Tahol ni milo ang sumalubong sakin pagbaba ko ng kotse ko
Agad ko syang kinarga
"Hello! Baby, sino kasama mo?" Tanong ko sakanya pero dilaan nya lang ang mukha ko
"Binabalik ko na sya, sayo" napalingon ako sa likuran ko
Nakangiting mukha ni Deanna ang bumungad sakin
Lumuwag ata garter ng panty ko nahulog eh hahaha joke lang
"Sus, para may dahilan ka na para dalawin ako?" Biro ko sakanya
Tila pinamulahan naman sya bigla rin itong yumuko
Gumaling nga si boyet tumorpe naman
"Wa.wa.wala ka ka.kasing kasama" utal na dahilan nya
Natawa ako at lumapit sakanya
"Hey! Ibalik mo nga si Miss Playgirl, nawawala eh"
"Jema kasi" sabay kamot ng ulo nya
"Mag-relax ka nga Deanna, ano bang problema at kinakabahan ka dyan?" Umiling naman sya
"Ano kasi, aayain sana kita? Kung pwede ka ba mamayang gabi" napangiti naman ako
"Date ba yan?" Nakangiti kong tanong sakanya
"No!!!!"
"I mean, Birthday kasi ni Jus, inaaya ka nya"
Nawala agad ang pagkakangiti ko sa labi ko
Kung makatanggi naman wagas!!! Eh di, hindi date!! Kainis
"Sama mo sila Ced at Kyla pala" sabi nya ulit
"Ok!" Walang ganang sagot ko sa kanya
"May sasabihin ka pa ba?" Umiling naman sya
"Pasok na ko! May gagawin pa kasi ako" sabi ko at tinalikuran na sya
"Jema" pigil nito sakin
"Ano!!!?" Napataas ang boses ko kaya napitlag sya
"Ah eh wala! Hintayin kita dun ah? Si.sige bye!" Sabay takbo palayo sakin
Napa-iling nalang ako
Mukhang ako talaga ang kailangan gumawa ng paraan para magkabalikan kami
---
Isang private resort ginanap ang Birthday party ni Justine
Madami pala syang bisita, may mga lalaki, babae at lesbian siguro may mga bi din dun sa ibang mga babae
Nakaupo lang ako dito sa gilid ng pool, inaasikaso kasi ni Justine yong iba nyang bisita
Hindi ko rin makita si Deanna or sila Tots
Si Kyla at Ced kasi hindi na nakasama may mga lakad daw sila
Kaya eto solo Flight ako, kung alam ko lang hindi na sana ako pumunta
"Hindi ka ba giniginaw?" Napatingala ako sa nagsalita
Naka two piece bikini kasi ako na floral pero nakapatong naman sa balikat ko yong tuwalya ko
Hindi ko sinagot yong lalaking nagtanong at binalik nalang ang atensyon ko sa phone ko
Hindi ko naman kasi sya kilala
"Ang ganda mo pa naman sana kaso ang sungit mo" tinaas ko sya ng kilay
"Excuse me?" Ngumiti naman ito
"Mas lalo ka palang gumaganda kapag nagtataray ka" tumayo ako at lalakad na sana nang hawakan nya ang braso ko
"Wait lang miss wag ka naman bastos kinakausap pa kita eh"
![](https://img.wattpad.com/cover/210935986-288-k263067.jpg)
YOU ARE READING
Patiently
FanfictionHanggang kailan ka lalaban para sa taong mahal mo? Chasing The Stars Book 2