Kentaxx2015

30.1K 912 370
                                    

Dear Kentaxx,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dear Kentaxx,

1. Hindi ikaw ang may-ari ng Wattpad para palayasin mo ako sa platform na ito.

2. Kung napapangitan ka pala, bakit ka umabot sa chapter 44? Sadista ka ba?

3. Mas OA ang reaction mo. Bakit ka triggered? Bakit ka galit na galit? At least kapag naiinis ako sa demanding na reader, may lehitimo akong dahilan: hindi tama na gawing utusan ang writer.

4. I'm sorry to disappoint you pero confident akong maganda ang sinusulat ko. Kaya nga ako binabayaran for my mansucripts kasi may readers akong bumibili ng mga libro. Binibili rin ng TV ang libro ko. Different strokes for different folks. Kung pangit for you, that's fine. I've been writing for almost 20 years. Sa tagal ng panahon, alam kong hindi lahat ng tao magugustuhan ang libro ko dahil walang ganung writer, mars, na lahat ng gawa eh gusto ng lahat. Hindi ko lang ma-gets kung paano mong nasabi lahat 'yan nang walang nababasang higit sa isang libro ko. Hahaha! Dami mo nang binasa 'tapos galit na galit ka pala. Ako kasi kapag hindi ko type, hindi ko na pagtitiyagaan pa.

Saka, 'di ba mas OA naman ang drama mo na nagalit ka sa akin 'tapos mala-80s pelikula kang nagpapalayas eh hindi mo naman bahay ito? "Lumayas ka! Layas!" Hahahaha! Sino ang mas OA sa atin? At least I was joking, YOU WERE NOT, besh. As in dinindib mo ang note ko na hindi naman para sa 'yo. 😂

5. I suggest magpatingin ka sa doktor. Hindi normal ang reaksiyon mo, sobra-sobrang galit. Para saan? Dahil hindi mo nagustuhan ang pagtataray ko na HINDI personal na nakadirekta sa 'yo? O, di mas lalo na ngayon na ikaw mismo pinagsasabihan ko? Iiyak ka na ba sa ngitngit? OA ba na naglaan ako ng chapter for you? Kagrabeng galit 'yan. Never akong nakaramdam ng ganyan sa reader dito kahit pintas-pintasan ang gawa ko para mura-murahin ko sila. Parang nai-imagine kong labas-litid at pulang-pula ka sa galit.

I may come off as mataray and suplada and I am, iritable rin ako. Pero mababaw ang inis ko, hindi ako nagagalit nang ganyan katindi para sa maliit na bagay. Inis siguro pero lumilipas agad, passive hindi active. I joke about it, in fact. There's humor in my notes. Pero ikaw, Kentaxx, ay sobra-sobra ang galit mo. Did I hurt you? Are you okay? Para kasing sobra kang nasaktan at naabuso sa tindi ng galit mo, grabe.

Madali namang mag-unfollow kung galit na galit ka na pala sa akin at sa mga sinusulat ko. Bakit ka nagtitiis sa akin kung ganyan na pala katindi ang galit mo? Hindi healthy 'yan.

___

Folks, listen up. If you want to break me, it will take more than words. Why the hell do you think I can write these stories if my life is all butterflies and rainbows? Hit me with your best shot, you can't win with merely words with me. Lalo na dito sa platform na ang daling mang-troll. Juice ko, sa dami ng nangloko sa akin, maapektuhan pa ba ako niyan? 😂 Good luck, trolls and haters. Asarin ninyo ako? Naku, mas nakakaasar ako. 😂

And WHY would you let a few words from me ruin your day? Why would you give me that much power in your life? Nakaka-flatter pero 'wag ninyong gawin. Mas madaming tao at bagay ba worthwhile, juskoh.

Sa panahon ngayon na may Covid-19, unahin ninyo ang sarili at pamilya ninyo kaysa mag-focus sa salita ng isang writer dito sa Wattpad na, inuulit ko, HINDI PERSONAL na patungkol sa inyo, juskoh.

Sa panahon ngayon na may Covid-19, unahin ninyo ang sarili at pamilya ninyo kaysa mag-focus sa salita ng isang writer dito sa Wattpad na, inuulit ko, HINDI PERSONAL na patungkol sa inyo, juskoh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon