Chapter 38

34.2K 1.5K 94
                                    

Humalakhak ang lalaki. "And then tomorrow you will blame me for it, hmmm?"

"Hindi."

"I don't believe you."

Itinirik niya ang mga mata at kinuha ang phone. Doon ay sumulat siya ng isang kasunduan: Hindi ko sisisihin si Davide kung gagawa kami ng baby ngayong gabi. Gamit ang pen ng phone ay pinirmahan niya iyon, saka ipinasa sa lalaki. "Pirmahan mo din."

Tawa nang tawa ang lalaki, pero inabot ang pen at pinirmahan ang screen ng phone. "You're sure about this?"

"May purpose naman tayo, eh." Nakagat niya ang labi dahil napapahiya siya. Malinaw ang purpose niya at hindi iyon pagbuo ng bata, pero hindi na kailangang malaman pa ni Davide.

Iyon lang, mukhang hindi naman talaga ito naniniwala dahil tawa nang tawa. "You silly girl. Why did you have to write that first agreement when you want me this bad, hmmm?"

"Anong sinasabi mo diyan? Hindi, ah."

"Oh, really?" Lumapit ito sa kanya, tumitigil sa kanyang mga mata. "Are you saying that you don't want me?"

Magkakasunod ang naging paglunok niya. Hindi niya alam kung ano ang tamang sabihin. Hindi pa ganoon katindi ang epekto ng alkohol para aminin niya ang lahat. Napasinghap siya nang marinig ang tinig nito sa kanyang tainga. "Tell me you want me, honey."

"I w-want you." Napalunok siyang muli. Ang bango ng lalaki, amoy-fresh.

"That wasn't so hard, was it?"

"I-ikaw? Gusto mo rin ba ako?"

Kinabig siya nito, napatayo siya. Niyakap siya ng lalaki. Napasinghap siyang muli nang madama ang katawan nito sa katawan niya. Hindi na kailangan pang ipaliwanag ng lalaki kung ano ang matigas na bagay na iyon sa kanyang puson.

"You're my wife and I want you," bulong nito.

Wife. May kung anong hatid na pakiramdam sa kanya ang salitang iyon. Lalo nang nag-init ang kanyang pakiramdam. Iniupo siya nito sa counter, ang magkabilang kamay ay itinukod sa pagitan ng kanyang mga hita sa counter.

"D-Davide?"

"Yes, my lovely wife?" Hinaplos nito ang kanyang pisngi.

"P-puwede bang 'wag kang mawawala sa umaga?"

Ilang sandali itong hindi nakapagsalita, hanggang sa sabihin nito, "I promise."

Naglapat ang kanilang mga labi. Banayad ang paghalik ni Davide, isang bagay na kumiliti kay Agwee. Nagmumula ang sensasyon sa likod ng kanyang tainga, sa sentro ng kanyang dibdib, at kumakalat sa kanyang katawan. Parang isa siyang bagay na napaka-delicate sa gawi ng paghalik ng lalaki sa kanya. Ganoon ang gusto niyang halik, nagbibigay.

Mayamaya ay lumalim ang halik nito. Perpekto ang tiyempo. Parang tinatangay sa kaitaasan ang kanyang pakiramdam. Unti-unting hindi naging sapat sa kanya ang halik. Gusto niyang makita ang lalaki, madama ang katawan nito. Mukhang naramdaman ni Davide ang kanyang lihim na hiling. Lumalim ang halik ng lalaki hanggang sa bumaba iyon sa kanyang leeg, patungo sa likod ng kanyang tainga. Tumaas ang balahibo niya sa katawan, lalong uminit ang pakiramdam.

Lahat ng bagay tungkol kay Davide ay na-magnify sa kanyang sistema—bawat haplos, bawat galaw, ang init ng paghinga nito sa kanyang balat, ang bango ng lalaki. Paulit-ulit niyang isisigaw na gusto niya rin ito, tulad ng nadarama nito para sa kanya. Hindi iyon kayang itago ng katawan nito.

Iniupo siya ng lalaki sa kitchen counter. Lumapat ang kamay nito sa kanyang leeg. May kung anong masarap na sensasyong dulot ang buong kamay nito sa kanyang balat na para bang gusto ng lalaking humulma doon ang kanyang leeg. Bumaba ang kamay nito at maingat na itinaas ang laylayan ng kanyang damit, hanggang sa hubarin na nito. Noon niya naalala na isang makalumang nightgown ang kanyang suot dahil hindi siya sanay sa sexy lingerie.

"Pang-manang pala ang attire ko, Davide."

Umalog ang mga balikat nito sa pagtawa. "I don't mind. We won't need clothes, would we, honey?"

Tama ito, natural. Sa puntong iyon, mas maganda pang wala na nga silang matirang saplot. Naging madali para sa lalaking hubarin ang kanyang mga damit. Pero hindi fair dahil gusto rin niya itong makitang walang damit. Hindi niya kailangang maghintay nang matagal. Walang itinirang damit ang lalaki.

Titigan pa lang niya ito ay may kung ano nang hatid na init. Gusto niyang padaanin ang mga palad sa katawan nito. Iyon mismo ang kanyang ginawa nang lumapit muli ang lalaki sa kanya. Nanatiling nakamasid sa kanya ang lalaki habang pinapadaan niya ang palad sa mga balikat nito, pababa sa dibdib, at pababa sa abs. Noon pa siya curious mahawakan ang bahaging iyon.

Patuloy na bumaba ang kanyang kamay dahil higit sa abs, may bahagi ng katawan ng lalaki ang mas nakakatuksong hawakan. Hindi pa nagtagal ay nahawakan na niya iyon. Hindi siguro niya puwedeng ipagkamali sa ibang bahagi ng katawan nito ang bahaging iyon. Pero parang napahiya siya at tuminging muli sa mukha ng asawa.

"So shy still, my wife?" bulong nito, hinaplos ang kanyang mukha, saka siya siniil ng halik sa labi. Mainit ang kanyang naging tugon. Bumaba ang mga labi ng lalaki sa kanyang dibdib. Napasinghap siya.

Nang muling bumaba ang mga labi nito ay itinukod niya ang mga kamay sa likuran. Alam niya kung saan patungo ang mga labi ng asawa. Hindi pa nagtagal ay naroon na ito sa pagitan ng kanyang mga hita. Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi niya magawang alisin ang tingin kay Davide. Hinaplos niya ang buhok nito habang abala ang lalaki sa pagtuklas sa kanya.

Nagsimulang bumilis ang pintig ng kanyang puso. Umikli ang agwat ng kanyang paghinga. Patuloy ang lalaki sa pagtikim sa bahaging sagrado sa kanya, isang bahaging tanging silang dalawa lang ni Davide ang nakakaalam.

"Davide!" sambit niya mayamaya. Nagpatuloy ang lalaki hanggang sa halos mamilipit na siya sa pagdagsa ng sensasyong bumalot sa kanyang katawan. Parang mababaliw na siya, ang katawan ay parang may sariling isip na hindi matigil sa pag-igtad.

Nang tumigil ang lalaki ay nadama niya ang kanilang pag-iisa. Panibagong sensasyon ang nabuo ng kanilang sayaw, hanggang sa muli niyang sambitin ang pangalan ng asawa, mahigpit ang naging pagkayap dito.

___

Vote, comment, share. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon