Chapter 14

4.5K 164 41
                                    

Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko habang pinag-mamasdan si Deanna

Masaya syang nakikipag-cooperate sa guro nya at sa ibang nitong kaklase

Pinasok ko sya dun sa binigay ni nanay na NGO para sa mga katulad ni Deanna

Para lang syang tesda, sila yong mag-hahanap ng trabaho once na maipasa ng mga studyante nila yong course na kinuha nito

Dahil photography naman ang dating course ni Deanna at mahilig naman din syang magdrawing graphic arts nalang pinakuha ko sakanya

Sabi nga ni nanay malaking factor na tanggap ni Deanna na may sakit ito

Dahil mas madaling natatanggap ni Deanna may pagkukulang na sya at kailangan ng tulungan upang mapunan iyon

Ang laki narin ng improvement na makikita mo sakanya

Unti-unti na syang bumabalik sa sarili nya pero sabi nga ng Doctor nito

Hindi na 100% na babalik sya sa dati kasi nga nalusaw na ang utak nya

Hindi na babalik yong dati nyang pag-iisip at pag-sasalita magiging parang bata nalang talaga sya

Pero ang tanging mababalik lang eh yong activities na magagawa nya para magpatuloy sa buhay na parang normal na tao nalang

Tanggap ko naman na ang sitwasyon ni Deanna at hindi ako mapapagod na alagaan sya kahit pa habang buhay

"Hindi mo pa nasasabi kay Deanna na mag-oout of the country tayo no?" Napahawak ako sa dibdib ko sa pagkagulat ko kay Ced, bigla-bigla nalang sumasulpot

"Ano ba Ced nakakagulat ka naman" napalo ko pa sya sa braso nya

"Ang lalim kasi ng iniisip mo ate Jema, hindi mo tuloy napansin na may dumating na anghel sayong tabi" natawa nalang ako sa sinabi nya

"Hindi ko nga alam paano ko sasabihin sakanya na iiwan ko muna sya kela paps ng two weeks eh! Baka kasi mag-wala yan" kailangan kasi namin mag training sa thailand bago mag-start ang PVL

"Sa una lang naman siguro yan! Hindi naman sya pwede sumama sayo" napabuntong hininga nalang ako

Na-alala ko kasi nung nagzambales kami 3 days lang kami dun pero halos mamatay na si Deanna kakaiyak

Nung inuwi ko sya sakanila sobrang nag-alala ako sakanya nun, hindi ako makapag-fucos sa traning lalo pa kapag tumatawag ako sakanila umiiyak sya at pinapauwi ako

Kaya nahihirapan ako bumwelo ngayon para sabihin sakanya na mawawala ako ng 2 weeks at pupunta ng thailand

"Gusto mo ba tulungan ka namin magsabi sakanya? Isusurprise natin sya?" Tumaas kilay ko sakanya

Sasabihin lang na aalis ako for 2 weeks isusurprise pa?

"Sasabihin mo lang naman surprise iiwan ka na ni Jema hahaha" buset talaga tong si Ced eh

"Sino iwan mo Jema?" Gulat kaming napalingon sakanya

Tila pinag-pawisan ata ako hindi ko alam sasabihin ko kay Deanna

"Ako! Ako iiwan ni ate Jema, kasi kakaen na kayo! Sige na bye" sabay tulak sakin ni Ced palapit kay Deanna

"Gutom ka na ba? Tapos na ba klase mo?" Tanong ko sabay hawak sa kamay nito

"Hmmm kain na tayo! Gusto ko jollibee" excited nyang sabi

"Wag dun nag-hihiwalay mag-jojowa dun" kumunot naman noo nya hahaha

Kinurot ko ang ilong nito at hinila nalang sya palayo sa building kong saan sya nag-aaral

Kumain nalang kami sa ramen nagi nag-crave kasi sya bigla ng noodles

"Jema! Tignan mo cute ng baby" sabi ni Deanna sabay bitaw sa kamay ko at tumakbo papuntang kung saan yong babing tinuturo nya

