ka lang. Suportahan kita diyan. Bumuo na kayo ng baby at siguradong pogi o maganda."
Nang mawala na sa linya ang babae ay mabigat pa rin ang puso ni Agwee kaya imbes na magmukmok sa kuwarto ay nagpasyang pumunta sa casino. Hindi pa siya nakakapunta sa casino. Nang naroon na ay patingin-tingin siya sa paligid, aminadong namamangha sa mga nakikita. Matagal bago niya naintindihan na napakali pala ng halaga ng mga chips. Kulang malaglag ang kanyang panga nang maunawaang daan-daang libo ang natalo sa isang player, wala pang tatlong minuto.
Natuklasan din niya na libre pala ang inumin sa casino, maliban na lang sa mamahaling alak. Sino siya para tumanggi sa libre? Nag-ikot-ikot siya at mayamaya ay naaliw sa panonood sa isang laro. Gusto sana niyang tumaya pero nanghinayang siya dahil ang pinakamaliit na taya ay limang-daang piso na maaaring mawala sa kanya sa loob lang ng isang minuto, o baka nga wala pa. Sa isang banda, nabibigla pa rin siya sa bilis ng paglalabas ng pera ng mga tao. Bakit may mga taong sobrang yaman na hindi natatakot sumugal? Ang iba sa mga ito ay bata pa. Ang iba nga ay mukhang galing lang sa bahay. Madami din siyang nagkitang mukhang mga mas bata pa sa kanya pero halatang expert na rin. Ilan kaya sa mga ito ang tulad niyang bagong kasal at nilulunod ang sama ng loob sa casino? Malamang na wala. Siya lang naman ang tangang sa papel lang ang kasal pero gustong umasa.
Aminado siya doon. Pero naisip niyang ang dahilan siguro ay si Davide ang una sa lahat at may timbang iyon. Isa pa, kung nandoon na rin lang sila, bakit hindi pa nila subukan? Kung sana ganoon kadaling sabihin sa isang lalaking nilayasan siya agad. Hindi kaya ng pride niya. Kasalanan din ng alak. Kung sana hindi siya nagpakalasing, siguro kahit paano ay nakapag-isip siya nang matino. Naaalala niya pa ang lahat ng naganap ng nagdaang gabi ay alam niyang hindi siya pinilit ng lalaki. Siya ang nagyaya dito. Siya ang nagburles.
Paglingon ay nahagip ng mga mata niya ang lalaking kanina pa sa kanyang isip. Kahit nasa malayo at likod lang nito ang nakikita niya ay sigurado siyang si Davide iyon. Lalapitan sana niya ang lalaki kung hindi lang niya nakitang mayroong isang babaeng nakadikit dito. As in nakayakap sa baywang nito. Nagtatawanan ang dalawa. Ang kamay ng lalaki ay nakapatong sa balikat ng babae.
Biglang nag-init ang ulo ni Agwee. Wala ni isang mag-aakalang walang relasyon ang dalawa at ang asawa ng bruho ay hayun, nakatingin lang sa mga ito at kanina pa feeling inabandona.
Ang tigas ng mukha nito, ah! Gigil na gigil siya sa nakikita. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito sabihin sa akin na dapat alagaan ko ang reputasyon niya, eh, paano ang reputasyon ko?!
Binalewala niya ang bulong ng kanyang isip na walang reputasyon na masisira sa kanya dahil hindi naman siya kilala ng kahit na sino. So what kung hindi siya kilala ng mga taong nandoon sa casino? Siya pa rin ang legal wife. At siguro, kung malakas-lakas lang ang kanyang loob at kung sigurado niyang siya ang kakampihan ni Davide, malamang na lumapit na siya sa dalawa.
Lalong sumama ang kanyang loob nang ma-realize na kung sakali man, siya ang magmumukhang kontrabida at siguradong hindi kakampihan ng bagong asawa. Iniwan siya nito para mambabae, wala pang beinte-kuwatro oras silang naikakasal! Sino ba naman ang hindi manggagalaiti sa galit?
Imbes na sumunod sa dalawa ay nanatili siya sa casino, pasulyap-sulyap sa mga ito. Mukhang papalabas na ang dalawa at sa huling paglingon niya ay hindi na nakita pa ang mga hunghang. Bumalik na siya sa suite at nag-empake. Hindi niya alam kung saan siya pupunta pero ayaw niyang makita pa ang pagmumukha ni Davide. Hindi pa man siya tapos ay narinig na niyang bumukas ang pinto.
"Where to?"
Paglingon ay nakita niya ang Hudas. "Paki mo?"
"What's the matter?"
Nagawa pa nitong itanong? Maang-maangan?! "Pinilit mo lang ako kagabi!" singhal niya.
Agad na nagsalubong ang kilay ng lalaki. "Excuse me?"
Mali ang nasabi niya pero kailangan niyang panindigan. "Totoo naman! Sinamantala mo ako kahit alam mong lasing ako! Gawain ba 'yan ng matinong lalaki, ha?!"
"The hell are you talking about? You weren't too drunk so as not to be able to make decisions for yourself."
"Shhh!" Pinandilatan niya ito. "Basta't nakainom ang isang tao, intiendes naman na wala siya sa matinong pag-iisip. Pero ano ang ginawa mo? Ayoko nang maulit pa. Never na mauulit pa, naiintindihan mo? Kapal ng mukha mo!" Bigla ay gusto niyang magsumiksik sa kung saang sulok at umiyak. Hindi niya alam ang gagawin, sasabihin, at mararamdaman dahil nangliliit siya, nanghihina, at nagagalit. Alam niya naman na hindi siya nito mahal pero kalabisan bang magkusa itong huwag mambabae agad-agad at sa lugar pa kung saan sila nag-honeymoon? Nakakainsulto ang lalaking ito, walang pakundangan sa kanya. Kahit naman ganoon lang siya kaliit kumpara rito, tao rin naman siya at asawa pa nito. Kahit sa papel, siya pa rin ang asawa. Maano bang naghintay man lang ito kahit isang linggo?
"That's not gonna be a problem. Trust me, sweetheart."
"Eh, di maganda! Aalis ako! Uuwi ako sa farm!"
"Fine. The driver will take you. Just come back when you're ready to go to the doctor."
"Para saan?"
"Don't you remember? You need to get pregnant." Tumaas ang isang sulok ng labi nito, astang nang-iinis.
Hindi siya sumagot, bagkus ay binitbit ang bag palabas. Kung kailan nakalabas na ay saka niya naalala na hindi niya alam kung saan naroon ang driver. Napilitan siyang pumasok ulit. "Paano ko makikita ang driver?"
"I've sent his number to your phone."
Wala nga pala siyang load. Duda siya kung may nabibilhan doon. "Pakitawagan mo na lang. Pakisabi na bababa na ako."
"Do it yourself. I'm not your servant."
Hinding-hindi niya aaminin ditong wala siyang load. Binirahan niya ng pagtalikod. Sa elevator ay napaiyak na siya. Diyos ko, ano po ba itong napasok ko? Hindi ko po yata kaya ito.

___

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon