Chapter 50

25.4K 1.2K 38
                                    

Davide Castillejo ebook on sale now: preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/5063/GOH-Book-1-Davide-Castillejo---LIBB0624

FOR ANY QUESTIONS OR REQUEST FOR ASSISTANCE WHEN BUYING, PLEASE MESSAGE FACEBOOK.COM/PRECIOUSHOPONLINE

Kung ayaw mo naman, no problem basta't wait ka lang at 'wag demanding ng update.

___

HINDI alam ni Aguida kung hanggang kailan niya matitiis ang katahimikan nilang mag-asawa. Hindi niya inasahan na babalik na naman sila sa ganito dahil buong isang linggong walang naging aberya hanggang sa makarating na nga sila ng Singapore. Napakasaya niya, handa nang magpatumba ng baka at magpa-lechon ng baboy. Pero heto na naman sila ni Davide.

Sa totoo lang, pagod na pagod na siya sa topak nito. Buong araw siyang nagngitngit kanina nang magising na wala ang asawa sa tabi, isang bagay na ayaw na ayaw niyang mangyari kaya lumabas siya at hinanap ito sa mga breakfast restaurant para lang makita ang magaling na nagbibigay ng bulaklak sa kung sinong babae.

Hindi na niya ito sinundan at nagbalik na sa suite. Hinintay niya ito doon, pero na bumalik ang lalaki. Nag-text lang ang lalaki para sabihing naghihintay na ito sa baba. May pinataas itong bellman para kunin ang kanilang mga gamit. Sa biyahe papunta sa airport ay tahimik din lang ang lalaki. Sa lounge ng airport ay hindi ito nagsasalita, abala lang sa pagbabasa ng mga magazine.

Sa ilang oras na sakay sila ng eroplano ay wala ni isang salitang sinabi sa kanya ang magaling na Davide. Alas-singko na ngayon, kadarating lang nila sa bahay. Mas late nga dapat ang flight nila pero nagulat na lang siya nang mabago ang schedule. Ibig-sabihin, nagmamadali na naman si Davide na makalayo sa kanya. Talagang sinasagad ng lalaki ang pasensiya niya.

Gusto niya itong kausapin kanina pa pero hindi niya sigurado kung kaya niyang awatin ang anghang ng mga salita. Galit siya, gigil na gigil. Para siyang laruan sa ginagawa ni Davide. Hindi niya alam kung kailan nito maiisipang paglaruan siya pero palagi nitong ginagawa! Pikon na talaga siya!

Walang salitang tumuloy ang lalaki sa silid, kaya ganoon na rin ang kanyang ginawa. Kapag nasisiguro na niyang wala na siyang topak ay saka niya ito kakausapin. Hindi rin niya gustong may giyera sila. Kapag galit siya, talagang hindi niya ito matatantiya.

Kahihiga pa lang niya sa kama nang mayroong kumatok sa pinto. Pagbukas ay nakita niya ang isang kasambahay.

"Ma'am, nasa baba ang mga kaibigan ni Sir. Pinapatawag kayo ni Sir."

Muntikan na siyang mapaungol. Kasama nga pala sa kasunduan ang magpanggap, pero ang hirap sa ngayon. Hindi ba puwedeng pass muna siya? Pero ang obligasyon ay obligasyon. Ayaw din niyang kung ano ang maisip ng mga kaibigan ng lalaki kung hindi siya haharap sa mga ito. Baka lalo siyang ma-issue at iyon ang huling bagay na gusto niya sa ngayon.

Napilitan siyang bumaba. Naabutan niya ang grupo sa sala. Tatlo sa mga ito ay mayroong kasamang babae, mga girlfriend siguro.

"There she is!" si Zauro. "It's nice to see the lovely Mrs. Castillejo."

Totoo ang naging ngiti niya kay Zauro. Kahit noong kasal, hindi nawawalan ng ngiti lalaki para sa kanya. Matapos batiin ang mga ito ay pumuwesto siya sa tabi ni Davide na ni hindi niya sinusulyapan. Manigas ito!

Tama ang hinala niya, girlfriend ng mga lalaki ang kasama, maliban sa kasama ni Zauro na ipinakilala lang bilang "Contessa."

"We're planning to invite you two to play with us tomorrow. Paint ball. Are you two in?" tanong ni Zauro.

"I'm not sure if Aguida wants to—"

"Game ako," agaw niya. Nabuwisit siya na siya pa ang gagawing dahilan ni Davide. Dalawa silang magdusa.

"See? I told you she's going to like the idea."

Mabilis na naiplano ang lakad bukas. Maaga ang lakad nila patungo sa Rizal kung saan naroon ang malaking paintball field. Doon naghapunan ang lahat at gabi na nang magpaalam. Wala pa rin siyang balak kausapin si Davide kaya tumuloy na siya sa silid. Kahit pagod ay hindi niya maiwasang mag-isip, hanggang sa makatulugan na rin niya.

Kinabukasan ay maaga siyang nagising. May ibinigay sa kanya si Zauro na uniform para sa paintball game nila. Kompleto naman siya sa sapatos at madali nang ternuhan ng hiking boots ang camo outfit. Mamaya na niya isusuot iyon, pampatong sa ordinaryong T-shirt at pantalon.

Pagbaba ay naabutan niya si Davide sa hapag. Hindi siya sumalo rito. Sa kusina siya kumuha ng almusal at doon na rin nag-breakfast. Wala siyang oras makipagplastikan sa lalaki. Wala siya sa mood. Salamat at hindi mapaggiit ang kamote, pinabayaan siya nitong manahimik at ang kasambahay ang sinabihan nang aalis na sila.

Sa sasakyan ay pareho silang tahimik. Matagal ang biyahe dahil sa heavy traffic. Kasing-bigat ng traffic ang puso ni Agwee. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang tiisin ang saloobin, pero malamang na hindi magtagal.

Nang makarating sila sa paintball center ay natuklasan niyang parang kasukalan pala iyon. Maganda ang reception, kung saan naroon din ang mga locker, magkabukod ang sa babae at lalaki. Madaming course na puwedeng pagpilian at ang pinakamalaki ang napili ni Zauro.

Hindi pa man, pagod na si Agwee. Gusto niyang magsisi kung bakit nakapayag pang sumali sa laro, pero nandoon na siya. Nang maisuot na ang camo ay lumabas na siya. Binibigyan na ng kanya-kanyang baril ang lahat. Asintada siya. Sa farm ay mayroon siyang baril na pamana sa kanya ng lola. Noon pa mang teenager siya ay pinaturuan na siya ng lola niyang gamitin iyon. Kasama ang baril sa mga gamit na naibenta niya noong huli. Mahaba ang baril sa paintball, pero sa palagay ni Agwee ay kayang-kaya niyang gamitin.

Nagsimula na ang pilian ng team. Dalawa ang leader nila, sina Zauro at Fergus. Pumili ang mga ito kung sino ang kasali sa team. Salamat at hindi sila magkasama ni Davide. Sa team siya ni Zauro, habang sa team naman ni Fergus si Davide. Red team sila, blue team sina Davide.

Ang aim ng laro ay ang makuha ang flag ng kalaban. Nasa fort iyon ng mga ito. Siyempre pa, kailangang barilin ng paintball ang kalaban. May protective gear silang suot, mula goggles hanggang chest at knee pads.

Lintik na Davide, kahit sa camo ay ang guwapo. Maganda kasi ang katawan ng lintik kaya kahit ano ang isunot, yummy pa rin. Bagay din pala itong maging sundalo, napaka-masculine ng dating. Lihim siyang napabuntong-hininga.

___

'Wag kalimutan mag-follow, lagyan ng bituin, at mag-comment. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon