Chapter 1

12.3K 205 108
                                    


"Baby, uminom ka na ng gamot." Gising ko kay Deanna, mahimbing parin itong natutulog hanggang ngayon.

Tirik na tirik na rin ang araw pero tulog parin ang babaeng 'to.

Umaattend ako ng training, iniiwan ko syang tulog. Tapos umuuwi akong tulog parin sya.

Minulat ni Deanna ang kanyang mga mata, agad syang ngumiti sakin.

"Kumain ka muna at nang makainom ka ng gamot." Nawala ang pagkakangiti nito.

"Ayoko! Ang pangit ng lasa nyan, eh!" Parang bata nyang reklamo.

"Sige na, baby Please? Paano ka gagaling, kung ayaw mong uminom ng gamot?" Paglalambing ko sakanya.

Nakanguso itong umupo sa kama.

"Kiss muna?" Lalo pa syang ngumuso.

"Ayaw, hahaha. Hindi ka pa nga nagtotoothbrush, eh." Asar ko.

"Porket mabaho na hininga ko hindi mo na ako mahal?"

Natawa naman agad ako sa sinabi nya. Agad ko ring inabot ang nakangusong labi ni Deanna.

Binigyan ko sya nang malalim na halik habang hinahaplos ko ang hita niya.

Lalo kong pinalalim ang halik ko nang maramdaman kong humawak na ito sa buhok ko....

Nagulat ako. Bigla nyang tinulak ang mukha ko palayo sakanya.

"Hindi na ako makahinga, eh." Reklamo ni Deanna.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa. Dahil nabitin na naman ako.

"Okay. Sorry na po! Hingi ka ng hingi ng kiss kapag binigyan ka naman nagrereklamo ka." Natatawa kong sabi sakanya.

"Laplap naman kasi ginagawa mo, eh." Lalo akong napatawa.

Hanggang ngayon, hindi parin ako sanay na nagrereklamo si Deanna sa klasi ng paghalik ko.

Samantalang noon, sya pa nagtuturo sakin humalik. Ngayon, nagrereklamo na sya.

Napailing ako at inumpisahan na itong pakainin. Sinabayan ko narin, baka mawala na rin ako sa katinuan at sya pa ang makain ko, charrrr!

----

"Ano Jemalyn, kaya pa?" Tanong sakin ni Kyla.

Nandito kami ngayon sa mall, pinapasyal ko lang si Deanna.

Minsan lang kasi sya makalabas, kapag nag papacheck up lang kami.

At ngayon nga, tinreat ko sya at nagpasama narin ako kay Kyla.

"Oo, naman! Tignan mo nga si Deanna oh? Ang saya saya nya! Lahat ng pag-aalala at pagod ko, nawawala kapag nakikita ko na syang ganyang kasaya." Nakangiting sabi ko habang pinagmamasdang si Deanna, naglalaro ito ng basketball sa arcade.

"Para ka ng nanay ni Deanna, hahaha." Tinignan ko ng masama si Kyla, nagpeace sign naman ito.

"Pero sa totoo lang Jema, hindi ko magets. Nalulong lang naman si Deanna sa bawal na gamot 'diba? Bumabalik naman sila sa katinuan kapag narerehab? Pero bak......."

"May PTSD si Deanna bago sya gumamit ng drugs!"

"Sabi ng Doctor, mabilis daw nalusaw ng drugs ang utak ni Deanna. Dahil narin sa trumatic stress nito. Oo. Negative na sya sa drugs, pero yung anxiety nya ang totoong nagpalala ng sitwasyon ni Deanna."

"Yung paulit ulit syang iniiwan ng mga taong minahal nya ang dahilan bakit naging naging ganyan si Deanna."

Biglang tumulo ang luha ko, "at isa ako sa dahilan na yun." Hinaplos ni Kyla ang likod ko.

"Hindi mo kasalanan kung nagpatalo si Deanna sa sarili nya. malaki ang kasalanan nya sayo, siguro. Kinarma lang sya."

