Nagising akong wala na namang akong saplot ni isa
Nakakainis na tong si Deanna simula ng gabing may nangyari na muli samin
Hindi na nya ako tinigilan halos inaraw-araw at ginabi-gabi nya na ako
Ayaw pang pumayag ng 1 round lang o 2 rounds gusto 4 to 5 rounds talaga
Kaya minsan nakakatulugan ko nalang sya dahil sa pagod ko
At paggising ko ng umaga masakit ang katawan ko katulad ngayon
Langyang boyet to mukhang namiss nya ang ginagawa nya noon babaero pa sya
Kaya imbis na makapag-exercise pa kami dahil bilin ng Doctor nya
Hindi na natutuloy kasi mahimbing ang tulog nito dahil sexercise na ang ginagawa namin hahaha charrr
Teka nasaan na pala yong budoy na yon? Bakit wala na akong katabi?
Tinignan ko ang orasan sa night stand malapit sa kama ko
Nanglaki ang mata ko 11 am na? Ganun ako kapagod dahil sobrang napahaba ang tulog ko
Langya ka talag Deanna buti nalang wala kaming training ngayon
Lumabas ako ng kwarto pagkatapos kong maligo
Napangiti ako nang makita ko si Deanna at si Justine na sumasayaw habang nanonood ng Cocomelon
Hahaha langya ginagaya nila yong mga babing sumasayaw
Nailing ako kung hindi ko alam na si Tots ang bestfriend ni Deanna
Masasabi ko talagang si Justine yon
Kasi sobrang daming similarities nila eh
Parehas makulit, parehas kangkarot, parehos kalog, parehas kengkoy at higit sa lahat parehas na babaero
Hindi ko nakikita yong bonding ni Deanna at Tots ng ganyan
Para bang may wall sa gitna ni Deanna para sa bestfriend nya
Hindi ko alam kung ako lang ba nakakapansin nun
Pero may kakaiba talaga sa pakikitungo ni Deanna sakanya
"Five little monkeys jumping on the bed, hikhik aahhhhihihi" tawang tawa si Deanna
Yong unggoy na pala yong ginagaya nila
"One fell off and bumped his head
Mama called the doctor
And the doctor said
No more monkeys jumping on the bed" sabay na sila ni Justine habang tumatalon pa"Baby pawis ka na naman" agad akong lumapit sakanya
"Nagpapalakas ako para maya hindi ako pagod sa sexercise natin" nabatukan ko sya sagot nya sakin
Agad naman syang lumabi sakin habang si justine tawa ng tawa
"Hahaha very good wongskie" malamang itong Justine to nagturo kay budoy eh
"Chee! Dyan na nga muna kayong magkaibigan at mag-luluto lang ako ng pananghalian at tanghali na" akma naman na ako tutungo ng kusina ng pigilan ako ni justine
"Wait lang Jema pwede ko bang hiramin si Deanna?" Sabi nyang nakahawak sa braso ko
"Jus, naman alam mo yong kundisyon ni Deanna magwawala yan kapag hindi ako nakikita"
"Kaya nga susunod ka eh! Hindi naman yan iiyak basta alam nyang kasama ka kahit pa nauna na kami" parang ayoko parin pumayag
"Ano ba kasing meron at kailangan pang kasama si Deanna?" Tila nag-isip naman sya
YOU ARE READING
Patiently
FanfictionHanggang kailan ka lalaban para sa taong mahal mo? Chasing The Stars Book 2