Nagtatalon kami after ng last point ni ate Alyssa
After a year na nakabalik kaming dalawa sa team
Isa lang ang goal namin ang mabalik ang championship sa team namin
Dahil parehas kaming nag-asawa at nagka-anak nawalan talaga ng pangunahin gunner ang team
Tapos nag-asawa at nag-anak din si ate Jia at Kyla ganun si Ced
Halos sabay-sabay kaming nawala kaya talagang nalaglag ang team namin
Tapos sabay-sabay din kaming nagbalik at sa wakas naibalik din naman sa team namin ang championship
Magkayap kaming tatlo ni ate Jia at Kyla habang nagtatalon parin at sinasabuyan ng confetti ng mga kateam mate namin
Si ate Ly, ang finals MVP sya din ang 1st best open hitter
Samantalang 2nd best open hitter naman ako at Conference MVP
At Best setter si Ate Jia at Best Libero si Kyla
Oh di ba? May makakatalo pa ba samin? Charrr hahaha
After ceremony at picture taking agad akong tumakbo sa audience
Para puntahan ang mag-iina ko
Niyakap ko agad si Deanna na karga si Deallan habang katabi nya sa upuan si Belle
"Congrats Love" sabi ni Deanna
"Congrasts mama" sabi naman ni Belle
"Thank you sainyo, dahil inspiration ko kayo, kaya natamo ko ang mga ito dahil sainyo" at hinalikan ko silang tatlo sa pisngi
"Miss Jema, picture po!" Sabi ng bagong hired na photographer ng VP
Kinuha ko si Deallan kay Deanna at kinarga naman nya si Belle
Agad naman kumuha ng picture namin ang photographer ng VP at ang iba't iba pang agency
Napangiti ako, sobrang saya lang ng pakiramdam ko ngayon
Kumpleto na ang lahat para sakin
May magandang career at buong pamilya
7 years na pala kaming kasal ni Deanna pero parang bagong kasal parin yong pakiramdam namin
Yong Love at respeto namin sa isa't isa hindi parin nawawala
Sa edad naming 35 at 37 years old para parin kaming teen-ager na kinikilig sa isa't isa
Lagi parin kaming nag-dedate, hindi namin kinakalimutan bigyan ng oras ang mga sarili namin kahit pa may chikiting na kami
Kami parin ang number one baby ng isa't isa
Yon siguro talaga ang sekreto kung bakit nagtatagal parin ang relasyon namin ngayon na walang away
Kung meron man, tampuhan lang tapos usap para ma-ayos para hindi na lumalala pa
Napaka-swerte namin ni Deanna sa isa't isa yon lang ang masasabi ko
"Love, ok ka lang?" Sabi ni Deanna na nagpabalik sa imahinasyon ko
"Opo, Love medyo pagod lang sa game" sabay hilig ng ulo ko sa balikat nya
"Gusto mo umuwi na tayo?" Umiling ako
"May team dinner pa, sige na shower lang ako ah?" Paalam ko sakanya at hinalikan ko ulit silang tatlo sa pisngi bago pumasok sa dugout
---
Isabelle Maxine Galanza
Basa ko sa nameplate ni Belle na nasa lapag agad ko naman yon pinulot
"Love, bakit nakakalat itong nameplate ni Belle? Mamaya paglaruan to ni Hero eh" tukoy ko sa bagong aso namin
YOU ARE READING
Patiently
FanfictionHanggang kailan ka lalaban para sa taong mahal mo? Chasing The Stars Book 2