"Ate" salubong sakin ni mafe pagpasok ko palang sa Gym ng UST
Hindi rin kami nag-tagal sa laguna dahil may training pa sya
At ako naman mag-hahanda narin para sa pag-babalik ko sa rebisco at Team Creamline parin naman ako
"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Mafe paglapit sakin
"Aayain sana kita maglunch" sagot ko sakanya
"Tamang tama katatapos lang ng training namin" sabi naman nya
Napatingin ako sa likod nya may napansin kasing akong pamilyar na babae
Lumingon ito samin kaya nagtago agad ako kay Mafe para hindi nya ko mapansin na nakatingin sakanya
"Sino ba tinitignan mo? Si ate Deanna?" Sabi ni Mafe sabay tingin sa likod nya
"Hindi no!" Tanggi ko
Bumalik sakin ang tingin ni Mafe tapos nginitian ako ng mapang-asar
Tinignan ko sya ng masama tumawa lang ang loka
Pero ano bang ginagawa ni Deanna dito?
"Hinihintay nya si Ysa" sabi ni Mafe tila nabasa ang iniisip ko
"Hindi ko tinatanong" sabay irap dito
"Sus hindi mo na kailangan tanungin kilala na kita" inismiran ko naman sya
"Jema" tawag ni Deanna sakin, nakalapit na pala sya samin
Pero nung nakaraan lang Jessica tawag nya sakin
Tinatawag nya lang ako nun kapag nag-lalambing sya lalo na kapag Jemalyn? May gustong ipahiwatig yon hahaha
Pero ngayon balik na ulit sa Jema?
"Oh hi!" Sabi ko sabay kaway sakanya
Napansin kong nakasabit sakanya yong Camera nya
So kumukuha na ulit sya ng mga picture?
Sabagay mas nakakatulong yan sa madalian nyang pag-galing
Yong ibalik nya mga hobbies nya
"Tara ate Deans! Sama ka samin mag-lunch kami ni ate" sabi ni Mafe sakanya
Sasagot na sana sya nang may sumulpot sa likuran nito
"Sorry! Maf, may session sya ngayon!" Singit ni Ysa
Napatingin naman agad sya sakin
"Hello po, ate Jema! Sorry nung nakaraan hindi kita nakilala ah? Lalo ka kasing gumanda eh hahaha" kunwari nang-bola pa!
Nginitian ko lang sya bilang tugon ko sa kaplastikan nya hahaha
"Wait lang Deans, ah? Mag-shower lang ako, tapos alis na tayo" malanding baling nito kay Deanna hinahaplos pa ang balikat nito
"Mafe, Ysa, may biglaang tune up tayo! Kailangan nyo ng mag-ready after lunch, wag na kayo lalayo ah?" singit ni Eya ang Team Captain nila
Napangiti ako nung makita ko ang reaksyon ni Ysa
Halos sumayad na ang nguso nito sa sahig sa sobrang haba ng pag-kakanguso nito
"Ok lang ako, kaya ko na! Wag ka ng mag-alala, smile na" sabi ni Deanna sabay pisil sa pisngi ni Ysa
Napa-ismid naman ako nasiko tuloy ako ni Mafe
"Masyadong halata ate! Hahaha" bulong nya sakin
Inirapan ko lang sya
Naglandian pa muna si Deanna at Ysa bago tuluyang umalis sa harapan namin ni Deanna sila Ysa at Mafe
Katahimikan naman ang namayani samin ni Deanna nung kami nalang dalawa
YOU ARE READING
Patiently
FanfictionHanggang kailan ka lalaban para sa taong mahal mo? Chasing The Stars Book 2