Chapter 16

4.1K 171 18
                                    

Nakatitig lang kami kay Deanna at hinihintay ang sasabihin nya

Ngunit tila natigilan sya, kumunot ang noo nya na para bang may ina-alala

Bigla nyang hinawakan ang ulo nya at kitang kita sa reaksyon nya ang pag-kalito

"Aaaaahhhhhh" sigaw nya

Agad namin syang nilapitan ni mama

"Sakit ulo ko!!!!" Sigaw nya ulit

Masama sakanya labis na ma-stress dahil maaring maka-apekto ito sa anxiety at depression nya

At ang labis na pag-sakit ng ulo ang senyales nun

Siguro kanina pa nya nilalabanan yong stress nya nung nakikitang nyang nag-aaway yong mga kaibigan nya

Kaya siguro sya tulala kanina!

Shit bakit ba hindi ko naisip yon? Dapat una kong ginawa ay nilayo sya sa gulo

Pero hindi ko rin kasi alam gagawin ko kanina

Nakakainis! Wag naman sana lumala agad

"Deans saan masakit?" Nag-aalalang tanong ko sakanya

Hindi sya sumagot nakahawak lang sya sa ulo nito

"Dalhin na natin sa hospital" natatarantang sabi ni Justine

Tumango naman ako at hinawakan ang kamay ni Deanna na nasa ulo nito

"Ayaw!!!" Nagpumiglas sya

"Matutulog lang ako! Ayoko hospital" sabi nya at agad na tumakbo sa kwarto nito

Sumunod naman agad ako sakanya

Humiga sya sa kama at nag-talakbong ng kumot

"Deans kailangan na natin pumunta ng hospital! Wag ng matigas ang ulo!" Naiinis kong sabi dito

"Ayawwwwww! Ayaw ko dun eh! Tutusok ako karayom! Masakit eh!! Tutulog lang ako! Wala din to" umiiyak na sya

Napabuntong hininga nalang ako

"Sige, pero kailangan mo munang uminom ng meds bago matulog. Kapag masakit parin ulo mo pupunta na tayo ng hospital ah?" Tumango naman sya

Gumalaw kasi ulo nya sa loob ng kumot kaya alam kong tumango ito

Agad kong kinuha ang gamot nya sa study table nito at may nakahanda narin pitsel ng tubig

Nagsalin ako sa baso at nilapitan sa kama si Deanna

Pinaupo ko saya sa kama para makainom na sya agad ng gamot

"Tulog na" humiga sya patalikod sakin at nagtalakbong muli ng kumot

Lumabas naman ako ng kwarto dahil alam kong nag-aalala sila

"Ayaw mag-padala sa hospital, uminom nalang ng gamot tapos natulog na" sabi ko sakanila

"Sorry po mama, paps, Jema, na-stress si Deanna dahil sa gulo namin" hinging paumanhin ni Justine

"Sorry din po! Siguro mauuna na po ako" sabi naman ni Tots

"Hindi walang aalis!" Maawtoridad na sabi ni paps

"Umupo kayo muli riyan at pag-usapan natin kung ano ba yang pinag-aawayan nyo"

Wala naman nagawa si Tots at Justine kundi umupo muli sa mahabang sofa

Sininyasan sila ni paps na magsalita

"Paps! Maniwala kayo hindi ko talaga alam kung anong sinasabi nila" panimula ni Tots

Natawa si Justine, naiiling naman si Kaye

"Tigilan mo na yan Tots! Yong bait-baitan mo! Kunwari concern pero may iba motibo naman pala talaga" sabi ni Justine

"Alam mo deretsuhin mo na kasi ako!" Iritadong sagot ni Tots

"Hindi mo talaga alam? Sige sasabihin ko! Tigilan mo na pag-paparamdam mo kay Jema" tila nagulat naman si Tots

"Anong pinag-sasabi mo?"

"Tatanggi mo parin? May gusto ka sakanya" sabay turo sakin ni Justine

"Lahat tayo may gusto Kay Jema" natawa si Justine

"Ayon umamin ka rin! Oo gusto namin si Jema nung college tayo! Alam ni Deanna yon katulad ng alam nya rin na crush mo rin si Jema pero sinabi mong si Ced yong crush mo! Hindi nalang kami kumontra kasi may rules kayong dalawa na bawal magkagusto sa iisang babae" hindi nakapag-salita si Tots

"Pero crush lang yon Tots! Wala naman masama kung sasabihin mo samin na si Jema ang crush mo noon kasi hindi naman natin akalain na makaka-daupan palad natin sya" wow lalim naman ng tagalog na yon

"Pero nag-sinungaling ka pang hindi mo crush si Jema!! Katulad ng pag-sisinungaling mong hindi mo gusto si Mitch" nagulat kaming lahat

May gusto rin si Tots kay Mitch? Oo nga pala na-alala ko yong sinabi nya na lahat ng gusto nya gusto din ni Deanna at lahat din ng gusto nya si Deanna din ang gusto

So kaming dalawa pala ni Mitch yon?

Napakuyom mga palad ni Tots at niyuko ang ulo nito

"Ano akala mo hindi namin alam? Lalo na ni Deanna? May rules ka pang nalalaman pero ikaw rin naman unang bumali ng rules mo!!!" Napataas na boses ni Justine

"Pero maiintindihan naman namin kung gusto mo lang sya eh! Pero gumawa ka pa ng move na makakasira sainyo dalawa ni Deanna"  napatingin na si Tots kay Justine

"Traydor ka eh! Kitang kita namin kung paano kayo naghahalikan ni mitch" nagulat na naman ako napahawak pa ako sa dibdib

Pero si Tots lumuluha na, kagaya ko nakahawak narin sya sa dibdib nito

"Kitang kita namin kung paano nadurog si Deanna nun! Walang tigil yong agos ng luha nya! Gusto kitang sapakin pero pinigilan nya ko! Tangina Tots!" Napahawak si Justine sa ulo nito

"Pero ang mas nakakagulat dun! Kinabukasan wala syang ma-alala! Hindi kami lasing pero wala syang na-alala sa nangyari!" Lalo lang akong nashashocks sa naririnig ko

"Pinag-bintangan pa nya ko na sinisiraan ko kayong dalawa ni Mitch nung pina-alala ko yon sakanya! Pero par ngayon ko lang narealize! Baka noon pa nag-susuffer na si Deanna ng anxiety nya!!!" Napasigaw si Justine

"Kasi mahirap tanggapin yong bestfriend mo at girlfriend mo ginagago ka! Kaya siguro pinilit nya nalang kalimutan dahil ayaw nyang masaktan!" Naiiyak na ako kasabay ng pag-iyak ni Justine

Ang dami naman atang tinatago ni Deanna

At siguro isa rin yon sa dahilan bakit nagtatagal si Mitch kay Deanna sa kabila ng kalokohan nito dahil may guilt itong nararamdaman

"Kaya please lang Tots! Dumistansya ka na kay Jema! Wag mo ng ulitin yong pag-kakamali mo noon! Wag mo ng hayaan mas lumala pa yong sakit ni Deanna! Ako na nakiki-usap sayo"

"Wala naman akong balak kay Jema! Gusto ko lang talaga silang tulungan ni Deanna" sabi ni Tots na nakayuko na ulit

"Tingin mo ba yon ang nakikita ni Deanna? Yong pagsapak nya sayo! Sign na yon na natatakot na sya! Na baka mabaling yong loob ni Jema sayo dahil sa kundinsyon nya! At makahanap si Jema na mas better sakanya at ikaw ang nandyan kasi bida-bida ka" tila hindi ko ata nagustuhan yong sinabi ni Justine

"Ganun ba kababaw ang tingin mo sa pagmamahal ko kay Deanna?" Napatingin silang lahat sakin

"Hindi ko kailangan ng better Justine! Best ang kailangan ko at kay Deanna ko lang yon nakikita! Sa hirap ng pinag-dadaanan namin ngayon, pero masaya namin yon hinaharap dahil magkasama kami! Hinding hindi ko yon ipag-papalit kahit kanino! Mahal ko si Deanna at sapat na sakin na mahal nya ko at wala na syang dapat patunayan pa" sabi ko sabay talikod sakanila at pumasok sa kwarto ni Deanna

PatientlyWhere stories live. Discover now