Chapter 37

34K 1.5K 158
                                    

Lord, ilayo Ninyo ako sa tukso.

Panay ang lunok ni Aguida. Pagdating sa asawa ay hindi niya alam kung ano ang tamang gawin, pero parang ang pinakagusto niyang gawin ay ang kalimutan ang lahat ng pagdududa sa lahat ng bagay tungkol sa kanilang dalawa, saka pikit-matang lumusong sa 'di-tiyak.

"O-okay naman ako. Nandito lang ako sa bahay."

"Hindi ka naiinip?"

"Sanay ako." Ngumiti siya, nag-iwas ng tingin sa mga mata ng lalaki. Ano ba itong lalaking ito, kahit nakakainis, yummy pa rin. Ngayon pa lang siya nakakita ng ganitong klaseng tao, iyong hindi siya natutuwa sa mga sinasabi pero attracted pa rin siya. Siguro, sa isang banda naiintindihan niya ang punto nito, nauunawaan niya ang mga prinsipyo nito, hindi lang siya agree. Hindi pa ganoon kalawak ang kayang saklawan ng isip niya tungkol sa mga relasyon. Hindi niya sigurado kung kaya niyang tanggapin.

Siguro, may mga babaeng tanggap ang ganoon, tulad ng Pia na iyon. Sa isang banda, naiintindihan niya naman na walang dahilan para hindi makuha ng isang tao ang lahat ng gusto nito, kung payag ang lahat ng involved. After all, iyon pa rin naman ang pinakamahalaga sa lahat, hindi ba? Consent. Pero kung siya, ayaw niyang pumayag na kukuha ito ng iba dahil may mga bagay siyang hindi kayang ibigay dito. Kung sa ganoong anggulo titingnan, parang lalabas na nasa kanya ang mali, pero basta! Hindi niya matatanggap!

Sa isang banda, malinaw sa kanya ang pagnanasa at kung ano ang kaya noong gawin sa isang tao. Palaging laman ng isip niya ang makasamang muli ang asawa. At oo, iyon ay sa kabila ng lahat. Magiging masama ba siyang tao kung hindi katulad ng sa iba ang self-control niya?

Lugi siya kay Davide dahil lahat ng galaw nito ay yummy. Kaasar. Irresistible, 'ika nga. Lalo niyang naiisip kung gaano kahalaga ang physical attraction. Kung nagkataong hindi siya attracted sa lalaki, malamang na ni hindi hindi niya ito kausapin. Pero dahil sa nararamdaman, gusto niya itong makita palagi kahit pa nga hindi naman sila nagkakausap nang matagal, maliban ngayon.

Sa ganitong pagkakataon naman na nagkakausap sila, parang gusto niyang bumigay sa tukso na hindi niya alam kung papatulan nito dahil sa pesteng kasunduang siya rin ang gumawa. Siguro, tama rin na gumawa siya ng ganoong kasunduan, sa ganoon ay may proteksiyon siya... laban sa sariling pagnanasa!

Kung buhay pa ang lola niya at malalaman nito ang lahat, malamang na pasugurin ang mga miyembro ng kulto para ipagdasal siya. Sa isang banda, nahihiya siya sa nararamdaman pero anong magagawa niya kung hindi magpakatotoo sa sarili? Kaysa naman deny siya nang deny. Hindi siya sanay mag-deny. Hindi siya showbiz.

"What do you feel about your father?" tanong nito.

"Ibig mong sabihin, iyong iniwan niya ako at ngayon ipinakasal sa 'yo?"

"Well, yes. I'm sorry, I never should've asked. Nagtalo na tayo noon dito. I guess I just wanted to make sure that you're okay."

Itinaas niya ang balikat. "Ayos naman. Kilala mo ba si Janet noon pa?"

"Yes. Let me get something to drink. Would you like anything?" Tumayo ito.

Tumayo din siya. "Ako na lang."

