Chapter 4

4.3K 172 36
                                    

Pinagmamasdan ko lang si Deanna habang naka-upo sa bench at nilalaro si milo

Maaga syang nagising dahil excited ata, araw kasi ng pagpunta namin kela paps ngayon

Kaya isinama ko nalang ito sa training magwawala lang yan kapag iniwan kong gising sya

"Jema, game na" sigaw ni ate ly, tumango naman ako at tumungo na sa gitna ng court

"Mukha gagalingan ni Jemalyn nanonood ang inspiration eh" tukso sakin ni ate Jia

"Ano ka ba ate tune up lang naman to" againts ateneo

Lagi nalang namin sila nakaka-tune up lalo na kapag nag-uumpisa na ang UAAP

Napaismid ako ng makita ko si Vanie sa kabilang court

Naalala ko pa nung sinabi ni Deanna sakin na isa ito sa naka-one night stand nya

Hindi ko napigilan ang sarili ko at nafacial ko sya

Isang taon narin pala ang nakakalipas pero kumukulo parin dugo ko sakanya tapos iba parin sya makatingin kay Deanna ngayon!!

"Jema! Focus easyhan mo lang hahaha" tap sakin ni kyla, inirapan ko lang sya

Natapos ang 2 set na syempre panalo kami pero in fairness din sa ateneo lumalaban sila

"Ang cute parin talaga nung jowa ni ate Jema kahit may sira na sa ulo" rinig kong sabi ng babae sa labas ng cubicle kung saan ako naroroon

"Sayang nga sya eh! Galing pa naman nun" sabi nung pamilyar na boses na tumatawa pa

"Naku girl kahit gaano pa sya kagaling at kacute kung pabigat naman naku! Iiwan ko talaga, bakit ako mag-tatyaga kung wala naman pakinabang sakin" tila tatlo ata yong mga babaeng pinag-uusapan ang girlfriend ko iba-iba kasi ang boses eh

Dahan dahan kong pinihit pabukas ang pinto ng cubicle

Tila binuhasan naman ang mga ito ng malamig na tubig nang makita nila anh reflection ko sa salamin

Yumuko si Vanie, gumilid naman si Faith at Dani

Ngumiti ako sa mga ito at lumapit sa sink kung nasaan sila naroroon

Naghugas ako ng kamay, nakatingin lang sila na tila may gustong sabihin ngunit nag-aalinlangan lang

Pagkatapos kong patuyuin ang mga kamay ko ngumiti akong muli sakanila bago lumabas ng banyo

Umikot ang mga mata ko pagkalabas ko palang ng CR

Nakakainis! Alam nyo yon? Hindi baliw si Deanna pero ganun nalang tingin sakanya ng mga taong nasasalamuha namin

Oo tahimik na sya, madalas nagwawala ito bigla-bigla lalo na kapag hindi ako nakikita pero hindi yon sapat na dahilan para sabihin nilang baliw na sya!!!!!

"Jema!!!" Sigaw ni kyla, pagkakita nya sakin

"Bilisan mo!!! Si Deanna umiiyak hinahanap ka! Bakit ba kasi ang tagal mo" patakbo nya akong hinila

Malayo palang ako naririnig ko na ang pag-ngawa ni Deanna

Parang bata naman syang inaalo ng mga team mates ko

"Jema!!!!!" Agad itong tumakbo palapit sakin

"Akala ko iniwan mo ako eh!!!! Akala ko iniwan mo ko!!!" Sabay akap sakin

"Tahan na baby! Nag-cr lang ako" hinahaplos ko na ang buong likod nya

"Wag mo ko iwan!!!"

"Hindi nga! Promise!" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at pinunasan ang luha nito

"Sabi nila iiwan mo na ako kasi baliw ako eh" tumulo ulit luha nya

"Sino naman nag-sabi sayo nyan?" Naiinis kong tanong

"Narinig nya lang sa piligid Ate Jema" si Ced ang sumagot

Heto talaga ang ayaw ko kapag nilalabas ko si Deanna eh yong nakakarinig sya ng mga negative thoughts about sakanya

Na lalong nagpapalala ng sitwasyon nya

"Hindi ako baliw Love ah? Wag mo ko iiwan!!! Iinom ko na lahat gamot ko, para galing na ako! Wag mo na ko iwan!!!" Sabi nya sa pagitan ng mga hikbi nya

"Tama na baby! Hindi naman kita iiwan eh! Wag mo ng pansinin mga bad people lang sila! Ako lang paniwalaan mo ah?" Tumango naman ito

"Uwi na tayo!!! Uwi na tayo" ako naman ang tumango sakanya

Nagpaalam nalang ako sa mga teammates ko na mauuna na kami

---

Palipat-lipat ang tingin ko sa daan at kay Deanna na nakatulog na sa pagod dahil sa kakaiyak

Tiyak makakalimutan din naman nya yong mga nangyari sakanya kanina lalo na makikita na nito sila paps

Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela

Hindi ko na alam gagawin ko! Regular naman kami nag-papacheck up at regular din ang gamot nya

Pero bakit parang ganun parin sya? Oo hindi na sya gagaling dahil lusaw na utak nya pero sana naman kahit konti bigyan naman ako ng pag-asa na babalik sya sa sarili nya

Kasi napapagod na ako! Hindi ko alam kung kakayanin ko pa

May nag-suggest din sakin na iconfine na sya sa mental hospital pero ayoko dahil hindi naman sya baliw!

Hindi naman sya nananakit at hindi naman kami nakakaabala sa iba kaya hindi talaga akong naniniwalang baliw si Deanna

Hinawakan ko ang kamay nya, bigla rin nag-unahan ang mga luhang sa aking mga mata

"Lumaban ka naman Love! Wag ka naman magpatalo, bigyan mo naman ako ng pag-asa! Kasi hindi ko na alam kong makakaya ko pa eh! Ayokong mawala ka sakin, kaya please tulungan mo naman sarili mo" humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay nya

Patuloy parin sa paglandas ang mga luha ko sa pisngi ko

Napapagod na ata ako

PatientlyWhere stories live. Discover now