Chapter 13

4.3K 181 66
                                    

Ang tagal naman ata ni Deanna sa banyo? Naihanda ko na susuotin nya

Halos kalahating oras na sya sa cr pero hindi parin sya lumalabas

Hindi naman sya matagal maligo kaya kinatok ko na sya

"Baby! Matagal pa ba yan?" Sigaw ko sa labas ng pinto ng banyo

"Wait lang! Tae pa ako" kaya naman pala matagal hehehe

"Nasa bed na yong damit mo ah? Lalabas na ako ng kwarto! Bilisan mo na" huling bilin ko bago ko sya nilisan

Hinahanda ko na ang food at water ni milo para hindi sya magutom habang wala kami

"Jema!" Nilingon ko sya

"Bakit hindi ka pa nakabihis?" Tanong ko sakanya naka t-shirt at cycling parin kasi ito

"Ayoko sama! Uwi nalang ako samin" nakanguso nyang sagot sakin

"Deanna!"

"Galit sakin si nanay mo! Aaway nya lang ako dun eh! Dito nalang ako! Sama ko nalang si milo" napabuga ako ng hangin

"Matagal ako dun? Hindi ka ba iiyak? Baka hanapin mo ko?" Umiling naman sya

"Galing na ako eh" sabay ngiti nito

Nilapitan ko sya at hinawakan ang mga kamay nito

"Sumama ka na bb! Mag-aalala lang ako dito eh! Saka family gathering yon celebration ni Mafe. Hindi pweding wala ka dun" pamimilit ko sakanya

Yumuko naman ito

"Aaway ako nanay eh!" Inangat ko mukha nya para makaharap muli ako

"Ganto nalang, promise kapag inaway ka ni nanay uuwi na tayo agad!" Tila nag-isip naman sya

"Saka kita mo suot ko? Bahala ka kapag marami tumingin sakin dun" sabi ko sabay ayos ng red fitted dress ko na lagpas hita lang

Pinasadahan naman nya ko ng tingin mula ulo hanggang paa

"Eh di mag-palit ka! Mag pants ka saka jacket"

"Deanna naman!!" Nakanguso kong reklamo sakanya

"Bahala ka kung ayaw mong sumama! Basta hindi ako magpapalit! Baka nakakalimutan mo may kasalanan ka pa sakin kanina" sabay talikod sakanya at kinuha ang hand bag ko

"Wag kang basta-basta magbubukas ng pinto kapag may kumatok ah? Silipin mo muna" bilin ko sakanya

Lalabas na sana ako nang pigilan nya ako

"Sama na ako! Baka bastos ka dun eh" umismid ako

Sasama din pala ang dami pang arte

--

Tahimik lang si Deanna buong biyahe mukha kinakabahan at natatakot talaga

Hinawakan ko kamay nya para iparating sakanya na nandito lang ako

Inayos ko muna ang polo-shirt nya bago kami pumasok sa restaurant

Kung nasaan nandun sila nanay

Halos nakatago naman si Deanna sa likod ko at sobrang higpit ang pagkakahawak sa kamay ko

Ramdam na ramdam ko rin ang pawis nya roon

"Relax baby" bulong ko sakanya

"Takot ako nanay eh" sagot nya sa nanginginig na boses

"Nandito lang ako! Hindi naman kita iiwan kaya wag ka ng mag-alala" lumabi lang sya

"Ate, ang tagal nyo naman akala namin hindi na kayo dadating eh" salubong ni Mafe samin

"Ito kasing ate Deanna mo tinopak na naman" bulong ko sakanya sa pagitan ng beso namin

Natawa naman sya at nilipat ang sarili kay Deanna para yakapin ito

"Co.congrats" kinakabahang wika ni Deanna

"Hahaha relax lang ate Deanna! Ako lang to oh? Hahaha Thank you" sabi ni Mafe sabay tap sa balikat ni Deanna

Lumapit na kami sa table na nakalaan para samin

Agad akong nagmanong kay nanay at tatay tapos niyakap ko naman si ate Jovy

Nakayuko lang si Deanna sa likuran ko

"Manong ka na bb" bulong ko sakanya

Nakatingin narin sakanya sila tatay lalo na si nanay

Napalunok sya at unting-unti lumapit kay nanay

Agad naman inabot ni nanay ang likod ng palad nya rito

Pero nagulat kami imbis na magmanong si Deanna

Niyakap nya ng mahigpit si nanay kitang kita ko ang gulat sa mukha nito

"Sorry po nay! Kasi baliw ako! Mag-papagaling na po ako! Promise, para po hinid na kayo galit sakin" biglang tumulo ang luha ko

"Sorry din po kasi! Loko ko si Jema dati! Hindi ko na po ulitin, sorry po talaga nanay! Kasi saktan ko po anak nyo tapos bigat pa ko sakanya ngayon" Hinaplos ni nanay ang likod ni Deanna

Kasabay ng pagpunas ko ng mga luha ko

"Sorry din anak!" Lalo naman bumuhos ang luha ko sa pagtawag ni nanay ng anak kay Deanna

"Ako yong may maluwag na pag-iisip ngunit ako pa yong hindi nakaka-intindi sa mga pinag-dadaanan mo, kaya patawarin mo ako anak" sabi ni nanay na pinupunasan na ang luha ni Deanna

"Napatawad na kita! Sa lahat ng kasalanan mo sa anak ko! Kasi kitang kita ko naman kung gaano kasaya ang anak ko sayo. Hindi ko sya nakikitaan ng pagod sa lahat ng pinag-dadaanan nyo. Dahil mag-kasama nyo itong hinaharap, kaya ako ang patawarin mo anak sa pang-huhusga ko sayo"

"Naintindihan ko po nanay! Di po ako galit sainyo" sabi ni Deanna

Ngumiti si nanay at hinalikan sa pisngi si Deanna

"Salamat anak" niyakap syang muli ni Deanna

"Ang drama naman! Celebration to hindi naman teleserye" natawa kami sa pag-singit ni Mafe

Itong talagang kapatid ko laging panira ng moment eh!

Yakap din ang sinalubong ni tatay at ate Jovy kay Deanna

Naging masaya ang kwentuhan namin sa gitna ng hapunan

Tuwang tuwa sila sa mga banat ni Deanna kahit pa hindi naman talaga nya sinasadya

Natutuwa sila sa sobrang kakulitan at kacute-tan nito

"Jema! Samahan mo muna ako mag-banyo, may sasabihin rin ako sayo" tila kinabahan naman ako sa pag-aya sakin ni nanay

Akala ko ba ayos na? Nag-paalam lang ako kay Deanna bago sumunod kay nanay

"Ano po yon nay?" Kinakabahan kong tanong nung nasa loob na kami ng cr

"Relax ka nga! Ibibigay ko lang to sayo" sabay abot ng isang calling card

Kunot noo ko naman yong inabot

"Isang NGO yan na tumutulong mga katulad ni Deanna malaki ang chance na makahanap sya ng trabaho angkop sa kakayahan nya kung ipapasok mo sya dyan" tila naluluha na naman ako

Agad kong niyakap si nanay at umagos na ang luha ko sa mga mata ko

"Thank you nay, sa pag-intindi at pagtulong samin" hinaplos lang ni nanay ang likuran ko ng paulit-ulit

PatientlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon