Chapter 53

27.8K 1.4K 87
                                    

Davide Castillejo ebook on sale now: preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/5063/GOH-Book-1-Davide-Castillejo---LIBB0624

FOR ANY QUESTIONS OR REQUEST FOR ASSISTANCE WHEN BUYING, PLEASE MESSAGE FACEBOOK.COM/PRECIOUSHOPONLINE

Kung ayaw mo naman, no problem basta't wait ka lang at 'wag demanding ng update.

'Wag masyadong madaming request, lalo na kung hindi naman naka-follow man lang. Give and take, 'wag puro take.

___

"DAVIDE, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Agwee, malakas ang sasal ng dibdib. Isang buwan niyang hindi nakita ang asawa at bigla na lang itong darating nang hindi man lang siya pinaghanda. Unfair. Sana nakapag-ayos muna siya, hindi ganitong pambahay na T-shirt ang kanyang suot at ni walang makeup.

Aba'y magaling. Matapos mong halos isumpa, unang kita mo lang ulit, gusto mo nang maglumandi.

"I'm just visiting my wife, is there a problem?" anang lalaki, buo ang tinig, walang kahit na anong halo ng humor.

Tumikhim si Jet. Noon lang ito naalala ni Agwee kahit katabi niya. "Ito nga pala si Jet, kaklase ko. Jet, si Davide."

Inabot ni Jet ang kamay kay Davide na tinanggap ng huli. Hindi alam ni Agwee kung siya lang pero parang mayroong tensiyon na nabuo sa pagitan ng dalawang lalaki. Hinarap siya ni Jet.

"Do you think I should go?"

"Ikaw?"

"Are you going to be okay?"

Nagsalita si Davide. "And why wouldn't she be?"

Nanigas ang likod ni Agwee. Bakit nauwi sa ganito ang usapan? Ngayon ay sigurado niyang may tensiyon sa pagitan ng dalawa. Bakit kailangan ni Davide na magsalita ng ganoon? Wala namang masamang intensiyon si Jet sa tanong nito.

"I don't know," sagot ni Jet, "maybe because she doesn't want to be with you, bro?"

"And you know that because...?"

"Tumigil nga kayong dalawa," agaw ni Agwee, na-stress. "Tatawagan kita mamaya, Jet."

"I'll wait for your call." Iyon lang at lumabas na ang lalaki.

Tumuloy si Davide sa loob ng condo, isinara ni Agwee ang pinto. "Problema mo?" agad niyang tanong dito.

"I don't have a problem. Maybe you do." Kasing-lamig ng yelo ang tinig ng lalaki.

"Wala akong problema. Bakit ka naligaw? At puwede ba, wala kang karapatang awayin ang kaibigan ko."

"Hindi ko siya inaaway. Siya ang may problema. Alam niyang may asawa ka. Or didn't you tell him?"

"So what kung may asawa ako? Asawa sa papel?"

"Ah, so is that what you tell people? Do you want to embarrass our family like that?"

Naningkit ang mga mata ni Agwee sa gigil. Naikuyom niya ang kamao. Parang pinapalabas pa ng magaling na ito na siya ang may kasalanan sa lahat ng ito! "'Wag mo 'kong akusahan, Davide, baka hindi kita matantiya."

"It's true. You didn't even wait. How long has that man been coming over?"

"Ano'ng pakialam mo?" pagtataray niya sa matinding galit. Ang kapal ng mukha! Kung makapagsalita ito ay ganoon na lang, samantalang honeymoon pa lang nila ay nakikipaglandian na ito sa iba!

"I'm your husband!"

"Well, that's rich coming from Mr. Hot and Cold at the Same Time!" singhal niya.

Bumuga ito. "You need to come back home with me."

"No!"

"I will not allow this!"

"Bite me!" Binuksan niya ang pinto. "Go. Now!"

"Aguida, I'm telling you!"

"What? What are you gonna do?!"

"I will tell on you!"

"Ah, talaga? Kanino magsusumbong ang bata?" pang-aasar niya.

"This isn't over!" Iyon lang at naglakad na ito palabas. Pabalagbag niyang isinara ang pinto, taas-baba ang dibdib sa matinding galit.

___

'Wag kalimutan mag-follow, lagyan ng bituin, at mag-comment. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon