Ilang araw nalang babalik na kami ng Pilipinas
Tapos na kasi ang training namin dito sa Thailand
Kaya namamasyal nalang kami sa mga natitira naming araw dito
Hindi ko parin kinakausap si Deanna hindi ko na alam kung ano ba nangyayari sakanya dun
Tinatawagan naman nila ako pero hindi ko lang sinasagot
Hindi ko rin binabasa mga messaged nila
Gusto ko munang mapag-isip at ayoko muna intindihin si Deanna ngayon
Nag-fucos nalang ako sa trainings ko at mag-eenjoy nalang ako sa pamamasyal ko ngayon kasama ang team mates ko
Ayoko muna isipin ang problemang iniwan ko sa Pilipinas
Gusto ko muna ituon ang atensyon ko sa sarili ko
Dahil matagal ko na ata napabayaan kasi mas nilalaan ko pa ang oras ko sa pag-aalaga ng taong akala ko responsibilidad ko
Siguro nga guilt at awa lang ang nararamdaman ko kay Deanna
Kasi akala ko, ako ang dahilan kung bakit sya nag-kaganun
Pero hindi naman pala! Dahil yon sa ex nya! Nagka-ganun sya dahil niloko sya ng ex nya at ng bestfriend nya
Sila yong may gawa nun kay Deanna pero bakit ako nag-papakahirap sakanya?
Bakit ako nag-sasakripisyo? Bakit ako ang kailangan masaktan?
Bakit ang daya-daya nila!!!
"Ano ng balak mo ngayon ate Jema?" Sabi ni Ced
"Wala! Ayoko muna isipin ang mga problema Ced! Gusto lang ngayon is mag-enjoy" sabi ko habang tinaas pa ang mga kamay ko sa ere
Ngumiti ako at nilanghap ang simoy ng hangin dito sa temple of emerald buddha
Parang ngayon lang ako ulit nakahinga ng ganto kasarap
Yong tipong wala akong ibang iniisip kundi sarili ko lang
Ang sarap pala sa pakiramdam na sarili ko lang iniintindi ko
At walang ibang ina-alala!
Natapos ang araw na masaya lang kaming namasyal ng buong team
Tawa lang kami ng tawa! Picture dito, picture doon
Sulitin mo na Jema kasi baka pag-balik mo ng Pilipinas
Problema na naman ni Deanna ang haharapin mo
Napangiti ako ng mapait
--
"Party-party Jema!!!" Sigaw ni Pangs kasi hindi kami magkarinigan sa lakas ng music dito sa loob ng bar
Last night na namin sa Thailand at bukas uuwi na kami
Kaya napag-disisyonan ng team na mag-bar ngayong gabi
At sakto naman na last day din ng petro gazz dito sa Thailand kaya nakita narin namin sila dito
"Drinks pa Jema?" Bulong ulit ni Pangs sa tenga ko sobrang lapit ng mukha nito sakin
"Gusto kong sumayaw! Gusto ko mag-paka-saya ngayong gabi" sabi ko sabay taas ng kanang kamay ko
Lasing na ata ako hindi ko na alam kung ilang shot na na-iinom ko
"Yes! Enjoy the night Jema! Let's enjoy the night" sabi ni pangs at hinapit ako sa bewang
Napa-atras ako at lumapat ang likod ko sa counter ng bar
Tinignan naman ang mata ng isa't isa
Ngumiti si Pangs at mas nilapit ang mukha sakin
"Ang ganda mo talaga Jema" nangilabot ako sa init ng hininga nito sa tenga ko
Agad ko syang tinulak palayo sakin, nagulat naman ito pero ningitian ko sya
"Mag-sayaw nalang tayo" sabi ko sabay hila sa kanya sa gitna ng dance floor
Gumiling agad ako pagkarating palang namin sa gitna nun
Nasa likod ko lang si Pangs habang tinutulak ako palapit sakanya
Nasa bewang ko lang ang mga kamay nya, nararamdamn ko rin ang hininga nito sa leeg ko
Napapakagat labi nalang
Sinayawan ko sya habang nasa likod ko lang sya
"Ang sexy mo Jema! Ang galing mo talaga sumayaw" napangiti ako sinabi nya
Ewan ko ba kung alak lang ang dahilan pero feeling ko pinamulahan ako sa sinabi nya
Ang init kasi ng pisngi ko
Feeling ko kinilig ako! Ngayon nalang ulit ako nakarinig ng complement mula sa ibang tao
Yong complement na may pag-hanga ng sobra sakin
"Let's enjoy the night Jema! Please be with me" nasa hita ko na ang palad ni Pangs
Napapikit ako at nilean ang ulo ko sa balikat nya
Hinahalika narin nya ang loob ng tenga ko napakapit ako sa batok nya
"Jema! Please wag mo ako iwan ah?"
Napabalikwas ako nang bigla rumehistro ang mukha ni Deanna sa isipan ko
Agad kong nilayo ang sarili ko kay Pangs
"Sorry! Mag-cr lang ako" sabi ko at inayos ang black fitted dress ko
"Samahan na kita?" Umiling ako
"Kaya ko na!" Agad akong lumakad palayo sakanya
Pasuray-suray akong pumasok sa banyo
Sa sink agad ako dumeretso para maghilamos
"Ano bang ginagawa mo Jema?" Tanong ko sa reflection ko sa salamin
"Bakit? Ano ba ginawa ko? Nag-eenjoy lang ako! Wag mong isipin si Deanna! Baka nga mas malala pa yong ginagawa nya noong matino pa sya! Baka hindi lang yong ex nya ang tinago nya sakin!" Sabi ko sa mataas na boses
Bumuhos ang mga luha ko sa pisngi ko
Lahat ng pagdududa ko noon bumabalik na naman ngayon
Lahat ng sakit na pinaramdam nya sakin bumabalik na naman sakin ngayon
Ang sakit-sakit na ayoko na!!! Pagod na pagod na ako
Gusto ko ng mag-pahinga!
Gusto ko nalang ienjoy ang sarili ko na wala na akong iisiping pabigat sa buhay ko
Ayoko ng makasama si Deanna!
Ayoko na kay Deanna!!!!
BINABASA MO ANG
Patiently
FanfictionHanggang kailan ka lalaban para sa taong mahal mo? Chasing The Stars Book 2