After ng proposal ni Deanna agad naming inasikaso ang kasal namin
Napagkasunduan na sa Thailand nalang kami mag-pakasal
Dahil dun lang naman ang malapit na bansa sa Asia sa Pinas na legal ang same sex marriage
Saka mura pa hehehe
6 months din ang tinagal ng preparation namin
Buti nalang nakakapag-opisina na din si Deanna
Kaya mas malaki na ang savings namin ngayon bukod sa sweldo ko sa pagvovolleyball
Kaya mas madali kaming nakapag-ipon para sa wedding namin
Isang simpleng garden ceremony lang ang venue ng kasal
Dun narin ang prenup at ang reception pagtapos ng kasal namin
Konti lang din ang inimbita namin mga close friends lang
Actually si ate Jia, Ced at Kyla lang ang abay ko syempre hindi mawawala si Mafe
Sya ang maid of onor ko
Kay Deanna naman eh, yong mga kumag nyang kaibigan
At si paps ang best man nya este maid of onor din pala hehehe
Ang mga ninong at ninang naman, lalayo pa ba? Syempre ang mga boss ko sa rebisco at coaching staff ng Creamline para malaki ang pakimkim di ba? Charr
Si ate Ly naman at kuya Kief ang main sponsor
Malaki kaya kinikita ng phenom couple di ba? Hahaha
Pero nauna pa kaming ikakasal ni Deanna kesa sakanila
Pero sana sumunod narin sila dahil matagal narin naman silang magkarelasyon at sure akong dun din ang tungo nila sa dambana
Tulad nang mangyayari samin ngayon ni Deanna
Sobrang excited na akong makita syang nakagown
Charrrrr ayaw pumayag ni gaga hahaha
Mangangati daw sya kaya pinag-bigyan ko na
Kasal naman namin to so kailangan maging kumportable sya at masaya
Yon naman ang goal naming dalawa maging masaya sa piling ng isa't isa
Napangiti ako ng makita ko ang reflection ko sa salamin
Inaayosan na ako ngayon ng isang bading na Thailander
"Your so beautiful" puri nya sakin
Nginitian ko lang sya at inalalayan nya akong tumayo sa kinauupuan ko
Tumungo ako sa isang maliit na kwarto para isuot na ang white gown ko
Simple lang ang design nito, off shoulders sya na hapit sa katawan ko
Nilagay nang beautician ang belo sa nakatali kong buhok naka-ikot ito sa likuran bahagi ng ulo ko
Agad kaming nagtungo sa pagdadausan ng wedding
Nakita ko na ang mga abay ko kaya kinuhanan na kami ng prenup pictures
Tapos na din daw sila Deanna, may solo picture na rin daw ito
After naman ng solo picture ko lumapit na sya sakin
Naiiyak pa si gaga akala mo nasa ceremony na kami
Ang guapo din nya sa all white suit nya, naka-pony tail ang blonde nyang buhok
YOU ARE READING
Patiently
FanfictionHanggang kailan ka lalaban para sa taong mahal mo? Chasing The Stars Book 2