Chapter 2

5K 171 45
                                    

"Jema!!!!!!" Napailing ako sa pagsigaw ni tots

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko nga ang dahilan ng pag-sigaw nya

Nakapasan si deanna sakanya at sinasabunutan ito

Natawa ako ginagawa syang kabayo ni deanna

"Langya jema!!! Wag kang tumawa jan pigilan mo tong anak mo!!!!" Reklamo nya

"Ayaw mo bang makitang masaya bestfriend mo?" Asar ko pa sakanya

"Ikaw yong nakikita kong masaya hindi sya!!!! Alisin mo na to ibabagsak ko to!!!" Sinamaan ko sya ng tingin

"Ang kj mo naman" sabi ko at inalalayan si deanna bumaba sakanya

"Teka!!!" Nagpupumiglas naman ito

"Lalaro pa kami eh" sabi ni deanna at ngumuso

"Sabi ko PSP laruin natin, hindi ko sinabing sumampa ka sakin" sabi ni tots na hawak ang kanyang likod

"Boring yong gusto mong laro, masaya yong napapawisan tayo" natawa ako dahil tila pinapangaralan pa ni deanna si tots

"Wag ako boyet hahaha" pinanglakihan ko ng mata si tots

"Hindi ako si boyet" napayakap ako kay deanna nung akmang lalapitan nito ang kanyang kaibigan

"Si budoy ako" bigla kaming naihit ng tawa sa tinuran ni deanna

"Tama! Kasi parehas kayong babaero" natatawang sabi ni tots

"Hindi naman sya babaero" sabi ni deanna

"Ano mahilig lang sa babae?" Tanong ko

"Hindi din" sagot nyang umiiling pa

Tinignan naman namin sya ng deretso  ni tots

"Mahilig lang sya sa shampoo" sabi nya sabay tumawa ng nakakaloko

Nagtinginan kami ni tots at napangitin ngayon nalang ulit tumawa ng ganyan si deanna

"Eh ikaw anong hilig mo?" Tila nag-isip pa si deanna sa tanong ni tots sakanya

"Talaba masarap yon eh!" Binatukan ko si tots sa sagot ni deanna tawa pa ng tawa ang gaga eh

"Naku tama na nga yan! Kung ano-ano talaga pinag-tuturo mo tots dito kay deanna" sabi ko at pinaupo si deanna sa couch agad ko rin syang tinabihan

"Hindi ko yon tinuro ah? Matagal nya nang alam yon" depensa ni tots sa sarili nya, inirapan ko lang sya

"Totoo naman eh lahat naman talaga  ng babaeng nakakama nya yon ang tawag nya sa mga an...."napakamot si tots sa ulo nya ng tignan ko sya ng masama

Tumingin naman ito sa phone nya ng umilaw ito

"Nanjan na daw sila justine" agad naman ako tumayo para sabihin sa front desk ng building na papasukin sila

"Wow nag-abala pa kayo" sabi ko nang iabot ni justine ang dala nyang cake sakin

"Wala yon! Favorite ni deanna yan eh! Talaba cake hahaha" buset isa pa to si justine

Hindi ko nalang sya pinansin at nagtango nalang ng kusina para ihanda ang dala nila

Nilalapag ko na ang mga platito nang maramdaman kong yumukap si deanna sa likod ko

"Love" tawag nya sakin nakapatong narin ang ulo nito sa balikat ko

Tinignan ko sya

"Pag-slice mo naman ako ng cake" sabi nya ulit

"Oo! Heto na" sabi ko at nag-slice ng cake napansin ko rin tumingin si deanna sa likod nya

"Para matikman ko naman ang hiwa mo" muntik ko nang mabitawan yong platitong hawak ko

"Boooom" naka boom pose pa ang mga kumag na kaibigan ni deanna

"Wala parin kupas si miss playgirl" natatawang wika ni justine

"Sabi nila sabihin ko yon sayo!" Sumbong ni deanna sakin

"Kasi sinasabi mo yon sa lahat ng babaeng type mo" sabi naman ni kaye

"Wala akong ibang type si jema lang type ko!!! Baka maniwala sya sainyo at iwan nya ko!!!!!" Naalarma ako sa pagtaas ng boses ni deanna

"Sshhhhh baby! Binibiro ka lang nila" pag-aalo ko sakanya

Tumulo ang luha nya

"Baka iwan mo ko eh! Baka iwan mo ko! Hindi kita niloloko love ah?" Tumango ako

"Bro! Joke lang yon si jema lang nag-iisang babae mo! Hindi ka nya iiwan" inirapan lang ni deanna si justine at yumakap sakin

"Jema! Wag mo ko iwan ah?" Patuloy parin sya sa pag-iyak

"Hindi! Promise baby dito lang ako" hinaplos ko ng paulit-ulit ang likod nya

-----

"Jema! Sorry ah? Nakalimutan kong masyado na nga palang sensitive si deanna" hinging paumanhin ni kaye

Tumango lang ako at umupo sa couch katabi nila

Napatulog ko narin si deanna

"Hindi ka ba napapagod jema?" Tinignan ko si tots

"Alam naman natin hindi na babalik si deanna sa dati! Hindi na sya gagaling yong mga gamot nya is cure nalang para mapigilan ang tuluyang pagkasira ng ulo nya! Bakit nagtatyaga ka pa? Pwede mo naman na sya ibalik kela paps" yumuko ako hindi ko alam isasagot sa tanong nya

Alam ko napapagod na ako pero gumagaan din naman dahil kay deanna

"Grabe no? Isang taon lang! Ganun kabilis tinunaw ng drugs ang utak ni deanna" sabi ni kaye

"Dalawa hanggang tatlong klasing drugs daw kase ang tinitake ni deanna kada araw, tapos nung sinubukan nya iapat dun na sya na over dose. Buti nalang nakita sya ng isang bartender ko kaya natakbo pa namin sya sa hospital" malungkot na wika ni justine

"Bakit kasi hindi natin napansin may iba na sakanya eh! Akala namin pumayat lang sya dahil dinadamdam nya yong pag-iwan mo sakanya jema! Ang tanga namin! Pakiramdam ko wala akong kwentang kaibigan!" Pinalo pa ni kaye ang arm rest ng couch

"Tapos na yon! Ang magagawa nalang natin ay magtulungan para iparamdam kay deanna na hindi na sya mag-iisa na nandito na tayo para sakanya" tumango sila sa sinabi ko

"Jema, salamat sa walang sawang pasensya sa kaibigan namin. Sana wag kang mapagod" ngumiti ako kay tots

"Mahal na mahal ko ang bestfriend mo hinding hindi ako mapapagod sakanya. Pero sana lumaban din sya kasi sakanya lang din ako kumukuha ng lakas para kayanin ko pa" agad akong niyakap ni tots nang tumulo ang luha ko

"Tutulungan ka namin jema! Wag ka ng maalala ah?" Humigpit ang yakap ko sakanya

Sana nga tulungan din ni deanna ang sarili nya

PatientlyWhere stories live. Discover now