Chapter 7

4.2K 164 69
                                    

"Good News Ms. Galanza" nakangiting salubong sakin ng psychiatrist ni Deanna

"Possitive lahat ng result ni Ms. Wong, nasasagot nya na lahat ng maayos ang tanong ko. Because of the good environment sa paligid nya, na nakakatulong talaga yon sa pagrerecover ng pasyente. But we can't say na 100 percent na Ok na sya. Kailangan nya ng maging productive, so malaking tulong na ang pag-eexercise." Huminto muna si Doctora at tumingin sa papel na hawak nito

"Wow hindi din ako makapaniwala na yong 47 percent na pag-asa ay 79 percent na ngayon. Sobrang laki talaga ng naitutulong kapag maganda ang nabubungaran ng pasyente sa paligid nya. I suggest din na unti-unti mo ng ipakilala yong mga ginagawa nya noon, mga hobbies nya. Isang malaking factor din yon sa pagbabalik ng confidence sa sarili nya, na pwede na nyang gawin yong mga bagay na ginagawa nya noon."

Parang hindi maprocess sa utak ko yong sinabi ni Doc

Si Deanna may malaking pag-asa ng gumaling?

Napangiti na ako ng unti-unti ng tinatanggap ng utak ko yong mga sinabi ni Doctora

"Thanks po Doc" tila naiiyak pa ko

"But hindi pa sya 100 percent ah? Maaari parin nya masagab ang mga negative thought sakanya. Madali lang yun magfafunction sa utak nya, na makaka-apekto sa pag-healed nya. So kailangan talaga ilayo sya sa mga bagay na maaaring makatriggered ng depression nya." Tumango ako at ngumiti kay Doc

So kailangan ko talaga iwasan ang intimate moment namin dahil isa yon sa dahilan ng depression nya?

Gustuhin ko man itanong kay Doc kaso baka isipan nya nababaliw narin ako hahaha

Pero ang mahalaga ngayon eh sobrang laki na ng pag-asa ni Deanna

Kailangan nalang ngayon is iwork-out pa para sa totally healed nya

Kunti nalang Love! Babalik ka narin sa dati

Napangiti ako nang makita kong sumasayaw si Deanna habang nanonood sa malaking TV ng Cocomelon dito sa isang private room para sa mga pasyenteng katulad nya

"Sorry! Excuse me! Hikhik" sinasabayan nya ng kanta at habang tumatawa sya

May pagka-childish talaga to si Deanna dati pa kaya hindi rin ako nagtataka kung bakit ganyan sya ngayon dahil sa kundisyon nya

"Baby, uwi na tayo!" Sigaw ko sakanya

Lumingon sya at umiling

"Ayaw!!! Nood pa ko dito" sabay tingin ulit sa screen ng TV

"Meron din naman tayo sa bahay nyan" nilapitan ko na sya

"This is the day...."

"Deanna! Walang kasama si milo dun" pigil ko sa pagkanta nya

"Hindi mo kasi sinama eh" nagmamatol na sya

"Bawal kasi dogs dito" hinaplos ko pisngi nya

"Sige na nga! Uwi na tayo wawa naman si milo" nakanguso nyang sabi

Gets ko naman bakit ayaw pa nyang umuwi minsan nga lang kasi ito lumabas

"Jema, ang cute nung baby dun sa ward" sabi ni Deanna habang hawak kamay kaming palabas ng hospital

"Gusto ko din ng babing cute" nakalabi nyang sabi ulit

"Bakit baby mo naman ako ah? Saka cute din naman ako" nagpacute pa ko sakanya

"Hindi ka na baby! Damulag ka na eh" inosente nyang sagot

"Batukan kita dyan eh" nakakainis ka ah

"Pwede kaya tayo magkababy Jema?" Hindi ko alam paano sasagutin yang tanong mo Deanna

Pero nangiti ako may biglang pumasok sa isip ko

"Paano naman tayo magkakababy? Kung ayaw mo naman gumawa ng baby" kagat labi kong asar sakanya

