Chapter 23

5.3K 202 106
                                    

"Magaling na si Deanna hindi na nya ko kailangan" sabi ko sarili ko habang hawak ang litrato namin ni Deanna

"Weh? Paano mo nasabi?" Napalingon ako kay Mafe na kalalabas lang ng pinto ng likod bahay namin

Lumapit sya sakin at tinabihan ako sa mahabang upuang kahoy namin

"Sinabi nya sayo na magaling na sya? Nagkita na kayo?" Tumango ako

"Kanina sa puntod ni Charlie" sagot ko

Si Mafe naman ang tumango

"Alam mong lifetime na ang sakit ni ate Deanna" napatingin ako sakanya

"Siguro nga maayos na sya mag-salita ngayon pero may sakit parin sya sa pag-iisip ate. Alam mo yan dahil yan ang sinabi ng Doctor nya sayo, habang buhay na ang sakit ni ate Deanna"

"Oo, sa ngayon makikita mo parang ayos na sya pero kailangan parin nyang labanan ang mga emosyon nya lalo na yong mga bagay na makakapag-triggered ng kundisyon nya. Kaya nga may maintenance syang gamot di ba? At kailangan nyang lumayo sa mga negative na bagay na magpapalala ulit sa sitwasyon nya"

Tama naman si Mafe sinabi sakit ng Doctor na hindi na gagaling yong mga katulad ni Deanna

Pero nagagamot ito pansamantala sa pamamagitan ng pag-maintain ng mga gamot nito

Oras na itigil nya yon at maka-adopt na naman sya ng mga bagay na makakapag-triggered ng sakit nya ma-aari ulit itong lumala

"Siguro sinabi lang ni ate Deanna sayo yon, kasi ayaw ka na nyang mag-alala sakanya. Ayaw na nyang sisihin mo sarili mo" yumuko ako

"Kasi naman ate eh! Dapat kasi dati nyo pa sya pinasok sa mental health facilities, baka dati pa sya mas naging ok"

Paglabas palang ni Deanna sa rehab for drug abuse sinabihan na kami ng Doctor nya na ipasok nga sya sa psycho rehab

Pero nag-wawala si Deanna ayaw nyang pumayag kaya hindi na namin sya pinilit

Saka naging ayos naman sya nung lagi nya ko nakikita

Pero may mga hallucinations na sya yong tipong may nakikita at naririnig na syang iba?

Lalo na kapag may bad dreams sya at dun sya nag-start mag baby-talk

Naging boyet at budoy na sya hahaha

Sabi nung Psychiatrist nya humina na daw kasi mag-function ang utak nya nun

Kaya sinuggest ulit ng Doctor na ipasok na si Deanna sa mental health Facilities kasi nga mas kumpleto ang mga kagamitan dun

At may araw-araw na session si Deanna at theraphy na makakatulong sa pag-relax ng utak nya

Pero hindi na naman pumayag si Deanna

Sabi nung Psychiatrist pilitin nalang namin kahit ayaw nya pero ako na yong hindi pumayag

Kasi gusto ko na syang alagaan, akala ko kasi sapat na yong moral support at maintenance nya at check up

Pero tulad nga nyan hindi sya gumagaling kasi may mga bagay na tinatanggap nya na-titriggered yong sakit nya

May mga negative na bagay ang inaabsorb nya kaya hindi sya tuluyang nagiging ok

"Wala na tayong magagawa dun tapos na eh! Atleast ngayon, ayos na sya ng wala ako" sagot ko kay Mafe

Naramdaman ko ang pag-hagod nya sa likod ko

"Sabi ni Ysa, yong teammate ko" Ysa? Pamilyar yong name

"Student Psychiatrist sya ni ate Deanna, nag-OJT sya dun sa rehab kung saan naka-confined si Ate Deanna" so teammate pala ni Mafe yong kasama ni Deanna kanina kaya pala pamilyar sya

"Sya ang na-assign maging consultant ni ate Deanna hanggang makalabas ito. Tutulungan nya sya para maging normal ang buhay nya sa labas ng totoong mundo kahit ganun ang kundisyon nya"

"Yon nga sabi ni Ysa, may tendencies daw talaga bumalik yong depression ni ate Deanna kung hindi aalagaan. Pero pinapa-intindi daw nya kay Ate Deanna na pwede daw silang mamuhay ng normal tulad ng iba sa kabila ng kundisyon nya"

"Lagi rin kasama ni Ysa, si ate Deanna ngayon kasi ina-alalayan pa nya to. Kailangan parin kasi ng advice ni ate Deanna para mabuhay ng normal kasama ang mga normal na tao. Kasama rin sya sa mga therapist nito at mga seminar kahit tapos na yong OJT nya, ewan ko ba dun feeling daw nya kailangan pa sya ni ate Deanna"

Tumawa si Mafe

"Feeling ko may crush yon kay ate Deanna eh" tinignan ko sya ng masama

"Bakit selos ka? May karapatan ka pa ba? Hahaha"

"Che!!! Ewan ko sayo!" Sabi ko sabay tayo

"Kahit naman ako crush ko rin si ate Deanna eh! Hahaha dadami na naman karibal mo lalo ngayong ayos na sya? Sobrang papi na nya ulit di ba?" Inirap ko sya bago ako pumasok ng bahay namin

Naririnig ko pa ang malakas na pag-tawa ng bruha kong kapatid

Dumeretso ako sa kwarto ko at nahiga sa kama ko

Tinignan ko ang picture namin ni Deanna

"So dahil Psycology student na yong lagi mong kasama kaya ka gumaling?" Duro ko sakanya

Sabagay mas naiintindihan naman sya nung Ysa parehas silang Psycho

Kakainis!!!

Pero sabi ni Mafe yong Ysa ang may crush kay Deanna?

So wala pa silang relasyon?

Wala pa?

Baka may pag-asa pa?

PatientlyWhere stories live. Discover now