Chapter 48

29.9K 1.3K 75
                                    

Snow White now on sale for a limited time only

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Snow White now on sale for a limited time only.

Visit my FB for more info: facebook.com/vanessachubby

---

SA SOBRANG pagkabigla ay napaigtad si Agwee nang magising sa bisig ni Davide. Agad din siyang nakalma at nagtaka.

"Anong nangyari?" tanong niya. Nakatulog siya sa isang beach chair at ngayon ay buhat na nito patungo sa kung saan.

"The last thing I want is a toasted wife."

Hindi siya nakaimik dahil ina-absorb pa niya ang sinabi nito. Bitbit siya ng lalaki hanggang sa terrace ng kanilang cabin. Maingat siya nitong ibinaba sa isang lounging chair. Sukbit nito sa balikat ang kanyang beach bag na ibinaba nito sa mesa.

"Nandiyan ang iPad ko?" tanong niya.

"Everything is in there." Ngumiti ito.

"Sana ginising mo na lang ako."

"Why when you looked so peaceful sleeping? Alam ko rin na puyat ka."

"OA ka." Bigla ay gusto niyang umiyak. Kailangan niyang aminin sa sarili na pagod na ang kanyang emosyon. Sana hindi na lang siya pinapakitaan ng lalaking ito ng kahit na anong pagtingin, ng care, ng concern. At least, kung ganoon ito ay mas madali para sa kanya ang mag-move on.

Nakakatawa, moving on na siya kahit kung tutuusin ay wala namang naging malaking relasyon. Lalo lang siyang nalulungkot sa ganoong isipin. Siya ang ang bumuo ng kung anong special pero ang totoo ay wala naman.

"How have you been?"

Ilang ulit mong itatanong sa akin 'yan? Ilang ulit kang lalapit sa akin at kapag parang okay na tayo, bigla ka na namang mawawala? Hindi ko kailangan ng isang tulad mo sa buhay ko. Kung gusto mong mag-stay, pumirmi ka. Hindi ako mawawala. Pero kung ganyan ka nang ganyan, wala tayong pupuntahan.

"Ayos lang." Hindi niya ibinalik dito ang tanong.

"Would you like to come with me next weekend? I'll be in Singapore."

Hindi siya agad nakasagot. Sa huli ay nagtanong siya, "Bakit?"

Mukhang hindi inasahan ng lalaki ang kanyang tanong. Itinaas nito ang balikat. "I just thought that you might want to come. May passport ka na, 'di ba? Maybe after my meeting we can head to Thailand or Cambodia. What do you say?"

Umiling siya. "Hindi na. May gagawin din ako sa weekend. Sa org." Totoo din iyon. Puwedeng hindi siya um-attend pero bakit siya sasama kay Davide? Talagang hula niya ay naghahanap na naman ito ng aksiyon at hindi na niya ibibigay dito. Manigas ito.

"I see."

Kinuha niya ang tablet sa bag at nagpanggap na nagbabasa. Narinig niya ang buntong-hininga ng lalaki. Patlang. Wala na itong kahit na anong sinabi, inilabas ang phone at mukhang naging abala na rin doon. Naisip ni Agwee na malamang na pinadalhan nito ng text message ang magpo-proxy sa kanya.

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon