Chapter 23

38.3K 1.6K 101
                                    

"Uy, lovely daw ako. Kilig naman ang puwit ko diyan. Paano mo ako ite-take care? Ayaw mong i-take advantage?" ani Agwee kay Davide.

"All right, enough," sagot ng lalaki, inabot ang bote ng champagne na isinasalin niya ang laman sa baso.

Agad siyang nagreklamo. "Bakit? Ngayon lang nga ako iinom."

"Lasing ka na."

"Medyo siguro pero masarap sa feeling, eh. More please?" Para siyang batang nag-beautiful eyes dito, pakurap-kurap.

"Fine."

Nakangiti siyang nagsalin ulit ng champagne sa baso saka nakaramdam ng init. Biglang napakainit sa buong paligid. Gusto niyang mag-daster at tumapat sa aircon o electric fan. Kailangan niyang hubarin ang wedding dress. Tumayo siya.

"Where are you going?"

"Ang init," reklamo niya. "Bukas ba ang aircon?"

"Sixteen degrees, the lowest temperature setting. Why don't you take a shower, hmmm?"

"Mas maigi pa nga. May bathtub, first time kong makakasubok." Tumayo na siya at tumuloy sa banyo. Agad niyang hinubad ang lahat ng damit, saka lang naisip na hindi siya marunong gumamit ng bathtub. Inabot niya ang champagne glass at inubos ang huling laman, saka naupo sa tabi ng bathtub para pag-aralan kung paano iyon gamitin. Nabuksan niya naman ang gripo na napakalakas ng tubig. Pero hindi niya inakala na kahit ganoon kalakas ang tulo ay hindi pa rin agad mapupuno ng bathtub. Gayunman, ginamit niya ang nakitang liquid bath soap. Noon niya na-realize na hindi pala ganoon kabilis gumawa ng bubble bath na tulad ng nakikita niya sa TV. Naubos na niya ang lalagyan ng sabon ay hindi pa rin niya na-achieve ang nakikita sa pelikula na bubble bath. Ibinuhos na rin niya ang shampoo. Dumagdag man ang bula ay hindi pa rin iyon sapat para magmukhang pang-pelikula. Pero init na init na siya kaya lumusong na rin. Kahit paano ay guminhawa ang kanyang pakiramdam.

"Ang sarili kong batis sa gitna ng kasukalan ng siyudad," aniya, saka biglang napahalakhak sa sariling pagkaignorante. Comedy night yata ang kanyang honeymoon. Siyang totoo. Honeymoon na walang honey. Moon lang. Mamayang gabi, buwan lang ang kanyang kaniig. Sad life. Pero tawa siya nang tawa.

"Are you all right?" narinig niyang tanong ni Davide mula sa labas ng pinto.

Kung bakit bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob para gawin ang hindi dapat. Hindi na siya masyadong nag-isip at sinabi, "Davide, pumasok ka."

Wala nang ibang sinabi ang lalaki at narinig niyang umingit nang bahagya ang pinto. Tumambad sa kanya ang lalaki. Ngumiti siya rito. Nakakunot lang ang noo ng lalaki. Wala ang inaasahan niyang epekto. Bago niya ito tawagin ay dumaan sa isip niya ang image nitong puno ng pagnanasa, iyon bang bigla siya nitong susugurin matapos siyang tingnan at hahalikan sa mga labi. Mula roon, magkakalaplapan na sila at mayamaya pa ay mayroon nang ligkisang magaganap.

Pero para lang nanonood ng boring na TV show si Davide sa reaksiyon, tulad ng pinapanood kanina. Para bang mayroong mga numero at initials sa kanyang katawan, imbes na boobs at kaligayahan sa pagitan ng kanyang mga hita! Alam niyang nakikita siya nito kahit nagpapanggap siyang hindi aware na sumisilip naman sa kakapiranggot na bubbles ang kanyang katawan. Paanong hindi, kakaunti na nga lang ang nabuong bula ay unti-unti pang naubos. In short, walang epekto sa kanyang asawa ang kanyang kahubdan. Nakakaasar isipin na ang kanyang katawang gustong-gusto noong makuha ng ex niya ay hindi man lang nakapagdulot ni katiting na pagnanasa kay Davide.

"Are you all right?" tanong ng lalaki, blangko ang mukha.

"Gusto ko ng champagne," mataray niyang sabi, asar na asar.

"Fine." Lumabas ito.

Nagkukukot ng loob si Agwee. Naisnab ang kanyang beauty. Akala mo kung sino si Davide! Bigla ay gusto niyang mapaiyak. Pakiramdam niya ay ang pangit-pangit niya. Nakarinig na rin naman siya ng mga usapang bastos, kung saan ang topic ng mga katandaan ay tungkol sa sex at ayon sa narinig niya, mahihirapan daw tumanggi ang manok kung palay na ang lumalapit. Pero sa pagkakataong ito, suplado ang manok, ayaw ng sariwa at bagong bayong bigas, ang gusto yata ay iyong imported na Jasmine rice. Puwes, magtiis ito!

Nang magbalik ang lalaki ay may dalang baso ng champagne. Hindi na siya nahihiya ngayon na ilantad ang katawan. Bakit pa, kung wala namang epekto rito? Para na rin siyang nahiyang pagpakita ng isang produktong ayaw naman palang bilhin. Bakit siya mahihiyang ilantad iyon?

"Here," anitong inabot sa kanya ang baso. "You're aware you're naked, right? I thought you said you don't want me?"

"Bakit, gusto mo ba ako?" angil niya. "Kahit magtutuwad ako dito, malamang deadma ka. Siguro bakla ka!"

___

Don't forget to follow me, vote, and leave a comment. Also, if it is not too much of a bother, kindly go to Facebook and like my page: facebook.com/vanessachubby

Thanks!

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon