Dahan kong pinihit ang door knob ng pinto ng unit ko
Napasandal ako roon pag-sara ko palang nito
Agad akong sinalubong ni milo kinakagat nya ang sintas ng sapatos ko
Lagi nya to ginagawa lalo na kay Deanna kapag dumadating kami
Lumuhod ako at kinarga si milo, agad nya akong hinalikan
Pinabalik sya sakin ni Deanna, dinala sya dito ni Justine
Sabi daw kasi ni Deanna wala daw akong kasama dito baka daw malungkot ako
Baka daw walang mag-comfort sakin kapag malungkot ako kaya binalik nya sakin si milo
Kahit pa mas kailangan nya si milo pero ako parin ang inalala nya
Hanggang sa huli ako parin ang ina-alala nya
Kahit pa iniwan ko na sya
"Bad si mama milo, pinabayaan ko si dada mo! Pinabayaan ko syang pag-daanan ang lahat ng sakit ng mag-isa" niyakap ko ng mahigpit si milo kasabay ng pagtulo ng mga luha ko
"Ako yong may malawak na pag-iisip pero ako yong unang sumuko para saming dalawa! Mahal na mahal ko sya milo, pero nagpatalo ako sa lahat ng tanong sa isip ko! Binaliwala ko lahat ng pag-hihirap namin na mag-kasama! Sinayang ko lahat ng mga pangarap namin"
Miss na miss ko na sya! Gustuhin ko man syang kunin ulit pero nahihiya na ako kela mama
Alam ko kahit hindi nila sabihin alam ko nadissapoint sila sakin
Hindi ko naman sila masisisi kasi nagpatalo ako sa mga emosyon ko
Nagpatalo ako sa mga what if's ko na wala naman kasiguraduhan
Sa mga pagdududa kong hindi ko naman alam kung totoo
Sana puso ko nalang sinunod ko at hindi ang dinidikta ng utak ko
Sana masaya pa kami ngayon ni Deanna imbis na nagdudusa
Sana kasama ko parin sya ngayon kesa nahihirapan sya ng mag-isa
Pero wala na eh! Hindi ko na mababalik ang lahat ng puro sana lang
Siguro nakadadag din talaga sa desisyon ko tuluyang iwan si Deanna
Yong pangarap ko makalaro sa ibang bansa
Kinuha kami ni ate Ly maging import sa Vietnam
Hindi lang ako maka-oo kasi ina-alala ko pa si Deanna
Pero nung nag-desisyon akong iwan sya agad ko iyon tinanggap
Pero si ate Ly tinanggihan nya kasi mas kailangan daw sya ng Team ngayon
Tatapusin ko lang ang isang Conference tapos lilipad na ako pa-Vietnam
Pero nag-dadalawang isip na ulit ako ngayon dahil mas kailangan ako ni Deanna
Hindi ko na ata kayang iwan sya sa ganong sitwasyon
May suicidal thoughts na sya yon ang pinaka worst na level ng depression
Kapag naiisipan mo ng mag-pakamatay kasi akala mo iniwan ka na ng lahat
Pero yong dahilan ni Deanna gusto na nya mawala kasi ayaw nya ng maging pabigat samin
Nahihirap na sya sa sitwasyon nya dahil pinabayaan ko lang syang mag-isa
Nahihirap syang tanggapin na nasasaktan si mama dahil sakanya
Mas pipiliin nya nalang mawala kesa makita kaming nahihirapan dahil sakanya
Kami parin ang ina-alala nya higit sa sarili nya
![](https://img.wattpad.com/cover/210935986-288-k263067.jpg)
YOU ARE READING
Patiently
FanfictionHanggang kailan ka lalaban para sa taong mahal mo? Chasing The Stars Book 2