"Teka lang Deanna! Baka mawala ka na naman!" Sigaw at habol ko sakanya

Tila nagulat naman yong babae may hawak dun sa bata kay Deanna na hawak na ang kamay ng baby nito

"Miss sorry po" hinging paumanhin ko paglapit ko sakanila

"Jema?" Lalo naman syang nagulat pagkakita sakin

"Pwede papicture? Idol ko po kayo" ngumiti naman ako

"Ako dala baby" singit naman ni Deanna na halos inaagaw na yong baby sa nanay nito

"Tama na yan Deanna! Hindi ka naman marunong humawak eh! Baka mahulog yan masasaktan!" Pigil ko sakanya

"Ok lang po ma'am aalalayan ko nalang po" sabi ni ate at binigay kay Deanna ang baby ng dahan-dahan

Tuwang tuwa naman si kumag, agad ko naman syang inalalayan sa pag-hawak nito

"Ang cute nyo po! Pwede picture-ran ko kayo?" Nakangiting sabi ni ate

Tumango naman ako at mas nilapit pa ang sarili kay Deanna at sa baby hawak nito

"Wow ang cute! Parang kayo na yong parents ng baby ko" tuwang tuwa sabi ulit ni ate pagkatapos nya kaming kuhanan ng picture

"Amin nalang to?" Natawa kami ni ate kay Deanna

Langya to si boyet parang nanghihingi lang ng aso

Mukha mahilig talaga sya sa baby

--

"Jema! Gusto ko ng baby!" Kanina pa nya ko kinukulit sa kotse palang

Hanggang ngayong naka-uwi na kami yan parin bukang bibig nya

"Deans saan tayo kukuha ng baby?" Naiirita kong sagot sakanya

"Meron na tayong baby eh! Binalik mo lang dun sa babae!!!"

"Hindi naman satin yon! Anak nya yon Deanna!" Natahimik naman sya

"Eh di gumawa nalang tayo!" Biglang nagbago ang expression ng mukha nya

Yong kaninang nakakunot ang noo nakangisi na ng nakakaloko ngayon

"Alam ko yan iniisip mo! Hindi tayo makakagawa ng baby dun" sabay irap ko sakanya

"Eh paano ba tayo mag-kakababy?" Nagsasalubong na ulit ang mga kilay nito

"Gusto mo talaga mag-kababy?" Ilang beses naman itong tumango

"Sige mag-baby tayo basta ikaw magdadala" nakangiti kong wika sakanya

"Ako mag-kakarga? Sige! Sige" excited nyang sabi

Natawa naman ako niliteral naman ni budoy

"Ikaw magbubuntis" bigla naman sumeryoso mukha nya

"Ayaw!!!" Natawa na naman ako

"Tapos ngayon ayaw mo? Ang gulo mo kausap"

Tinalikuran ko na sya

"Paano ba ako buntis?" Hinarap ko ulit sya

"Trought IVF, ilalagay sa tummy mo yong punla ng egg cell ko at sperm cell ng donor! Biologically ako ang nanay nya, tapos ikaw naman surrogate mother nya, dahil ikaw ang nag-dala at nagpanganak sakanya" paliwanag ko, nakikinag naman ito

"And then pagkatapos mo ako naman magdadala ng baby mo! Para parehas tayong may anak sa isa't isa di ba?"

Kitang kita ko ang pagkalito sa mga mata nya

"Sino tatay ng mga baby natin?" Nabigla ako sa tanong nya

Hindi ko alam isasagot ko! Napa-isip tuloy ako

Kung ngayon palang hindi ko maipaliwanag ng maayos kay Deanna

Paano pa kaya kung yong magiging mga anak na namin ang magtatanong sakin?

"Yaan mo na nga yon! Gawa nalang tayo baby!" Sabi ni Deanna sabay kabig sa batok ko at siil ng halik sa labi ko

PatientlyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz