Chapter 47

25.3K 1.2K 43
                                    

Have you ever seen a chubby Snow White? No? Look no further, because she's here and on sale! 50% off for a limited time, guys. For more info, check out Facebook.com/vanessachubby

The seven dwarves have become seven hotties, too! Ganda mo, Snowy!

The seven dwarves have become seven hotties, too! Ganda mo, Snowy!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

___

Napakaganda ng isla. Halos hindi makapaniwala si Agwee sa nakikitang kagandahan. Kahit puyat nang nagdaang gabi ay wala siyang pakialam. Inikot niya ang isla kasama si Davide at ang pamilya ng kapatid nito. Ang mga magulang ng lalaki ay hinintay lang sila at nagpaalam na rin. Hindi mahilig sa beach ang mag-asawa at mayroon din daw sariling lakad.

"Do you like this place, Aguida?" tanong sa kanya ni Kuya Warton.

"It's beautiful," aniya. Tatlong buwan na siyang nagpa-practice mag-Ingles kausap ang mga kaklase.

"I'm glad you like this place. My wife and I, we love it here. We take the kids here every time we can."

Magkakasama silang nag-lunch, maliban sa mga batang mayroong sariling puwesto sa restaurant kasama ang isang yaya. Isa na lang ang bata sa magkakapatid pero hindi na rin alagain. Ang panganay na anak ng kuya ni Davide ay halos teenager na.

"Can you believe my eldest son is twelve? Parang kailan lang, karga-karga ko. I'm glad I had kids early. I want to enjoy an early retirement. Kaya kayong dalawa, mag-anak na kayo. Hindi na kayo bumabata. Hindi n'yo gugustuhing mag-alaga ng toddler kapag may arthritis na kayo. Ilang taon na kayo kapag nag-college ang bata? Ano pa ba ang hinintay ninyo?"

"Nag-aaral pa si Aguida, Kuya," nakangiting sagot ni Davide. "Hindi naman kami nagmamadali. We're not that old."

Gustong mapikon ni Agwee dahil parang siya pa ang may kasalanan. "Wala namang kaso kung nag-aaral ako. Ang dapat nating malaman ay kung ready na ba si Davide na maging ama."

Biglang tumawa si Kuya Warton. "He's still immature, huh? Pagpapasensiyahan mo na ang kapatid kong ito, Aguida."

"What have I done?" nakangiting tanong ni Davide, kahit halatang hindi inasahan ang kanyang sinabi.

"The question is what have you not?" aniya.

Biglang tumawa ang mag-asawa nina Warton, habang si Davide naman ay nagtaas ng balikat. "I guess I did something to the missus that I'd have to pay for."

Tatawa-tawa lang ang mag-asawa. Mayamaya ay niyaya siya ng asawa ni Warton na si Chloe na samahan ito sa bar. Tumalima siya. Um-order sila ng inumin sa bar at pumuwesto sa isang tabi noon, nakatanaw sa beach.

"Everything all right with you and Davide?"

"O-okay naman, Ate."

"Davide is probably one of the kindest people I know. He may not appear to be so but he is. If you want him, you need to work a bit harder to have him. A lot of people will not have enough patience or will never understand, but I do believe those who try and succeed will find him worth the shot."

Hindi alam ni Agwee kung ano ang tamang itugon dahil hindi niya alam kung ano ang totoong mensahe. Siya ang magwo-"work a bit harder" para makuha ang pagtingin ni Davide? Ano ang ibig-sabihin ng work a bit harder? Ano pa ba ang kulang sa ginawa niya? Naging bukas naman siya at naghihintay lang naman sa hakbang ni Davide, kahit ang mga hakbang ng lalaki ay palaging nakakainis at nakakainsulto. May mangyayari sa kanila at pagkatapos ay mambababae. Akala niya ay okay na sila, pero biglang manlalamig. Nasaan ang hustisya na siya pa ang magwo-work a bit harder? Para saan? At hanggang kailan?

"My husband always told me that Davide was a boy who needed to grow up as quickly as he could and make hard decisions, emotionally at least. Sometimes, Warton blames himself for it."

"Mas lamang siguro si Kuya Warton doon, lalo na kung siya na mismo ang nagsabi na maaga kayong nag-asawa," aniya.

"True in many areas. All I'm trying to tell you is try and be patient with Davide. I like you for him and I can tell he likes you, too. Nandiyan na kayo, eh. Better make it work, 'di ba?"

Tumango na lang siya. Paano niya ipapaliwanag sa babae na ganoon din sana ang gusto niya kaso halata namang ayaw ni Davide?

___

Davide Castillejo ebook on sale now: preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/5063/GOH-Book-1-Davide-Castillejo---LIBB0624

FOR ANY QUESTIONS OR REQUEST FOR ASSISTANCE WHEN BUYING, PLEASE MESSAGE FACEBOOK.COM/PRECIOUSHOPONLINE

Kung ayaw mo naman, no problem basta't wait ka lang at 'wag demanding ng update.

___

'Wag kalimutan mag-follow, lagyan ng bituin, at mag-comment. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon