Ilang araw nalang lilipad na kami pa-Thailand pero hanggang ngayon hindi ko parin nasasabi kay Deanna
Nahihirapan akong humanap ng timing para sabihin sakanya
Papatulong nalang siguro ako kay paps, kasi magaling syang magsalita
Minsan nauuto din nya si Deanna kagaya ngayon naiwan ko sya sakanila
Kasi need ko na bumili ng maletang gagamitin ko
Buti nalang birthday din ni paps kaya nakunbinsi si Deanna na maiwan sa bahay nila
At mabibili ko lahat ng kakailanganin ko sa flight ko papuntang Thailand
"Bulaga!!!"
"Ayyyy pwet ng kabayo!!!" Napalundag pa ako sa gulat ko
Sira ulo talaga to si Tots hilig talaga mang-gulat eh! Tapos tawa pa sya ng tawa
Tinignan ko sya ng masama hindi na ako natutuwa
Lagi nya nalang to ginagawa sakin! Tila nakuha naman nya yong ibig kong ipahiwatig sa tingin ko sakanya
"Sorry na Jema! Promise hindi ko na uulitin" napakamot sya sa ulo nya
"Buti naman! Kapag inulit mo pa hindi na talaga kita kakausapin kahit kelan" sabay irap dito
"Uyy wag naman Jema! Sorry na promise hindi ko na talaga uulitin" tinaas pa nya ang kanang kamay nito
"Oo na basta wag mo nalang uulitin" ngumiti naman sya
"Ano palang ginagawa mo dito? Saan si Deanna?" Tanong nya
"Bibili lang ng maleta may training kasi kami sa Thailan for 2 weeks"
"Alam ba ni Deanna?" Umiling ako
"Baka mamaya sasabihin ko rin! Teka! ikaw bakit nandito ka? Birthday ni paps hindi ka ba pupunta dun?" Tanong ko
"Bibili lang ako ng regalo para kay paps, tapos sisilip lang ako dun. Kasi alam mo na baka galit pa sakin si Deanna" malungkot na sabi nito
Pagkatapos nga nung eksena nila ni Deanna hindi na nagpakita si Tots samin
Nung nawala si Deanna nandun sya pero umalis din agad na hindi nagpapakita samin
"May nangyari ba sainyo bago nagkasakit si Deanna? Kasi hindi ko magets kung bakit bigla syang nagalit sayo?"
"Sa totoo lang Jema, kahit ako clueless din! Hindi ko talaga alam bakit sya biglang nagalit sakin"
Para naman ang babaw lang kung dahil lang may crush sya sakin
Kasi sabi nga ni Deanna lahat naman sila may crush sakin nung college sila
Tila nahiya naman akong tanungin yon kay Tots
Kaya nag-offer nalang ako sakanya na mag-sabay nalang kami papunta kela Deanna
Nung una tumanggi pa sya baka daw kasi iba isipin ni Deanna pero napilit ko rin naman sya
Wala naman kaming ginagawang masama na ikagagalit ni Deanna
Pagkatapos ko bumili ng mga kakailanganin ko at nakabili narin naman si Tots ng regalo nya kay paps dumeretso na kami agd dun
Pagbaba palang namin ni Tots ng kotse ko
Madilim na mukha ni Justine ang sumalubong samin
"Bakit kayo magkasama?" May pag-dududa nyang tanong samin
Tumaas ang kilay ko sakanya!
"Nagkita lang kami sa mall! Sinabay nya lang ako" sagot ni Tots sakanya
"Ayos ka talaga ano?" Medjo maangas na ang pag-kakasabi ni Justine nun
"Teka anong bang pinapalabas mo?" Naiiritang sagot ni Tots
"Wag ako Tots! Kilala kita, kunwari bait-bait ka pa!" Nagsukutan na sila ng tingin ngayon tila ba kung sino kumurap talo
"Hindi ko alam sinasabi mo! Deretsuhin mo na nga ako!" Kitang kita ko ang panga-ngalit ng bagang ni Tots
Tila naestatwa ako sa nasasaksihan ko sakanila
Ano bang nangyayari?