"No. Stay where you are. Let me prepare something for you."

Sumama pa rin siya rito sa kusina. Kumuha ito ng alak. Inalok siya nito ng juice, pero tumanggi siya. "Gusto ko din 'yang iniinom mo."

"No." Bigla itong tumawa. "You better not drink. You can't hold your drink."

"Pero gusto ko rin."

Matagal siya nitong tinitigan, sa puntong kinabahan na siya. Nababasa ba nito ang nasa isip niya? Gusto niyang lumutang at sisihin ang alak sa kung anuman ang mangyayari.

"Very well." Nagsalin ito ng alak sa baso at ibinigay sa kanya.

Inisang lagok niya iyon, saka naghanap ng chaser. Humalakhak ang lalaki, pero binigyan siya ng canned soda. Pumuwesto na sila sa kitchen counter. Naglabas siya ng sitserya. Ganoon ang inuman na alam niya.

"Hindi ka close sa parents mo?"

"Not really, no."

"Parang hindi ka nga natutuwa sa kanila. Kung sana puwede tayong pumili ng magulang, 'no?" Hindi pa man, nag-iinit na ang mukha niya, ang tainga lalo na. Ang bilis umepekto ng alak. Ano ba ang tatak noon? "Kung makakapili ako ng parents, pipiliin ko pa rin ang nanay ko. Hindi ko lang alam kung sinong tatay ang pipiliin ko."

"I'd choose my brother's parents for sure." Ngumiti ito.

Sa sandaling iyon ay parang may humaplos sa puso niya. Kahit nakangiti ang lalaki, halatang hindi ito masaya. "So feeling mo mas mahal nila ang kapatid mo kaysa sa 'yo? O favorite nila ang kuya mo?"

"It's not even about favoritism. I have favorite employees as well. I think it's how blatant theirs show. Some parents probably make sure that their children don't notice just how much they favor one child over the others. With my parents, they couldn't be bothered with that."

"Alam mo, hindi man ako nakaka-relate sa 'yo kasi hindi kami close ng tatay ko at mahal na mahal ako ng nanay ko, alam ko ang pakiramdam kasi nakita ko sa iba."

"How can you even say that? They like Janet more than you, I think." Tumawa ito.

"Oo nga, pero hindi naman ako anak ng nanay ni Janet. Saka hindi naman kami close ng tatay ko. Hindi ako lumaking kasama sila sa iisang bahay. Pero ganyan din iyong kaklase ko noong high school, si Rebecca. Mas gusto ng parents niya ang kuya niya at ini-spoil kahit mga basagulero. Eh, di itong si Rebecca nagtatampo noon pa man. Iyong kuya niya, hindi nakapagtapos at nag-asawa agad. Si Rebecca naman, maagang nag-DH. Sa Hong Kong noong una, kalaunan nakarating sa Canada. Nagkataong nakapang-asawa pa ng puti at mayaman. Hindi na talaga niya binalikan ang parents niya pero naipagpatayo naman ng bahay, maliit nga lang. Sising-alipin ang magulang niya dahil siya ang umasenso, pero iyong kuya niya ang naging problema ng magulang. Hindi mo naman masisi si Rebecca na hindi na umuwi ng Pinas at hindi rin dinala sa Canada ang magulang dahil dati siyang sinasabunutan ng nanay niya noong high school."

"Oh, that's harsh."

"Sinabi mo pa." Tumungga siya ulit. "Kaya kapag nagkaaanak tayo, hindi puwedeng spoiled. Tamang sakto lang. Hindi puwede ang puro cellphone at tablet."

"I agree. When are we having a baby?" Ngising-ngisi ang lalaki.

"Ngayon, kung g-gusto mo." Lumabas iyon sa labi niya bago pa niya napigilan ang sarili. Madulas na ang dila niya, kahit hindi pa siya lasing. Medyo lang. "Suggestion lang naman."

___

Vote, comment, share. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon