"Ang sarap mong sakal-sakalin" sabi ni Ced sa katabing si Deanna na parang sinasakal talaga ito
"Nakaka-gigil" sabi nya ulit at pinalo si Deanna sa braso nito
Tawang lang ng tawa si Deanna sa pang-gigil sakanya ni Ced
"Ikaw ah? Gusto mo ako no?" Natatawang sabi ni Deanna
Tumango si Ced sakanya
"Kasi di na ikaw playgirl! Cute na ikaw" sagot naman ni Ced na ginagaya pa kung paano magsalita si Deanna
Napaismid ako nang pisilin ni Ced ang mga pisngi nito
"Hoy Ced Tama na yan! Mukhang nagseselos na si Jemalyn" natatawang puna sakanya ni Kyla
Agad naman tumayo si Deanna at lumipat sa pwesto ko
"Sya lang may gusto sakin ah?" Sabay akap nito sakin
Natawa kami sa tinuran nya
"Hoy cutie girl hindi kita gusto no?" Depensa naman ni Ced
"Eh sino gusto mo? Si Tots?" Sabi ulit ni Kyla
"Di ka nya gusto! She likes Jema" napatingin kaming lahat kay Deanna
"Kaming apat gusto namin Jema! College kami"
"Wow haba naman pala ng hair ni Jemalyn lumagpas sa labas ng UPTC" katyaw ni Kyla sakin
"Sira! Pero di ba sabi ni Tots si Ced ang crush nya?" Kahit pa sinabi na sakin ni Tots na hindi naman nya talaga crush si Ced
Tumango lang si Deanna
"Option ka lang pala ni Tots eh hahaha" asar ni Kyla kay Ced
"Kaya pala manhid si bruha! Si Jemalyn pala ang totoong gusto" sakay lang ni Ced kay Kyla
Umuling nalang ako at tinignan si Deanna tila ba ang lalim ng iniisip nito
"Deans ok ka lang?" Bulong ko dito
Tinignan nya akong nakakunot ang noo nya
"Ano bang iniisip mo?" Tanong ko ulit
"Hindi ko alam! Sakit na ulo ko eh" sagot nyang humawak sa ulo nya
"Gusto mo ng umuwi?" Umiling naman sya
"Ayaw lalaro pa ko dun" sabay turo sa arcade katapat ng food court ng pinag-tatambayan namin
Tumayo ito at nilahad ang palad sakin mukhang nanghihingi ng pera
"Thank you" sabi nya pagka-abot ko ng P100 sabay takbo sa loob ng arcade
Nailing nalang ako ang gulo talaga kausap nitong si boyet
"Bumalik ka agad ah? Wag kang lalayo" sigaw ko sakanya
"Hahaha ang cute talaga ni Deanna gusto kong iuwi" sabi ni Ced
"Ginawa mo pang staff toy girlfriend ko" sabay irap sakanya
"Ito naman si Ate Jema, nacute-tan lang naman hindi ko naman sya type! Ikaw nga crush ng buong tropa nya eh! Haba ng hair nagrejoice ka ba girl?" Natawa kami sa huli nyang sinabi
"Buti ayos lang kay Deanna na type ka ng barkada nya" sabi naman ni Kyla
"Anong ayos lang? Sinapak nga kahapon si Tots" nanglaki naman mga mata nila
"Talaga? Anong nangyari?" Hindi talaga to tsismosa si Ced eh
"Ewan ko ba jan kay Deanna tanging kay Tots lang mainit ang ulo! Bineso din naman ako ni Jus at Kaye pero si Tots lang sinuntok nya pagkatapos bumeso sakin? Tinanong ko naman kagabi kung ano bang problema, tinulugan lang ako" sagot ko
![](https://img.wattpad.com/cover/210935986-288-k263067.jpg)
BINABASA MO ANG
Patiently
FanfictionHanggang kailan ka lalaban para sa taong mahal mo? Chasing The Stars Book 2