Ano ba problema ni Justine?
"Wag mo ng ulitin pag-kakamali mo noon! Tots! May sakit si Deanna hindi nya kaya ipag-tanggol sarili nya sayo!!! Kaya ako nagagawa nun para sakanya" nakagawa na sila ng eksena lalo na sa pagsigaw ni Justine
Kumunot ang noo ni Tots tila ba may inaalala sya
"Hindi ko alam pinag-sasabi mo!!! Wag mo akong pag-bintangan na para bang ang laki ng kasalanan ko!" Sumigaw na rin Tots
"Wala ka talagang alam ah? Hayop kang traydor ka!!!" Sabay suntok ni Justine kay Tots
Hinawakan ni Tots ang pisngi nya sabay ngiti at lapit kay Justine sinutok din ito
Nawiwindang na ako hindi ko na alam gagawin ko
Hindi ko alam sino pipigilan ko sakanilang dalawa
Habang nagpapalitan ng suntok sa isa't isa
"Tots! Justine! Ano ba tama na yan!" Sigaw ko sakanila ngunit tila wala silang naririnig
Naglabasan narin ang mga tao kela paps dahil sa eksenang nagagawa nilang dalawa
"Justine! Tots! Hindi ba kayo titigil?" Sigaw ni paps pagkalabas nito ng bahay nila
Pero parang walang naririnig yong dalawa patuloy lang sa pagbubunuan nila
Bumalik si paps sa loob ng bahay nila pero agad din naman bumalik
"Sinabing tumigil kayo eh!!!!" Pilit nyang Pinag-hiwalay yong dalawa
"Ayan tig-isa kayo mag-patayan kayo bahala kayo jan! Tutal ayaw nyo mag-paawat" sabi ni paps sabay bigay ng tig-isang kutsilyo kay Justine at Tots
Tila natigilan naman sila
"Hindi nyo na ako nirespeto! Kaarawan ko ngayon? Tapos ngayon nyo pa napiling mag-away? Hala sige magsaksakan kayo sa harap ko!!!" Sigaw ni paps sakanila
"Ano pang hinihintay nyo???" Pumitlag naman yong dalawa
"Sorry po paps" sabay nilang hinging paumanhin
"Susmaryosep tong mga batang ire! Kung may problema kayo! Pinag-uusapan iyan hindi dinadaan sa init ng ulo! Magkaibigan kayo eh!" Singit ni mama
Napansin ko naman na nakatulala lang si Deanna
Agad ko syang nilapitan at hinawakan ang kanang kamay nito
"Bakit sila away?" Tanong agad nito sakin
Hindi ko rin alam isasagot ko kasi hindi ko rin naman alam bakit sila nag-aaway
"Ano bang problema at nag-aaway kayo?" Tanong ni paps
Nasa loob na kami ng bahay ngayon, si Justine at Tots lang ang naka-upo sa mahabang sofa nila mama
Nakatayo lang kami sa harap nila, habang parehas silang nakayuko
"Mga pare bad mag-away" makapag-sabi ng bad mag-away sya din naman nanununtok?
Budoy ka talaga hehehe
"Sorry paps! Nadala lang ako ng emosyon" sabi ni Justine
"Ang tinatanong ko kung ano bang pinag-aawayan nyo?" Tanong ulit ni paps
"I'm protecting Deanna lang paps" sagot ulit ni Justine
Kumunot ang noo ni Tots
"Sakin?" Medjo iritado nyang sagot
"Kanino pa ba?" Singit ni Kaye
Napalingon kaming lahat sakanya
Natawa ng mapait si Tots
"Ano bang ginawa ko? Bakit kailangan nyong ipagtanggol si Deanna sakin?" Naiinis na tanong ni Tots
"Kasi traydor ka" kay Deanna naman kaming lahat napatingin
Ano bang nangyayari?
YOU ARE READING
Patiently
FanfictionHanggang kailan ka lalaban para sa taong mahal mo? Chasing The Stars Book 2