Masaya ang unang tatlong buwan namin ni Deanna bilang mag-asawa
Parang lagi kaming nasa Honeymoon stage
Parang lagi naming miss ang isa't isa kahit araw-araw naman kami mag-kasama
Actually gabi lang talaga kami nag-kikita dahil may training ako sa umaga pag-balik ko nakapasok na sya sa opisina
Pero kapag weekend babe time namin yon kahit pa may games ako
Nanonood sya tapos magdedate kami pagkatapos ng games
Napangiti ako habang tinatapik tapik ang manibela
Pauwi na ako sa condo, kakatapos lang din ng games namin sa SJ Arena
Medjo pagabi narin
Gusto ko ng umuwi para makita si Deanna miss ko na talaga sya
Kahit kakakita ko lang kaninang umaga sakanya
Hindi kasi sya pwede ma-stress ngayon kaya hindi ko na sinama para manood ng games ko
Napatingin ako sa phone ko tumatawag sya
"Hello baby? Pauwi na ako" masiglang sagot ko sa tawag nya
"Gusto ko ng ice cream baby" sabi nya
"Sige dadaan ako ng convinience store, yon lang ba?"
"Yes baby, ingat ka ah? I love you"
"I love you too, baby" at binaba ko na ang tawag
Buti nalang may nakita agad akong 7/11 at nakabili agad ako
Teka hindi ko pala naitanong kung anong flavor kaya tinawagan ko ulit sya
"Baby, naka-bili na ako ng ice cream pero hindi ko alam anong flavor ang gusto mo, kaya binili ko nalang yong favorite mong butterscotch"
"Ayaw ko nyan baby"
"Eh anong gusto mo? Habang nandito pa ako?"
"Gusto ko yong spaghetti flavor" muntik pa ako mabilaukan kahit wala naman akong iniinom o kinakain
"Saan naman ako makakahanap nun?" Reklamo ko
"Basta yon ang gusto ko, wag kang uuwi haggat hindi ka nakakahanap nun" sabay binababaan nya ako
Napapadyak ako sa inis ko
Kung hindi lang sya buntis natadyakan ko sya pag-uwi ko
Buset sya pahirapan na ngang paki-usapan na sya muna magbuntis dahil nagtatrabaho pa ako at mag-iipon sa susunod naming baby
Halos umiiyak ako ng dugo pumayag lang sya
Tapos ngayong nag-lilihi sya papahirapan parin ako maghanap ng pinag-lilihihan nya?
Nakaka-inis
Hindi rin sya pwede mastress during ng pregnancy nya
Dahil may history sya ng depression baka magkaroon sya ng pre- blue baby o post partum disorder na nagsisimula sa pag-bubuntis hanggang manganak sya
Kaya todo bantay talaga kami sakanya
Sa bahay nalang din sya nag-tatrabaho monitoring nalang ang ginagawa nya
Nalibot ko na lahat ng convinience store pero wala parin akong makitang spaghetti flavor ng ice cream buset na yan
Kaya ang ginawa ko bumili ako ng vanilla flavor at tig-bebenteng spaghetti sa carinderia at pinaghalo ko nalang iyon
![](https://img.wattpad.com/cover/210935986-288-k263067.jpg)
YOU ARE READING
Patiently
FanfictionHanggang kailan ka lalaban para sa taong mahal mo? Chasing The Stars Book 2