"Paano ba gumawa ng baby?" Hay naku hindi ko kayang ipaliwanag kahit naman sabihin ko yong paraan hindi parin kami makakabuo ng baby

Hindi na ako sumagot at hinila nalang sya papunta sa parking

"Jema!!! Paano nga gumawa ng baby? Gusto ko ng baby eh" sabi nito bago pa kami makarating sa kotse ko

"Deanna!!! Kahit pa gumawa tayo ng baby hindi tayo makakagawa ng baby!!!" Iritado kong sagot sakanya

"Sabi mo??? Ang gulo mo naman kausap" padabog itong pumasok sa front seat ng kotse

Grrrrrrr nakakainis na talaga tong budoy na to

Nakabusangot lang si Deanna sa buong biyahe hanggang makarating kami sa condo

"Ate!!!" Sigaw ni Mafe pagpasok namin ng entrance ng building

"Oh anong ginagawa mo dito?" Tanong ko agad sakanya

"Si nanay nag-pasama sakin" tinuro nya si nanay na nakaupo sa waiting area

Lumapit ako sakanya at nagmanong pinag-mamanong ko rin si Deanna kaso hindi sya gumagalaw tinotopak parin talaga si boyet

"Mag-usap tayo" bungad ni nanay pagpasok palang namin sa unit ko

"Mafe ikaw muna bahala kay Deanna" sabi ko naman sa kapatid ko

"Tara ate Deans laruin natin si milo" sumunod lang si Deanna sakanya na walang parin reaksyon ang mukha

"So totoo pala ang balita na nag-aalaga ka ng baliw Jema ah???" Sigaw ni nanay

"Nay! Hindi baliw si Deanna! May mental illness sya oo pero umiinom sya ng gamot at regular ang check up nya na nakakatulong sa pag-galing nya" mahinahon kong sagot sakanya

"Kahit ano pang kundisyon nyan! Pabigat parin sya sayo anak! Ano habang buhay mo nalang sya aalagaan? Nasaan mga magulang nyan? Bakit ikaw ang na-aabala? Gumising ka nga Jema!!! Inaabuso ka ng pamilya ng babaeng yan!!! Ikaw nagpapakahirap imbis na sila ang mag-alaga sa anak nila!!!!"

"Nay! Ako nagvolun......."

"Niloko ka ng gagong yan!!! Hindi ka pa nadala?" Napapikit ako

"Tapos ngayon ikaw pa nag-aalaga? Niloko ka na nga pinapahirapan ka pa. Kumukuha ng pabigat sa buhay mo!!!"

"Nay! May pag-asa pang gumaling si Deanna! Babalik din sya sa dati makakapag-trabah....."

"Tingin mo ba may kukuha pa sakanya? Kahit gumaling pa sya walang ng magtitiwala sa dati ng baliw kay......"

"Ahhhhhhhhhhhhh" lumingon kami kung saan ng galing ang boses

"Hindi ako baliw!!!!!" Nakatakip na ang mga palad nito sa tenga nya agad naman syang inalalayan ni Mafe dahil matutumba na ito

Nagsisigaw lang si Deanna habang unti-unti na syang nabitawan ni Mafe at bumagsak ito sa sahig

"Hindi ako baliw!!!!! Hindi ako baliw!!!!! Hindi hindi hindi!!!!!" Naalarama ako ng sinusuntok nya na ang sahig at ang sarili nya habang tumutulo ang luha nito

Agad akong tumakbo palapit sakanya at niyakap sya ng mahigpit tumatangis narin ako

"Tahan na baby! Nandito lang ako" hinahaplos ko lang buhok nya

"Hindi ako baliw Jema!!! Wag mo ko iiwan!!!! Hindi ako baliw eh" humigpit ang pagkakayakap nya sakin

"Hindi kita iiwan! Hindi ako susuko sayo! Gagaling ka ah?" Please gumaling kana

"Mahal na mahal kita" hinalikan ko ang noo nito at naramdaman ko naman ang pagkalma nya

PatientlyWhere stories live. Discover now