"Kyla!!!" Nanggigil kong pigil sakanya.

"Okay. Sorry. Pero Jema, hindi rin tamang sisihin mo ang sarili mo sa nangyari kay Deanna. Siguro nga, natriggered yung sakit nya nung iniwan mo sya. Pero hindi mo dapat kinukulong ang sarili mo sakanya. Kung nagsisisi ka lang sa nangyari."

"Mahal ko si Deanna, kaya inaalagaan ko sya. Isa pa, ako lang naman nagpapakalma dyan. Hindi ko syang kayang iwan sa ganyan sitwasyon."

Napailing nalang si Kyla.

Naiintindihan ko naman sila kung sa tingin nila nahihirapan na ako.

Dahil kung makikita mo si Deanna, para na itong bata.

Sinasabi nga ng iba, nababaliw na 'to. Kasi minsan, nagtuturo sya. Tinuturo nya yung mga bagay na sya lang ang nakakakita.

Lalo na kapag may bad dreams 'to, kapag nagiiskip ko ang mga gamot nya. Kapag puspusan na ang training namin.

Nagwawala rin si Deanna kapag hindi ako nakikita. Kaya minsan, sinasama ko nalang sa trainings at games ko.

"Hanggang kailan kaya Jemalyn?" Napapikit ako sa tanong ni Kyla.

Hanggang kailan ko nga kaya kakayanin?

-------

Boom, parang Neneng B ang kaniyang katawan (katawan)
Ang sarap mong titigan (titigan)
Rosas ka ba? (bakit, bakit)
Kasi sa spaceship, isasakay kita.

Tawa ako ng tawa habang sumasayaw sa harapan ko si Deanna.

Sobrang tigas talaga ng katawan nito, kung anu-anong kangkarot step lang ang ginagawa nya.

Syempre hindi mawawala ang famous dance step ni Deanna, Gumigiling habang nasa harap nito ang mga kamay na parang sumusuntok at tinutwist ang mga binti.

Boom, parang Neneng B ang kaniyang katawan (katawan)
Ang sarap mong titigan (titigan)
Rosas ka ba? (bakit, bakit)
Kasi sa spaceship, isasakay kita.

Sumasabay narin si milo sa kalokohan ng dada nya.

Huminto si Deanna at ngumusong tumingin sakin.

"Pagod na ako," reklamo nya.

Tinap ko naman ang couch at pinapaupo sya sa tabi ko.

Agad syang tumabi sakin at niyakap ako. Pinatong din nya ang ulo sa balikat ko.

"Ang galing talaga sumayaw ng baby ko," natatawa kong sabi habang hinahaplos ang buhok ni Deanna.

"Inuuto mo lang ako," natawa na ako ng tuluyan.

"Hindi ah? Gusto ko lang makita kung gaano kagaling sumayaw ang baby ko." Umangat ang tingin nya sakin.

"Talaga? Napasaya kita?" Tumango ako.

"Sobrang mo ako napapasaya, love! Kahit ngiti mo lang masaya na ako," ngumiti naman sya ng malawak kaya lalo ako napatawa. "Ang cute cute talaga ng baby," pinisil ko pa ang magkabilang pisngi nya.

Agad naman ako sinampal nito ng mahina.

"Masakit," nakangusong reklamo nya.

Lagi kong napapansin na lagi itong nakanguso, parang laging nanghihingi ng halik. Charrr, hahaha.

Masuyo kong hinaplos ang mga pisngi ni Deanna, nakanguso parin sya.

Damn, Deanna.

Kinabig ko ang batok nya at siniil ng halik sa labi.

Nagulat ako nang tumugon sya.... ngayon nalang ulit sya sumasabay sa halik ko.

Pinalalim ko ang halik kasabay ng unti unting  paghiga kay Deanna sa couch.

Binaba ko ang halik ko sa leeg nya........ pero mabagal nya kong tinulak

"Jema.... wag mo ko rape. Magagalit si mama," tangina Deanna.

PatientlyWhere stories live. Discover now