Chapter 8

4.5K 162 105
                                    

Tawa ng tawa si Deanna habang hinahabol si milo

Tahimik ko lang silang pinag-mamasdan habang nakaupo sa isang mahabang upuan dito sa labas ng UPTC

Paikot-ikot si Deanna at milo sa isang malaking puno dito sa mini park sa labas ng mall

Napangiti ako, kagabi lang walang syang tigil sa pag-iyak dahil sa narinig nya ang pag-uusap namin ni nanay

Pero ngayon sobrang saya na naman nya na tila ba walang nangyari

Sana lahat katulad nalang ni Deanna madaling nakakalimutan ang problema

Sana lahat katulad nya na pagkatapos umiyak makakatawa na parang wala ng bukas

Yumuko ako habang nakangiti ng mapait sa aking mga labi

"Bulaga!!!"

"Ayyyyy puke mo!!! Buset ka talaga Tots!!!!" Nabatukan ko tuloy ito hilig kasi manggulat eh

"Hahahahahaha" gagong to tinawanan lang ako kaya inirapan ko nalang sya

"Sorry na madam ito naman pikon" napatingin ako sakanya tila pamilyar yong tawag nya sakin

"Bakit?" Umiling ako at mabilis na nilipat ang paningin kay Deanna at milo na naghahabulan parin

Namimiss ko ng tawagin ako ni Deanna ng ma'am at madam kapag bumabanat sya

Napatingin din ako sa isang lalaking nag-abot ng rose sa babaeng katabi nya siguro magkasintahan sila

Napangiti ako ng mapait hindi na pala ako na nakakatanggap ng bulaklak

Syempre alam ng lahat na may karelasyon na ako

Alangan naman tumanggap pa ako ng regalo galing sa iba?

Namimiss ko na ata maging babaeng nililigawan

Namimiss ko na atang kiligin sa mga simpleng paandar ng taong gusto ko

Kaya lang mukhang malabo na ata manyari yon dahil sa sitwasyon ngayon ni Deanna

"Jema! Ok ka lang ba?" Hinawakan ni Tots ang balikat ko

Tinignan ko lang sya

"Sabi ko naman sayo, kapag may gumugulo sa utak mo! Nandito lang ako handa ako makinig Jema"

Tila may butil ata ng tubig ang gustong kumawala sa aking mga mata

Pinilig ko ang ulo ko upang pigilan ito at dahan dahang yumuko

Naramdaman ko ang palad ni Tots sa likuran ko, masuyo nya lang itong hinahaplos

"Sige lang Jema iiyak mo lang yan! Ilabas mo lang lahat yan" napangiti ako at hinarap sya agad din nyang pinunasan ang luha ko

"Minsan naiisip ko na, maging si Deanna nalang din" nagulat naman sya sa sinabi ko

"Kita mo sya oh! Parang walang problema! Kahit pa sobrang bigat ng pinag-dadaanan nya pero nakakatawa parin sya" sabi ko na kay Deanna na nakatingin ngayon

"Sira! Syempre magaling kang nurse eh! Mabilis lang nakakalimutan ni Deanna ang lahat dahil alam nyang nandyan ka para sakanya. Sino pa pag-kukunan nya ng lakas kung pati ikaw magpapatalo?" Bumalik ang tingin ko kay Tots

"Nandito lang kami Jema tutulungan ka namin! Wag kang mahihiyang lumapit kapag nahihirapan kana. Kasi ikaw nalang yong source ng lakas ni Deanna eh! Paano na sya kung pati ikaw hindi lalaban? Saka hindi bagay sayo hahaha ang ganda ganda mo tapos mababaliw ka lang? Sayang!" Napailing nalang ako sa huli nyang sinabi

"Nandito lang ako Jema" nilapat nya ang ulo ko sa balikat nito

Buti nalang busy si Deanna sa paglalaro nya at hindi nya nakikita ang pag-iyak ko

Malamang iiyak din yon at masama pa magwala pa sya

Pero napa-isip din ako sa sinabi ni Nanay na kahit gumaling si Deanna walang ng trabahong nag-hihintay sakanya

Kasi sa economiya natin once na may record ka na iba na ang tingin ng iba saiyo

Kapag ex convict ka iisipin nilang wala ka ng karapatan magbago

Kapag nalaman nilang dati kang adik takot sila sayo dahil baka saktan mo sila

Kapag may problema ka sa pag-iisip mamaliitin ka dahil hindi mo naman magagawa yong tanging may matinong pag-iisip lang makakagawa

Napa-unfair ng mundo sa mga katulad nila

Agad kong pinunasan ang luha ko at umalis sa balikat ni Tots

Inalis narin nya ang palad nito sa likuran ko

"Sorry ang drama ko" hinging pasensya ko sakanya

"Ok lang yon! Hahaha pero bakit ganun Jema? kahit umiiyak ka ang ganda mo parin? Ang unfair naman" nahampas ko sya sa braso nito

Kaibigan nga to ni Deanna bolera eh

"Bakit pala hindi mo niligawan si Ced noon?" Napangiti naman sya sa tanong ko

"Iba ang gusto nya eh"

Manhid ka nga!

"Paano mo naman nasabi, na iba gusto nya?" Tumingin sya sakin

"Lagi nyang kinukwento si John Vic sakin" syempre close sila pero hindi naman ibig sabihin gusto nya yon

Hay naku! Kaya napag-iiwanan ka Tots eh

"Lagi ka nyang gusto kasama simula nung nagkakilala kayo? Ano ba sa tingin mo dun? Bestfriend nya si John Vic that time kaya malamang maikukwento nya sayo yon" or pwede rin pinag-seselos ka nya at tinitignan kung ano nga ba ang gagawin mo

"Natutuwa lang siguro sya sakin! Kasi di ba? Ako lang matino sa barkada namin?" Naku ewan ko sayo Tots

"Pero sa totoo lang! Hindi ko naman talaga ganun kagusto si Ced" napatingin na ako sakanya

"Sinabi ko lang kay Deanna na crush ko sya kasi crush nya na yong totoong crush ko eh. Rule namin yon hindi kami pwede magkagusto sa iisang babae pero wala eh! Lahat ng gusto ko gusto nya rin! Pinaka masakit dun lahat ng gusto ko sya ang gusto!" Ngumiti ito ng mapait

"Kaya ang ending nagpaparaya ako ng hindi nya nalalaman" tila naguguluhan naman ako sa sinasabi nya

"Layo ka jan pangit!" Napitlag kami ni Tots nang nasa harap na namin si Deanna

"Uwi na tayo!" Agad akong hinila nito palayo kay Tots kaya kumaway nalang ako sakanya

Bakit ba ang init ng ulo nito sa bestfriend nya?

"Deanna wait lang! Hindi pa tayo nakapag-paalam ng maayos sa bestfriend mo!" Singhal ko sakanya

Napahinto na kami pareho, nakanguso syang humarap sakin

Pawis na pawis ang baby ko at hingal na hingal naman si milo na karga nya

"Gutom na ako" baliwala nya sa sinabi ko

"Ate!" Napalingon kami sa batang tumatakbo papunta samin

"May nagpapabigay po" sabay abot sakin ng 1 stem ng Sunflower

Agad naman yon kinuha ni Deanna at tinapon sa basurahan at tinignan ako ng masama

PatientlyWhere stories live. Discover now