Chapter 15

38.9K 1.6K 29
                                    

"Hoy!" angil ni Aguida kay Davide. "Ako, magmamakaawa? Sa 'yo? Yuck! Yuck lang. Yuck lang talaga." Hindi siya papatalo. Ang kapal nito, siya magmamakaawa ng honeymoon? "Kung sanay kang nagmakakaawa sa 'yo ang mga babae, ibahin mo ako. Makakaaasa kang walang asawang lalapit sa 'yo. Hitsura mong 'yan?"

May tunog na kumawala rito, kasabay ng pag-ismid, parang sinasabing hindi ito naniniwala sa kanya. Kunsabagay, sino ba naman ang maniniwala sa kanya? Pinapalabas niyang kadiri ang lalaking mabango at guwapo. Pero nakakainis ito para sabihin na magmamakaawa siya. Sa sex?! Kapal, ah!

"Ang yabang mo, grabe." Sasabog na yata siya sa asar. "Paismid-ismid ka pa diyan na para bang kung sino ka? Hindi ka ba nagtaka man lang kung bakit hindi ka rin piniling pakasalan ng kapatid ko? Feeling mo, guwapo ka? Na lahat ng babae, luluhod sa 'yo?"

"Oh, they're kneeling, all right. And only too happy to."

Ilang sandali bago niya naintindihan ang sinabi ng kamote. "Ah, at talagang ipinagmamalaki mo pa? Kadiri ka. Lalo nang ayoko."

"Sino naman ang nagsabi sa 'yong gusto ko?" balik nito, nakakunot ang noo.

"Para sabihin ko sa 'yo, madami akong manliligaw." Noong high school iyon, mahigit ten years ago. Kung minsan, parang umandar ang buhay ng lahat at naiwan ang sa kanya. Naiwan sa farm. Hindi na siya nakaalis sa lugar na iyon mula nang pinili niyang manatili. May mga nagkainteres pa rin naman sa kanya after high school, pero karamihan ay hindi panlaban, maliban kay Usme.

"I'm sure you charm so many men with your wonderful attitude and positive outlook in life. You're just a ray of sunshine, aren't you, hon? A lot of men surely find you very attractive."

Uusok na yata ang ilong niya sa ngitngit. Sarcastic ang lalaki at hindi siya sanay sa ganitong usapan, pero mangingisay muna siya bago siya umatras sa laban. Hindi niya ito mapapayagang insultuhin siya. "At ikaw? Hitsura mo, uy! Hinding-hindi ako magpapahawak sa 'yo. Kung gusto mong magkaanak tayo, lalapit tayo sa doktor."

"Fine by me."

"Talaga!" Napabuga si Agwee. Hindi siya makapaniwala na nauwi sa ganito ang isang araw na inaasahan niyang magiging maganda. Hindi na niya malaman kung kaninong kasalanan ba. Siguro sa kanya. Naging masyado siyang sensitive. Pero sira-ulo din ang lalaki na kung anu-ano din ang sinabi.

Obviously, sanay ang lalaki na mabilis na makuha ang mga babae. Hindi na nagtataka si Agwee sa bagay na iyon. Kung si Usme nga na hindi kasing-big time ni Davide ay madami nang mga babaeng nagpaparamdam, paano pa sa isang tulad ni Davide? Sa panahon ngayong liberated na ang mga babae, walang duda siya sa sinabi ni Davide na madami itong babae. So hindi ito beki. Ipinagmalaki pa nito ang mga babae, eh. Pero ang kapal lang para sabihin pa ang lahat ng iyon.

Naiinis si Agwee sa sitwasyon. Naiinis siya sa sarili na masyado siyang pikon. Nagkataon lang siguro na talagang na-trigger siya. So ngayon, hayun sila sa sala at hindi nagkikibuan. Hindi pa man sila naikakasal ay nag-aaway na sila. Good luck na lang pala sa kanilang pagsasama.

Natutukso siyang magsalita pa pero ayaw na niyang mas lalong lumaki ang agwat nila. Salamat na lang at dumating si Pipay. Mukhang hindi naman nito narinig ang usapan, kung hindi ay siguradong mayroong something sa reaksiyon ng babae. May dala itong inumin.

"Magpalamig muna kayo."

Tumango lang si Davide. Iniwan na sila ni Pipay at hindi na alam ni Agwee ang sasabihin. Mukhang hindi na rin alam ng lalaki ang sasabihin kaya nang maubos nito ang inuimin ay tumayo na ito.

"I'll see you on Monday." Iyon ang araw ng kanilang kasal.

Gustong mag-sorry ni Agwee pero pinigilan siya ng pride. Tumango na lang siya. Tumalikod na ito at umalis. Lord, ano ba 'to? Para kaming mga batang nag-away. Para kaming mga teenager na walang gustong magbaba ng pride. Ano na lang ba ang mag-sorry ako? Pero ano na rin ba ang mag-sorry siya?

Pero habang hinihimay niya ang sinabi ng lalaki ay natutuwa siyang hindi siya nag-sorry. Pinintasan siya ng lalaki. Sabihing siya ang naunang mamintas dito, hindi niya naman pinintasan ang "overall impact" nito, habang siya ay parang pinalabas ng lalaking hindi kaakit-akit dahil sa masamang ugali.

"O, umalis na agad?" ani Pipay mayamaya.

"Nagmamadali siya. May meeting daw."

"Gano'n? Pinuntahan ka lang para silayan? How sweet naman."

Ngumiti siya, tumango, kunwari ay okay lang ang lahat kahit sa loob-loob ay nanghihina. Away agad, hindi pa man. Bakit ba kailangan niyang maging ganoon palagi? Kahit noong sila ni Usme, iyon ang reklamo sa kanya, masyado raw siyang mataray at literal. Mainitin din daw ang kanyang ulo. Ewan, hindi niya alam.

"So ako lang ba talaga ang invited mo sa kasal, Ate?"

Nabigla siya sa sinabi ni Pipay dahil wala siyang imbitado. "Ano'ng ikaw? Wala kaming invited. Simpleng kasal lang. Saka na siguro ay malaking kasal sa simbahan." Sa huwes lang sila ikakasal. Walang kaso sa kanya.

"Gusto ko lang naman makita ka, Ate."

"Gusto mo lang 'kamong maki-chismis. Tumigil ka nga diyan."

"Bakit kasi parang minamadali?"

Pinandilatan niya ang babae, saka pumuwesto sa hapag. Sila lang dalawa ang kumain ng putaheng ang tagal niyang ihinanda. Nakaramdam siya ng lungkot, lalo na sa isiping hindi iyon ang una. Umaasa siyang hindi na lang dadami ang ganoong pagkakataon sa buhay niya sa hinaharap, sa piling ni Davide, ang estrangherong pakakasalan.

---

Don't forget to click on the star below to vote and leave a comment.
Give these pages a like on Facebook: vanessachubby and theromancetribe

Thanks!

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon