Chapter 27

37.8K 1.4K 90
                                    

Iniwan ni Agwee ang papel sa coffee table. Iyon ang kanilang magiging conference table. Natagpuan niya si Davide sa likod-bahay, nagpapaligo ng aso. Shet, bakit ganyan? Bigla siyang napalunok nang maunawaang may kalandian siyang taglay. Malandi siya dahil parang gusto niyang samahan ang lalaki sa pagpapaligo ng aso. Ni hindi niya alam na mayroon pala itong aso. Dalawa iyon, parehong tulad nitong mamahalin. Hindi niya alam kung anong lahi ng mga iyon pero kulay light brown, ang popogi. At dahil nagpapapagpag ng tubig sa katawan ang dalawa, nabasa na rin tuloy si Davide. Si Davide na ang suot lang ay T-shirt na puti at shorts. Hindi shorts na pang-basketball, kundi shorts na hindi maluwag. Manipis ang tela noon at abot hanggang ibabaw ng tuhod. Shorts na sosyal. Nakatsinelas ang lalaki, mamula-mula ang sakong. Parang gusto niyang lumapit dito at magpapaligo din.

Shower na me.

Lintik! Ang hirap pala kapag kaakit-akit ang asawa. Paano kaya tumagal iyong mga asawa ng mga macho? Sabagay, sino ba sa mga iyon ang katulad ng kanyang sitwasyon? Malamang na wala. Siya lang naman yata sa mundo ang nasa ganitong kalagayan. Alam niyang may mga bansa pa rin kung saan common ang ganitong arrangement, at alam din niyang madaming Chinese ang gumagawa pa rin ng arranged marriage sa Pilipinas dahil mayroon siyang kakilalang ganoon, iyong mayaman na Chinese sa kanilang lugar, pero sino kaya sa mga iyon ang na-match sa isang guwapong tulad ni Davide?

Paglabanan mo ang karupukan mo! Paglabanan mo! Kapit lang, kaya mo 'yan!

Wala naman siyang choice. Dahil kahit pa gusto siyang talunin ng pagnanasa ay matindi ang kapit ng kanyang pride. Hindi siya matutulad sa mga babaeng naghahabol sa lalaki na babaero. Madami-dami din siyang nasaksihang away sa Facebook na ganoon, to think na bihirang-bihira siyang mag-Facebook, kahit pa aminado na kapag kakilala niya ang involved sa chismis ay sumusubaybay siya kahit paano. Sa huli, siya ang palaging nahihiya at kalaunan ay nabubuwisit sa asawang nang-aaway ng kabit sa social media dahil ang dating sa kanya ay wala nang bait at pagmamahal sa sarili. Ito ang nasa tama bilang legal na asawa o girlfriend, pero iyong habulin pa ang isang lalaking nangloloko ay hindi nakakataas ng dignidad nito. Noon pa man, ang katwiran niya ay simple lang—kapag nagloko na, hindi niya hahabulin. Bakit? Malinaw na pumili na ang lalaki at ang pinili ay ang mambabae. Bakit siya magtitiyaga?

Iyon lang, ganitong tinititigan niya si Davide ay na-realize niyang malaki ang impact sa kanya ng iba nitong katangian. Ideal man na sana, sumemplang pa. Sabagay, kung nagkataon sigurong mahal nila ang isa't isa, baka hindi naman ito babaero. Ano bang malay niya kung iyong babaeng kanyang nakita pala ang totoo nitong mahal? Ang kaso, napilitang pakasalan siya. Hindi pa rin ideal. Pinakasalan siya nito nang mayroong ibang motibo, motibong madali sana nitong pakawalan kung hindi lang naging masyadong matimbang dito ang salapi.

"Yes?"

Muntikan na siyang mapaigtad. Nakatingin na pala sa kanya ang lalaki habang nakatingin siya sa dibdib nitong nabasa ng tubig.

"Kapag tapos ka na diyan, puwede tayong mag-usap."

"Sure, boss."

Deadma siya sa patama nito. "Ano'ng lahi 'yan?"

"Golden retriever."

"Anong pangalan?"

"This one is Adam, and this one is Eve."

"Ah, babae at lalaki." Lumapit siya. "Ilang taon na?"

"One year." May ngiti sa labi nito, halatang masaya sa mga alaga.

"Hindi pa nagbubuntis?"

"They're siblings, spayed and neutered."

"Pero sayang naman ang lahi. Alam mo, magandang mag-breed ng ganyan, malaki rin ang kita. Gusto ko nga noon sa farm, ang kaso ang mahal din ng puhunan."

Biglang tumawa ang lalaki. "Animal rights activists will hate you."

"Bakit naman?"

"They prefer people adopt than buy, especially from breeders. These two are adopted."

"Adopted? Huuu, maniwala ako. May puro bang pinapa-adopt dito sa Pilipinas? Ang alam ko, sa Amerika lang 'yon. Magpa-adopt ka dito ng may lahi, tingnan ko kung hindi maubos agad isang oras pa lang, tapos palalahian na nila 'yon. Saka iyong mga may lahi, kadalasan talaga mga may kaya ang nag-aalaga. Iyong iba naman diyan hindi talaga animal lover, gusto lang pampa-cute."

"Which is wrong."

"Totoo. Kung ako lang, tama na sa akin ang mga alaga ko. May mga aso din ako, pero walang lahi. Aspin lang sila. Hindi sila choosy sa pagkain, saka hindi sila mabaho. Kasi kapag dog food ang pinapakain mo, may kakaibang amoy. Iyong mga alaga ko, hindi mabantot, mahilig din kasi magtampisaw sa may poso. Naawa nga ako sa mga 'yon noong naghirap ako, kasi nadiyeta rin sila. Pero kahit paano, binibilhan ko ng karne sa palengke. Iyon lang, kung minsan sadyang wala, pero salamat at palaging naaalala nina Pipay at dinadalhan."

"Take them here."

"Naku, hindi na. Inaalagaan naman ni Pipay. Magpapadala din ako doon bukas ng pera."

"Do you need some cash?"

Lintik na lalaki, pa-fall talaga. Ikaw lang ang nag-offer ng ganyan sa akin. Iyong ex ko, chocolates. Ikaw talaga, cash. Buwisit ka, bakit ka naging babaero?

---

Don't forget to vote, leave a comment, and share.

Like my Facebook page as well: vanessachubby

Thanks!

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon